KATALLEA CHAPTER 4

1793 Words
"Katallea, nakatingin ka na naman sa malayo. Pumasok ka na roon at magsaing ka na," tinig iyon ng kan'yang ina. "Ma, pwede po bang dito muna ako. Si Clarise na lang muna ang magsaing." Ang tinutukoy niya ay ang kapatid na sumunod sa kan'ya. "Oh siya, sige. Pero, anak, huwag kang masyadong mag-isip. Makakahanap ka naman ng trabaho rito sa atin. Matalino ka, maganda, at higit sa lahat anak kita." Batid ng ina ang pinagdadaanan ng anak ngunit wala siyang magawa upang mapayapa ang kalooban nito. "Mama," sambit ng dalaga. "Bolera ka talaga." "Tandaan mo, wala akong anak na pangit kaya bawal ang nakasimangot." Napangiti si Katallea sa tinuran ng ina. Alam niyang pinalalakas lamang nito ang loob niya. "Matagal ko na pong alam na maganda ako at mana ako sa inyo," tumawa ng bahagya ang dalaga. Iniwan siya ng kaniyang ina nang makita nitong masigla na siya dahil sa pangungulit nito. Ilaw nga talaga ng tahanan ang mama niya. Lahat ginagawa nito para mapasaya silang magkakapatid. "Ang unfair talaga ng buhay. Nandoon na ako eh, malapit na ako sa pangarap ko pero hindi ko man lang naabot iyon," bulong ni Katallea. Magtatakipsilim na naman. Malungkot na nakatanaw si Katallea sa kagubatan na nakikita niya mula sa kaniyang kinaroroonan. Napakapayapa nito kumpara sa isip niyang gulong-gulo. "Kasing lawak ng kagubatang ito ang pangarap kong biglang naglaho. Ano ba ang kasalanan ko sa mundong ito para parusahan ako ng ganito?" naiiyak na sabi ng dalaga. Masyado na siyang emosyonal dahil sa nakikita niyang kahirapan ng buhay nila. Sa kaliwang bahagi niya ay makikita ang bahay-kubo nila. Maliit lamang ang mga haligi nito na galing sa puno ng tubo-tubo. Ang dingding ay sawaling butas-butas na at ang bubong ay dahon ng niyog. Kapag malakas ang ulan ay nagsisiksikan sila sa tanging maliit na kwarto ng bahay na hindi natutuluan ng tubig-ulan. Tumulo ang luha ni Katallea nang hindi niya namamalayan at bumalik sa isip niya ang mga alaala ng kahapon. "Ms. San Sebastian, hindi ka pwedeng magmartsa sa graduation." "Ho?! Bakit po, ma'am?" maang na tanong ni Katallea "Hindi ka makaka-graduate dahil bagsak ka sa subject ko," walang emosyon na wika ni Ms. Montimar. "Paano po akong bumagsak? Lahat ng requirements na kailangan sa subject mo ay naipasa ko," pangangatwiran ng dalaga. "Well, your classmates can prove that you are not deserving to graduate. If you want, we can discuss it in the administrator's office," mataray na sabi ni Ms. Anastasia Montimar. Nanlulumong iniwan si Katallea ng guro niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng mga oras na iyon. Naisip niyang excited na ang mga magulang niya na lumuwas ng Maynila para sa nalalapit sana niyang pagtatapos. Hindi niya pwedeng biguin ang mga ito. "Subukan nating gawan ng paraan baka makumbinsi natin si Ms. Montimar," tinig ni Nicole mula sa likuran niya. Kasama niya ang mga kaibigan nang nakasalubong nila ang guro. "May naisip ako, hindi ba close sila ni Geo? Baka pwedeng si Geo ang makipag-usap kay Ms. Montimar tutal naman parang may gusto iyon sa iyo." Si Geo, bigla niyang naalala ang kaklase. Simula noong may nangyari sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya ay hindi na ito pumasok. Hindi niya alam kong kumusta na ang lalaking iyon. Hindi ito naglaro sa huling laban ng team nila sa soccer dahilan upang matalo ang buong school sa taong ito. "Buhay pa kaya siya?" Wala sa sariling naitanong niya sa mga kaibigan. "Hoy, huwag ka nang mag-isip. Nakita ko na siya kanina at buhay na buhay siya. Gwapo at macho pa rin. Grabe ang hot n'ya pero isa talaga siyang dakilang snob," nakangiting