Sa JEEP

1711 Words
Chapter 9 Para kang tangang humihila ng pinto na dapat tinutulak pala palayo "Dalawang tao na lang ang kulang, Sakay na!" Kasigaw sigaw ng isang kuya na malapit sa isang Jeep. Kakanaog lang namin ni ate Imelda galing bus. Patungo kami sa bahay nila, dahil nga kaarawan ng kanyang kapatid bukas. Sabi ni ate 10 hours daw ang byahe patungo sa kanila, kaya mga 4 am kami bumiyahe kanina. Kaya no choice ako, ako naman kasi ang nagpumilit. Mga 5 hours palang, so? May 5 hours pa para makarating sa kanila. Isang bus pa ang nasakay namin. Sabi ni ate, tatlong beses kami sasakay dahil bayan lang ang sa kanila. "Don tayo sasakay Gigi" Kalabit ni ate Imelda sa akin, habang tinuro ang kuyang sumigaw sigaw. Kaya dali dali akong sumunod kay ate, habang dala ang malaki kong backpack, slingbag at isa pang handBag na naglalaman ng sapatos ko, skecth set, jacket at iba pa. Kung baga dalawa lang ang dala kong bag except sa sling bag na Cellphone, wallet, charger, credit card lang ang laman. "Sige usog usog!" Sigaw muli ni kuya sa pasahero ng jeep upang umusog. At dali dali namang umusog ang ibang pasahero. Masikip na iyon, pero kasya parin kami ni ate Imelda. "Patawad Gigi, ito lang kasing sasakyan ang patungo don, may part kasing di pa napagawa ng kalsada" Hinging paunmanhin ni ate. "Ok lang ate. Walang problema" Saad ko kay ate. Habang kandong ang backpack ko at pinatong ang isa kong handbag sa isang sako, na cement ang marka niyon, katabi ang isang sako na may tatak na 14-14. "Wag mo diyan ilagay Gigi, maalikabok iyan, siyaka makati iyang isa" Saad ni ate sa akin habang kinuha niya ang aking bag at siya na ang kumandong. Kunti lang kasi ang dala ni ate Imelda dahil may mga damit naman daw siya doon. Magkatabi kasi kami ni ate Imelda at nasa Hulihan ako ng Jeep kung baga nasa pwetan ako nakaupo. "Cemento kasi iyan, iyong gagamitin sa pagawa ng bahay at fertilizer iyang isa" Paliwanag ni ate, ng pilit kong alamin kung ano ang sakong iyon. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganong bagay. "Oy ate Imelda. Musta?" Sabat ng isang lalaki na kaharap namin ni ate. Maputi siya at may angking kagwapuhan naman. "Oh! Joseph! Ikaw pala iyan. Ok lang ako. Ikaw?" Sagot ni ate Imelda. Nakikinig lang ako sa kanilang usapan habang lumarga ang Jeep na sinasakyan namin. "Ok lang ate. Uuwi ka?" Ni Joseph "Oo eh, birthday kasi ni Bunso bukas. Punta ka ah. Ikaw? Uuwi ka din sa inyo?" "Ah! Oo nagkasakit kasi si Inay kaya umuwi ako para may mag alaga sa kanya. Wala kasi si ate may trabaho pa, ako naman ay tapos na ang klasse namin, kaya umuwi muna ako" Paliwanag niya at tumingin sa akin. Napansin naman iyon ni ate Imelda. "Siya nga pala Joseph, siya pala si Gizia anak ng amo ko" Pakilala ni ate. Bahagya pang nagulat si Joseph. "Hi Gizia. Joseph pala" Pakilala niya sa akin habang inabot ang kamay. Tiningnan ko muna iyon, napansin naman niya, ilalayo na niya sana ay inabot ko na agad ang kamay ko, baka isipin kasi niyang maarte ako. "Gigi na lang!" Saad ko at ngumiti sa kanya, pansin ko namang nahihiya siya. Tumikhim si ate Imelda kaya binitawan niya agad ang kamay niya mula sa paghawak sa akin. "Wag ka nga Joseph 18 pato. Ikaw 21 na" Natatawang sabat ni ate, kaya natawa na lang si Joseph ng