Chapter 10
"Nanay, tatay! Andito na si ate" Galak na saad ng isang batang lalaki at dali-daling tumakbo pasalubong sa amin at niyakap si ate Imelda. Ito na siguro ang bunso niyang kapatid.
Nakisilip naman ang kapitbahay nila, nakiusisa kong sino ang nakarating.
Lumabas naman ang nanay at tatay niya na may galak na sa mukha. Tuwang tuwa sila ng nakita si ate Imelda.
"Anak, buti maayos kang nakarating" Tuwang saad ng ina ni ate. Habang niyakap siya, niyakap naman siya ng kanyang itay.
"Ate!" Yakap naman ng isang lalaki kay ate Imelda.
Tapos ng kanilang pagyakapan, bumaling sila akin, bahangya pa silang nagulat sa kanilang nakita.
"Oh Joseph, andiyan ka rin pala?" Bati ng ina ni ate Imelda. Katabi ko pala si kuya Joseph nasa likod daw kasi ang bahay nila. Kung baga, katabi lang sa bahay nila ni ate Imelda.
"Oy pare, nakauwi kana pala" Sambit ng kapatid ni ate. At tumingin sa akin." Syota mo?" Tanong niya kay kuya Joseph, at tumingin sa akin.
Kaya bahagya pa akong nagulat nakamalan pa akong Syota nito. Nagulat nga din si kuya Joseph, nagtawanan pa kami ng tumingin ako sa kanya, at umiling.
"Magsitigil ka nga Edward!" Palo ni ate Imelda kay Edward kapatid niya. Kamukha sila ni ate Imelda, moreno din siya, pero nababagay iyon sa hitsura niya.
" Anak ng amo ko yan. Kaya ikaw magsiayos ka!" Pangagaral niya kay Edward. Napakamot naman siya sa kanya batok pawang nahiniya.
"Nay, itay siya pala si Gizia. Anak ng amo ko" Pakilala ni ate Imelda sa akin. Ngumiti naman ako at nagmano sa kanila isa isa.
Nagshakehands din kami ni Edward, natawa pa ako mg bahagya siyang namula. Piningot naman siya ni ate Imelda. Kaya natawa kami lahat sa naging hitsura niya.
"Ate naman! Ang sakit non!" Busangot niyang sambit.
"Bata pa iyan Edward, wag kang epal. Magkasing edad lang kayo ni Joseph" Sambit ni ate Imelda. Kaya nabusangot muli ang nguso niya.
Natatawa nga din si Joseph na nasa tabi ko. Ang nanay at tatay naman ni ate Imelda ay pumasok sa loob para makapaglinis daw, di daw kasi nila alam na may kasama ang anak nilang si ate Imelda.
Kaya tapos ng pakilala nila sa akin, nag paalam sila agad. Habang yong bunso naman, yakap parin si ate Imelda habang nakatingala sa akin pawang nahihiya.
"Ganyan din ang sabi sa akin ni ate Imelda pre! Kaya wag mo ng pagdiskartehan itong new bunso ko!" Sambit ni kuya Joseph.
"Bunso?" Gulat nilang tanong ni ate Imelda at Edward habang palipat lipat ang tanaw sa amin.
"Bakit?" Gulat na tanong ni Edaward
"May angal!" Sambit naman ni Kuya Joseph. Kaya nagtawanan na lang
kami.
Lumayo ako kunti sa kanila ng nagkulitan silang dalawa habang si ate Imelda ay nanonood lang sa kanila. Lumapit ako sa bata para magpakilala.
"Hi! Im Gigi! Ikaw? Anong name mo?" Tanong ko sa bata.
"Lorenzo po" Nahihiya niyang sambit. Cute! Ang sarap pisilin.
"Ilang taon kana?" Tanong ko muli
"Mag se-seven po" putol putol niyang sabi. Kinurot ko naman ang pisngi niya, pero yong hindi siya masasaktan.
"Nice meeting you Lorenzo. Pwede mo akong tawaging ate"
"Pasensya kana Gigi, yan lang ang kama namin. Hindi malambot, gaya ng kwarto mo" hinging paumanhin ni ate Imelda sa akin.
"Ok lang ate walang problema"
"Siya lalabas muna ako. Kung gusto mong lumabas, punta kalang sa likod may upuan doon, kung gusto mong magbanyo! Nasa gilid lang ng kitchen" Sambit ni ate. Tumango naman ako, at syaka siya lumabas.
Katamtaman lang ang laki ng bahay nila. May tatlong kwarto sa loob, ang kitchen at dining area ay iisa lamang, may living area naman sila, may tv at upuang kawayan. Di gaanong malaki pero malinis naman tingnan.
Maganda naman ang kwarto ni ate. May nakasabit na medalya, may kawayang cabinet, katamtamang laki ng higaan na gawa sa kawayan. Gawa sa kahoy o kawayan ang bahay nila, pero sa akin ay maganda ito tingnan, makakamis ang nakaraan.
Pumunta ako sa bintana para makalanghap ng hangin, may maliit na mesa at upuan ang nakalagay.
"Bunso!" Nagulat ako ng may sumigaw. Tiningnan ko iyon. Its kuya Joseph. Kumaway pa siya sa akin, kaya kumaway din ako sa kanya pabalik.
Nakasilip din siya sa bintana , tansya ko iyon ang kwarto niya. Malaki ang bahay nila. Gawa sa semento. At may mga tanim na bulaklak ang nakahalera.
Sumenyas siya na umalis tungo sa labas ng kwarto niya, kaya tumango lang ako at ngumiti.
Bumalik agad ako sa katre, para iayos ang gamit kung dala. Pero di ko na iyon ilabas pa para di umagaw ng space sa kwarto ni ate Imelda.
Lumabas na lang ako sa kwarto, habang dala dala ang sketch pad at lapis, patungo sa labas.
Nakita ko pa si ate Imelda na nasa kusina, parang may ginagawa. Habang ang naynay at tatay naman niya ay pumunta sa bayan para mamalengke, yon yong nakita ko kanina, kasama si Edward gamit ang motor niya na may extension.
Honestly ngayon lang ako nakakita ng motor na may extension na kahoy.
Lumapit ako ni ate Imelda para tingnan ang ginawa niya. Naabutan ko pang siyang binugaw ang pusang nakatongtong sa mesa.
"Kiring, alis diyan don ka sa lapag!" Bugaw niya sa pusa.
"Anong gawa mo ate!" Tanong ko.
"Oh! Gigi. Kumain ka muna" Sambit ni ate at dali daling. Kumuha ng plato at kutsara. Naghaon pa siya ng kanin at ulam. Gulay iyon.
"Pasensya na, yan lang ang naluto ni inay"
"Okay lang ate. Di naman ako mapili sa ulam" Saad ko. Ngumiti ako sa kanya para makapante siya.
Binalik naman niya ang pansin sa kanyang ginawa. Kita kong nagbalat siya ng isang bagay.
"Ano yan ate?" Tanong ko, ngayon lang ako nakakita ng ganyang bagay. Bilog iyon at oblong yong isa.
"Ito ang kamote Gigi" Sambit niya habang pinakita ang kamote "Ito naman ang saging" Sambit niya muli.
"Gagawa ako ng barbecue at banana cue para may snack tayo!" Dagdag niya.
Pinagpatuloy ko ang aking kinain. Masarap naman ang gulay, ngayon lang ako nakatikim. Hmm! Maging paborito ko na itong gulay na ito.
Ginisa lang naman ito, pero iba ang feeling pag ningunguya mo na.
"Ano pala ang tawag nito ate?" Tanong ko, habang turo sa gulay, na kulay green. Natawa naman siya ng bahagya.
"Tayabas ng kamote iyan Gigi. Bakit?"
"Gustong gusto ko po. Naging paborito ko na ata ito!" Natutuwa kong saad, kaya natawa si ate sa akin.
"Ikaw talaga Gigi! Siya! Ipagpatuloy mo na iyang pagkain mo" ngumingiting sambit ni ate. Habang hinihiwa ang kamote.
Andito ako sa labas at nag drawing. I draw a dog, yon yong aso na kinatatakutan ko kanina. Tinahulan pa nga kasi ako ng nakita ako. Bago pa kasi ako sa pangingin niya.
Fury ang name niya, mabalahibo kasi. Andito siya ngayon sa paanan ko natutulog. Feeling close na agad, kanina enemy kami pero ngayon naki pag friends pa.
Umiling nalang ako, dahil sa aking kahibangan.
(Note: Fury sounded Fairy)
Pagkatapos kong kumain kanina at nahugasan ang plato, nagpaalam agad ako kay ate Imelda para lumbas. Nadatnan ko pa si Lorenzo sa living area na nanunood ng Tv.
Malawak ang harden nila. Klase klase ang panamin. May bulaklak at gulay. May puno din ng mangga at makupa.
Andito nga ako ngayon sa puno ng makupa kung saan ang upuang sinabi ni ate Imelda sa akin kanina.
May alaga din silang baboy, madami iyon tansya ko mga walo iyon at mga manok na palakad lakad lang pawang naghahanap ng makakain, natawa na lang ako ng nakita kong nag aagawan sila sa earhtworm. Kawawang earthworm.
Sa unahan naman makikita mo ang isang Dryer di siya mainit dahil may puno din ng akasyang nakatayo kung saan nakapako ang ring nila. Kawawang puno, nadiskitahan.
Kita ko pang may naglalaro doong mga bata. May umiyak pa dahil di natatalo ang kalaban.
May nakita din akong mga dalagita na nagdadala ng container na may laman na tubig. Dumaan sila sa likod ng bahay ni ate Imelda.
Bigla silang nangingisay sa kilig ng nakita nila si Kuya Joseph na nasa balkunahe naupo. Ng nakita ako kumaway siya sa akin at kumaway din ako pabalik.
Lumingon ang mga babae sa kinawayan ni kuya Joseph, ng nakita ako biglang napalitan ng inis ang kanilang mukha. Aw Okay!
May gusto siguro sila kay kuya Joseph
Tapos ko ng idrawing ang aso. Sinunod ko naman iyong manok na nagaagawan. Natatawa talaga ako sa kanila.
Talagang may moto pa silang sinasaloob. Na Sinong mananalo ay siyang magwawagi.
"Magaling ka palang mag drawing?" Sambit ng isang lalaki. Nagulat ako, kaya tiningnan ko iyon. Si kuya Joseph pala.
Andon pa ito sa balkunahe nila kanina, ang bilis naman. Kita ko pang inirapan ako ng mga kababaehan.
"Oh! Kuya, usog ka kunti baka mamatay na ako sa tingin ng mga babae dito" Bulong ko kay kuya. Kumonot naman ang noo niya.
"Mga?"
"Oo, andon sila oh!" Nguso ko sa mga kababaehan na nandon padin, binalingan naman iyon ni kuya, natawa pa siya.
"Ang dami mong babae dito! Baka isipin nila babae mo ako. At selos na selos sila" Saad ko muli.
"Ang layo namang iyang mga sinasambit mo? Ang layo sa tinanong ko" Sambit niya, sabay kuha sa sketch pad ko. Mangha mangha pa siya sa nakita niya.
"Magaling ka huh!" Natutuwa niyang saad, habang tiningnan ang drawing ko na manok na nagaagawan.
"Marunong ka bang mag drawing ng tao?" Tanong niya.
"Yes, I know how to draw a human figure, even your soul I can draw it" Pangangasar kong sagot sa kanya.
"So english englishan mo muna ako ngayon" ngiti ngiti niyang sambit kaya natatawa nalang ako, dahil sa mukha niyang nagpipigil.
"Nuh! Trying hard lang to kuya" Natatawa kong sambit.
"Pa humble pa. I heard na matalino ka!"
"San mo naman iyan nalaman?"
"Kay ate Imelda. Kene-kwento niya kanina, habang natutulog ka sa loob ng jeep" Napa 'o' pa ako sa sinabi niya. Si ate Imelda talaga. Kalaunan, tumawa nalang ako, dahil ang seryuso ng mukha niya.
"Tigil nga! Sige na i-drawing mo na ako!" Pout niyang saad. Habang pilit na ilagay ang sketch pad sa harap ko. Kaya I have no choice kundi i-drawing siya. Request kasi ni kuya.
Im happy dahil ito ang new Place na napuntahan ko.