sabi ni Sandra. Kahit nag-aalala para sa napipintong graduation ay nakahinga ng maluwag ang dalaga. Ilang araw din kasi niyang inalala ang sitwasyon ng binata. Hindi muna sila pumasok sa classroom nila, sa halip ay nanatili lang sila sa corridor habang nag-uusap. "Ako na lang ang makikiusap sa kan'ya," sabi niya sa mga kaibigan. "Hmmm... May something ba kayo ni Geo?" panunukso ni Sandra sa kan'ya. "Something ka riyan. Alam n'yo naman ang nangyari sa restaurant. Baka kapag marami tayong makikipag-usap sa kaniya ay hindi tayo kausapin." "Oh, s'ya, sige na nga. Mag-heart-to-heart talk na kayo ni..." "Excuse me." Hindi naituloy ni Sandra ang sasabihin ng biglang nagsalita si Geo. Dahil nakatambay sina Katallea sa may pintuan ng silid-aralan nila kaya hindi makapasok si Geo dahil nakaharang sila. Nakakunot ang noo ng lalaki at halata sa mukha nito ang pagkairita dahil sa pamamalagi nila sa daanan. "Geo, wait. Can we talk?" nahihiyang tanong ni Katallea. "We have nothing to talk about." Nakasimangot na sagot ni Geo sabay derederetsong pumasok ng kanilang classroom. Wala itong pakialam sa bulungan ng mga babaeng kaklase nila na kinikilig at natutuwa sa muli nitong pagpasok. Sinundan ito ni Katallea kahit na hindi niya ugali ang mamilit ng tao. Kailangan niya kasi talaga ang tulong ng lalaki. "Are you okay? What happened to you? Bakit 'di ka pumasok ng ilang araw?" "Ms. San Sebastian, hindi kita girlfriend o ano pa man. Stop asking nonsense questions! Stay away from me!" "Hindi ko naman sinabing girlfriend mo ako. Kinukumusta lang kita." "Hindi mo ako kargo kaya huwag mo akong kumustahin. Layuan mo lang ako ay magiging okay na ang lahat." Napahiya si Katallea sa sinabi ng lalaki lalo at nagtawanan rin ang mga kaklase nila. Kitang-kita sa mukha ni Geo ang galit para sa kaniya. Galit, bakit? Biglang naguluhan si Katallea. Wala siyang alam na ginawang masama sa lalaki. "Katallea, huwag kang feeling..." Sinundan na malalakas ng tawanan ng mga kaklase niya ang mga salitang iyon. Hindi pinansin ng dalaga ang mga narinig kahit nakita niyang umismid ang ilan sa mga babaeng kaklase na hindi niya madalas kausap dahil pili lang talaga ang mga kaibigan niya. "Teka, ano bang ginawa ko sa 'yo?" umiiyak na tanong ng dalaga. "You almost killed me!" Nagulat lahat ng mga kaklase nila. Tiningnan nila si Katallea na para bang may malaki siyang kasalanang ginawa. "Kill?! I d-don't… I don't know what you're talking about." "I repeat, stay away from me!" Mariing wika ng lalaki sabay tulak sa kanya dahilan para matumba ang dalaga at masubsob sa isang upuan. Napatakbo sa kinaroroonan ni Katallea sina Sandra at Nicole upang damayan siya ng mga ito. "I hate you," mahinang bigkas ng dalaga habang tuloy-tuloy ang mga luhang lumalandas sa maputi niyang pisngi. Pagkatapos ng mga naganap na iyon ay pinag-isipan ni Katallea ang mga susunod niyang gagawin. Hindi siya matutulungan ni Geo. Hindi maaaring hindi siya maka-graduate kaya lakas loob ay pumunta siya sa opisina ng school administrator. "I'm sorry, Ms. San Sebastian. This is all I can do in your case..." Matamang nakinig ang dalaga sa mga sinabi ng administrator. Bagsak ang mga balikat na lumabas si Katallea ng opisina na iyon. Hindi niya talaga maipaparanas sa mga magulang ang masabitan siya ng medalya. Hindi siya pwedeng magmartsa sa graduation pero pwede n'yang makuha ang school records niya. Bibigyan na rin siya ng diploma ng paaralan bilang awa na lang daw sa kanya. "Awa?! Mukha ba akong ka-awa-awa?" tanong n'ya sa sarili. May isang malaking kasalanan daw siyang ginawa at kalat na yun sa buong campus sabi ng isa niyang professor ng makausap