pilit. Ngumiti nalang din ako. "Musta pala ate mo? Andon parin ba siya nagtatrabaho sa botique ng mga Pelaez?" Tanong ni ate muli, ng nahismasmasan sila galing sa pagtawa. "Oo andon parin, wala naman siyang choice, wala namang ibang tumanggap sa kanya kasi highschool graduate lang si ate" ni Joseph. "Ah, ikaw san ka pala nag-aaral at ano na ang grade mo?" Tanong ni ate Imelda. "Sa Xíwang Academy mag second year na ako sa susunod na pasukan" Sagot niya kay ate. "Xíwang? Ano yon? Chinese na paaralan ba yan?" Tanong muli ni ate. (Note: Xíwang means Hope. Siyaka gawa gawa ko lang ang school na ito? "Ah oo" Patuloy nila muli. Nag uusap lang sila habang ako ay nakikinig lang sa kanilang pinaguusapan. Sa Chinese school pala siya nag aaral? 2nd year student sa kursong education. Nalaman ko rin na nag stop siya ng dalawang taon dahil kinapos sila ng pera at wala ng maigasta pa para sa pag-aaral niya. May dalawa pa siyang kapatid na lalaki nag-aaral ng highschool at elementary. "Gigi gising!" Nalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko. Si ate Imelda pala, nakatulog pala ako sa kasagsagan ng biyahe. "Baba na tayo, para sa hulihang sakay" Saad ni ate habang pumanaog na ng Jeep, agad na man siyang nagbayad sa conductor. Ng naibalik ko na ang aking ulirat siyaka na ako pumanaog. Iabot ko na sana ang bayad ng nagsalita si ate Imelda. "Bayad kana Gigi, tara doon tayo sasakay" Sabi ni ate. Bayad na pala ako at siya ang nagbayad 70 pesos lang naman daw. Nakakahiya, may pera naman ako! talagang mapilit si ate na di ko na bayaran iyong binayad niya sa akin. Kaya gumawa kami ng deal na ako ang mag bayad sa susunod naming sakay, kaya sumang-ayon naman siya dahil sa kapipilit ko. "Manong, sakay po kami Patungong Paraiso" Saad ni ate sa Mamang driver. "Cge ho maam! Pero kulang kayo ng isa. Hintay muna tayo ng isang pasahero para di ako lugi" Natatawang saad ng manong driver. Kaya natawa na lang din si ate. Sumakay kami sa kanyang sasakyan na tatlo lang tao ang sakay. May takip ito sa toktok. "Bao-bao ang tawag dito" Sabi ni ate. Bao bao?. May ganon bang sasakyan? "Iidlip muna ako Gigi!" Saad ni ate. Tumango naman ako sa kanya at agad din niyang pinikit ang kanyang mga mata. Ramdam kong tulog na siya dahil pasinok sinok pa siya. Natatawa ako ng palihim, pagod na pagod talaga si ate Imelda dahil nakatulog agad. Nagulat nalang ako ng may umupo sa aking harapan. Nasa harap kasi ang isang upuan para sa ikatlong tao. "Sige larga na tayo. Paraiso ba ang sa iyo iho?" Ni manong Driver "Oho! don din po ang punta ko!" Sagot ni Kuya Joseph. Nagulat din siya ng nakita ako, at binalingan si ate Imelda na tulog. "Tulog?" Tanong niya. Habang lumarga ang sasakyan. "Oo, iidlip muna daw siya pero tulog agad" Natatawa kong saad sa kanya. Natawa naman din siya. "Paraiso din ba ang punta mo?" Tanong ko. "Oo. Kapitbahay kasi kami! Ikaw bat mo naisipang sumama kay ate Imelda?" Tanong niya sa akin habang nakatingin. Pawis na pawis na ako kanina pa, feeling ko ang lagkit ko na. "Gusto ko lang maka experience, once in a lifetime lang to. Buti pumayag si ate Imelda. Ang kulit ko kasi" Natatawa kong sagot. Napahinto ako sa aking pagtawa ng di siya tumawa, seryuso lang siyang nakatingin sa akin. Nahiya siya kunti ng napansin