Chapter 22
Having a vision of your life allows you to live out of hope, rather than out of your fears.
Your vision will become clear only when you look into your heart. Who looks outside, dreams, who look inside, awakeness.
There is only one real failure in life that is possible, and that is not to be true to the best knows.
Kasawian na siyang daan upang mas maipatatag mo pa ang bukas para masiayos at di mawasak. Basihan upang mas maipalalim o maitatag ang parel, upang di magiba sa isang bato ng kasawian.
Ngunit?
Pag ikay lugmok sa luha, sakit at dalamhati, ay isang uri ng dahilan upang mawasak ang buhay. Buhay na ipinagkait na maging masaya, magmahal at maging matatag.
Isang bagay lang ang pinanghahawakan ko, yon ang pagmamahal, ngunit ang pagmamahal na iyon ay pawang ipinagkait sa akin. Si lola lang ang nagparamdam niyon sa akin.
"Anong problema apo, at ganyan ka makayakap?" Lola said. Niyakap ko kasi siya na para bang wala nang bukas.
"Sadyang miss lang kita lola. Sa dalawang buwan kitang di nakita, talagang mami-miss kita!" Sambit ko, habang yakap parin siya. Dalawang buwan kami di nagkita ni lola, simula June at July.
"Di mo ba ako na-miss?" Pout kong tanong sa kanya.
"Abay na-miss din kita apo! Buti naman ay nakadalaw ka dito. Alam mo namang nag-iisa lang ako sa bahay na ito"
"Sabi ko naman sayo diba na doon kanalang tumira sa bahay para may kasama ka"
"Ayaw ko namang iwanan ang bahay na ito apo, ito lang ang nagsisilbing alala ng lolo mo sa akin" Lungkot niyang saad. Alam kong miss na niya si lolo na sumasakabilang buhay na, limang taon nang nakalilipas.
"Dito ko rin makikita ang mga alaala nang iyong ina, simula pagkabata hanggang sa pagdadalaga" Dagdag ni lola.
I miss my mom.
"Sya nga pala apo, nakapag enroll ka na ba? Malapit na ang pasukan?" Tanong ni Lola. Malapit na ang pasukan, its August 8, August 4 na pala ngayon, apat na araw na lang at pasukan na.
"Tapos na po lola" Sagot ko. Pero alam ko namang di ako aabot sa araw na iyon. Simula sa kaarawan ni Radlegh, di na ako nangpakita pa sa kanila, lubos ko silang tinaguan. Alam ko namang ayaw niya akong makita, kita ko sa kanyang mga mata.
About those kiss na di abot sa puso, halik na walang kahulugan.
That night umalis ako sa Yate, sakay ang isang salbabida, buti na lang at mayroon iyon doon, at buti din walang nakakapansin sa aking pag-alis. Umuna akong umalis sa kanila na di nagpapaalam pa. Alam ko namang di nila ako hahanapin.
"Anong kinuha mo? At san ka mag-aral?" Tanong niya muli habang yakap pa ako.
"I receive an invitation sa US lola, at nakapasa kasi ako sa online exam nila, kaya di na ako nag atubiling tanggapin iyon"
"Sa US? Ang layo naman apo! Mami- miss kita ng subra pag ganon!" Lungkot na saad ni lola.
"Wag kang mag-alala lola, may VC naman, kaya magkita padin tayo at magkausap" Saad ko.
"O-siya kung iyon ang gusto mo, wala na akong magagawa pa. Buti nalang may bahay kami ng lolo mo don, don ka nalang tumira" Saad niya. Kaya natuwa ako dahil sa sinabi ni lola.
"Talaga lola, thank you!" Pasalamat ko, at sabay halik sa pisngi niya.
"Alam ba ito ng papa mo?"
Kumalas ako mula sa yakap ni lola at tiningnan siya. Im sad.
"Dapat mo isabi iyan sa papa mo, apo!"
"Sasabihin ko po, pag aalis na ako. Wala naman siguro siyang problema don!"
"Kailan ba ang alis mo apo?" Tanong niya, bakat parin ang lungkot sa mukha.
"This 7 lola, aalis ako sa araw na iyon. Kaya Im here para masulo ka. Ma-miss talaga kita subra" Yakap ko muli kay lola. This time tumulo na ang aking luha.
Sorry lola, kung di ko sasabihin sa iyo ang kondisyon ko. Ayaw kong mag-alala ka.
Naging tahimik si lola habang yakap ako, habang umiyak parin ako. Ang sakit ng puso ko. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas non.
"Sandali lang apo, may kukunin lang ako!" Saad ni lola, bago tumayo at umalis, pumunta siya sa kwarto niya.
Pinahid ko agad ang luha kong nagbabadya ng niluwa agad si lola mula don sa kwarto nila ni lolo. May bitbit siyang box, katamtaman lang ang laki. Umupo agad si lola sa tabi pagdating niya. Binuksan niya agad ang box, bumungad agad sa akin ang isang kwentas kulay ginto iyon na parang walang buhay.
" Galing sa ina ko ito, bigay niya sa akin simula ng ikasal ako sa lolo mo. Sabi ni ina, ibigay ko daw ito sa magiging anak kong babae pag ikasal na ito sa lalaking mahal niya, kaya ng ikinasal ang mama mo sa papa mo, ibinigay ko ito agad sa kanya" Paliwanang ni Lola.
"Ngunit nalungkot ako nang nawala ang ina mo, dahil dapat maipasa niya ito sa anak niyang babae pag ikasal na" Lungkot niyang sambit.
"Kaya sa iyo na iyan apo, sa iyo ko ibigay iyan" Nagulat ako sa sinabi ni lola.
"Po! Dapat diba kay ate iyan ibigay dahil siya ang nakakatanda lola! Syaka lola di pa ako kasal" Bumuntong hininga si lola, dahil sa sinabi ko.
"Dapat ibigay iyan sa totoong Alcagel apo. Nagsisimbolo iyan ng pag-asa at kapayapaan at mausbong na pag-ibig. Kaya ko sa iyo iyan ibigay, dahil nagwakas ang linya, nong nawala ang iyong ina, kaya ako ang mamimili kong sino ang papasahan nito" Paliwanang niya. Naguguluhan naman ako. Totoong Alcagel?
Nilagay iyon ni lola sa kamay ko, sinuri ko iyon. Maganda ang kwentas, may heartshape na malaginto tingnan, tiningnan ko ang malapusong hugis may nakasulat kasi doon na pawang di mabubura its Pawa No Ai at ang sa ibaba naman nito ay nakasulat ang isang Hikari No Kasai. Naguluhan ako sa sulat. Di ko kasi maintindihan ang nakasulat doon.
" Lola anong ibig sabihin ng 'Pawa No Ai' at Hikari No Kasai'? Tanong ko kay lola, kinuha naman niya iyon sa akin at tiningnan niya ng mabuti.
"Ang sabi ni ina sa akin noon na salitang Japanesse ito. Lahing Japanesse kasi ang lolo ko noon" Sambit ni lola, habang nakikinig ako sa kanya.
"Sabi ni ina ang salitang Pawa No Ai ay nangangahulugang Power of Love sa english at ang Hikari No Kasai ay Light of Fire. Di ko din alam ba't ganito ang nakaukit sa kwentas na ito, di na kasi nasabi ni ina. Basta ang sabi niya sa akin na nagsisimbolo ito ng banal na pag-ibig" Paliwanag ni lola sa akin.
"Halika't isuot na'tin sa iyo apo!" Dagdag ni lola habang pinasuot sa akin ang kwentas.
"Bagay sa iyo apo" Sambit ni lola habang mag ngiti sa labi. Ramdam ko pang bigla iyon kumislap at nabigyan ng buhay, kumikinang iyon na parang crystal. Kaya nagulat ako.
"Yan ang nagsasabi na isa kang Alcagel apo, ang pagkislap ng kwentas na iyan ang nagsasabi na dugo ng Alcagel ang nanlalaytay sa iyo, kaya muling nabuhay ang kinang ng kwentas nang naisuot iyan ng tagasunod na tagapangalaga sa kanya" Nakangiting sambit ni lola.
"Nahanap na niya ang bagong nagmamay-ari sa kanya" Dagdag pa niya.
Kahit naguguluhan man, nagpasalamat ako kay lola. Babaunin ko ito, hanggang sa huli kong hininga. We spent a lot of time ni lola, nanonood ng tv at sama-samang kumain, doon na din ako natulog habang katabi siya.
Kinabukasan, 9 o'clock August 5 nag paalam ako agad kay lola. Niyakap ko muna siya nang mahigpit, hinalikan sa pisngi bago umalis. Ramdam kong umiyak siya pero di niya iyon pinakita sa akin.
Nasasaktan ako, mahina ako, at maiyakin. Tama lang siguro ito, ayaw kong malungkot si lola, ayaw kong ako ang dahilan nagpakawala ng kanyang mga ngiti. Sa aking dahilan, na mag-aral sa ibang bansa, isang paraan upang di na ako masasaktan at walang makasaksi sa unti unting paghina ng t***k ng aking puso at paglugmok nang aking katawan.
Tinanaw ko muli si lola na nasa bakuna ng pintuan. Kumaway muna ako bago nilarga ang aking motor, habang ang luha ay nagbabadyang dumaloy sa aking mga mata na siyang bumabaybay sa aking mukha.
Pagdating sa bahay, bungad sa akin agad ang ingay ng piano alam ko na si ate iyon. Pinarada ko agad ang motor sa garahe, bago pumasok ng bahay. Pagpasok ko kita ko sila agad na nakapalibot kay ate.
Kita ko pa si Aleng Siti at ate Imelda na abala sa paghahanda ng meryenda. Ngumiti lang ako kay ate Imelda ng nakita niya ako. At dumiritso sa hagdan. Ramdam ko na nakatingin sila sa akin, especially him, bat di ko na sila pinansin pa.
Ayaw kong tingnan siya, dahil baka masabi ko sa huling pagkakataon na Mahal ko siya.
Ni-lock ko nang mabuti ang pinto, baka kasi pumasok pa siya dito, ilang beses na siyang nakapasok dito, at di ko alam kong bakit siya nakapasok sa kabila ng ni-lock ko iyon.
Wala akong ginawa sa araw na ito kundi umiyak at nilalasap ang bawat anyo ng kwarto ko.
"Ma-miss ko kayo" bulong ko habang tinanaw ang bawat trophy, medalya artwork at mga instrument ko.
Alam kong isa akong mahinang tao, tinatakbuhan ang problema. Pero anong gagawin ko? Im alone, ayaw kong isabi sa iba its because I don't want a pity, kawawaan ako. Ayaw ko nang ganon.
Everything in this place ay iiwan ko. Iiwan ko din ang alala ko, masasaya man o pighati.
I clean everything and arrange the mess, ayaw kong magulo ang kwarto bago ko iwan.
I do a deep breath. And cry for the last time.
Goodbye