niya rin ito. Imoral daw siyang babae, kung kani-kaninong lalaki raw siya nakipag siping para lang magkapera. "Kalat na ang mga larawan mo sa internet. May kasama kang iba't-ibang lalaki habang hubo't hubad kayo pareho." Ipinakita pa sa kaniya nito ang mga nasabing larawang iyon. "Sobrang sama mo, Ms. Montimar. Akala ko'y hindi ikaw ang magpapabagsak ng mga pangarap ko, mali pala ako." Iyak ng iyak si Katallea habang naglalakad. Sa puso niya alam niyang si Ms. Montimar ang may gawa ng mga pekeng larawan upang makaganti sa kaniya. Sa patuloy niyang paglalakad sa campus, kita at ramdam niya ang mga matang mapanghusga sa paligid niya. "Katallea, pwede ka ba mamayang gabi? Free ako, kapag nag-init ka, nandito lang ako." "Oy, masarap ba? Sino pinaka-yummy sa lahat?" "Anong secret mo Katallea? Bakit ang laki ng..." Tawanan, tawanan, tawanan. Para na siyang mababaliw. Gusto niyang gumanti kay Ms. Montimar. "Virgin pa ang kaibigan namin! Fake lahat ng photos na nakita nyo!" sigaw ni Sandra. "Pwede ko bang masiguro? Katallea, game ka ba?" hirit ng isa pang kamag-aral nila. Patuloy lang ang pagluha ni Katallea. Hindi na niya kaya ang mga salitang naririnig niya. "Akala ko isa kang mabuting babae. Halos ikamatay ko ang simpleng pagkaway sa 'yo iyon pala marumi kang babae." Mariin ang pagkakabigkas noon ni Geo. Nagulat pa siya dahil hindi niya alam na naroon din ito. Bakas sa mukha nito ang poot na tinitimpi. "Geo, wala kang karapatan na husgahan ako. Hindi tayo close. Sanay namatay ka na lang." Sa sobrang sama ng loob ay hindi na niya napag-isipan ang sinabi niya. Laking gulat na lamang niya ng bigla siyang hinablot ng lalaki. Ipinulupot nito ang mga braso sa maliit niyang baywang. Mariin siyang hinalikan nito sa labi. Masakit ang halik na iyon ngunit nagustuhan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin dahil kahit minsan ay hindi pa niya naranasan ang mahalikan sa labi. Pakiramdam niya ay dinadala siya ni Geo sa kakaibang mundo. "Nakakasuka ka palang halikan!" nakangising turan ni Geo. Hinablot nito ng ubod lakas ang blusa niya dahilan upang tumambad ang mapuputi niyang mga dibdib na nag-uumapaw sa suot niyang bra. Nagsigawan ang mga nakapaligid sa kanila. Halatang tuwang-tuwa sa pinanood na eksena. "I hate you!" Matigas na sabi ni Katallea sa lalaking kaharap sabay ubod lakas niya itong sinampal. Pakiramdam niya ay hindi ang tahimik at mailap na si Geo ang nasa harapan niya kun'di isang halimaw na handa siyang lapain. Pagkatapos noon ay tumakbo si Katallea ng matulin upang makalabas agad ng campus. Laking gulat niya ng biglang may bumukas na itim na sasakyan at pahablot siyang pinasok ng isang lalaki sa loob niyon. " Leave now! Dapat bukas ay wala ka na rito sa Maynila. Papatayin kita kapag bukas ay nandito ka pa." Gulat na gulat ang dalaga. "Sino... Bakit..." Halos hindi niya maituloy ang mga katagang gustong sabihin. Binigyan siya ng sobre ng isang lalaki. Pagbukas noon ni Katallea ay nakita niya na may laman itong malaking halaga ng pera. Hindi niya alam kung magkano iyon pero alam niyang malaking halaga iyon. "Sino kayo? Bakit n'yo ginagawa ito?" nangangatog na turan ng dalaga. "Napag-utusan lang kami, miss. Gawin mo ang ipinag-uutos namin dahil idadamay namin pati ang buong pamilya mo kapag sinuway mo ang warning na ito." Sabay tulak sa kaniya ng lalaki palabas sa sasakyan. Hindi makapaniwala si Katallea sa mga nangyari. Sasabog na ang ulo niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Dali-dali ay umuwi siya sa kaniyang apartment, kinuha ang mga gamit at sumakay ng bus pauwi sa kanilang probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD