Malakas na sigaw ni Anastasia ang nangingibabaw sa parang na iyon kung saan dinala niya ang inaakala niyang si Katallea. "Katallea! Hay*p ka! Hindi ka makakatakas sa akin!" Nagpaikot-ikot si Anastasia sa kubo. Tumatakbo siya kung saan-saan. Walang pakialam ang babae kahit ilang beses siyang nadapa sa mga pilapil. Ang mahalaga sa kan'ya ay muling mahuli si Katallea. Ngunit bago pa man makalayo si Anastasia sa kubo ay agad siyang hinawakan ng hindi niya kilalang mga kalalakihan. Ang mga ilaw mula sa flashlight ng mga ito ay binigyan siya ng sapat na liwanag upang makilala ang mga nakapaligid sa kaniya. Bukod sa mga pulis ay nakilala ni Anastasia ang mga tauhan ni Geo at Don Arman. Walang nagawa ang babae kung hindi sumama na lang sa mga humuli sa kan'ya habang minumura ang mga ito.