ko siya. "Pasensya kana kay ate Imelda! Gigi right?" He traced. Tumango naman ako. "Minsan lang kasi ako ma aatract ng babae. Ang nakakatawa sa 17 years old pa" Natatawa niyang saad. Kaya natawa naman ako. He was so Honest, ramdam kong mabait siya. "Okay lang ba na tawagin kitang Kuya! Kuya Joseph?" Nagulat siya sa tanong ko. "Wala kasi akong kuya. Gusto ko lang mararamdaman na may kuya" Saad ko muli. "Oo naman! Walang problema bunso!" Ngiti niyang saad. Lumitaw pa ang biloy niya ng ngumiti siya. Kaya napangiti na lang din ako. Pumayag siya na tawagin ko siyang kuya, at bunso din ang tawag niya sa akin. Wala daw siyang kapatid na babaeng bata pa sa kanya, kaya bunso daw. Haha. Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay bagay. Tinanong din niya kung anong grades ko na, at anong kursong kukunin ko sa susunod ng pasukan. "Gusto ko maging Architect!" Saad ko. At napa 'o' naman siya. "Mahilig ka sa arts?" Tanong niya at napatango naman ako. Maraming bagay kaming napagusapan, gaya ng babaeng gusto niya. Pinagbawalan nga niya rin akong wag munang mag jowa. O diba? May protective kuya na ako! Pero sinabi ko rin na may gusto akong lalaki. "Pero may, nagugustuhan ako kuya!" Saad ko. "At sino namn iyon?" Tanong niya habang natatawa. Kaya napa pout naman ako. "Nuh! Bawal sabihin, masasaktan lang ako!" "Bat naman?" Pagalala niyang tanong. "Iba kasi ang gusto niya. At si ate ko iyon!" Lungkot kong saad at tumingin sa labas ng sasakyan. Ginulo naman niya ang bubok ko. Napa pout pa ako dahil sa ginawa niya. Ganito ba pag may kuya? "Okay lang iyan bunso, bata kapa naman. Sa gandang mong yan! Makakahanap kapa!" Cheerup niyang sabi kaya napangiti nalang ako. Napangiti din siya. "Ikaw? Sino naman iyang nagugustuhan mo aber?" " Wag mo ng alamin, ang sungit non eh!" Saad niya. Ang daya nito? Sabagay di ko naman sinabi ang name ng lalaking gusto ko. Kaya patas lang kami. Patuloy lang ang biyahe. Marami kaming nakikitang kabahayan at may nakita din akong palengke. Palengke? May palengke pala dito. Pero kunti lang din iyon. Di gaya sa syudad na kaliwat kanan ang palengke. "Teka kuya Joseph, kaninong bahay iyon?" Tanong ko sa kanya. Kaya nagising siya, nakaidlip kasi siya, kaya bahagya pa akong natawa. Tiningnan naman niya ang bahay na tinuro ko. "Sa pamilyang Martinez iyan! Sila ang pinakamayaman dito sa bayang Paraiso!" Sagot niya sa tanong ko. Malaki ang bahay, mga two story iyon pero malawak, kulay dilaw ang pinta, kulay red orange ang roof, at silver naman ang kulay ng kanilang gate. Tansya ko malawak din ang kanilang backyard, Dahil sa espasyo nito. Malayo siya sa kalsada, Pero naka semento ang pathway na may mga puno sa bawat gilid nito tungo sa kalsadang dadaanan ng mga sasakyan. " Pero matatanda na lang ang nandiyan, kasama ang mga katulong at bantay. May asawa na kasi ang mga anak nila, may isang lalaking anak nila na wala pang asawa, Pero laging wala. Andiyan lang sila pag mag kakaroon ng celebrasyon sa kanilang angkan" Paliwanag ni kuya Joseph. Ganun ba talaga? Kahit gaano kalaki o kadami ang anak? Pag nag-aasawa na, naging malungkot muli dahil aalis naman iyon para sasama sa pabong pamilya. Lahat ng bagay ay maiiwan dahil sa kadahilanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD