Alam ni Geo na may itinatago si Katallea sa kaniya. Namutla kasi ito ng ginulat nila ni Max sa bahay ng lalaki. Habang pauwi sila patapik-tapik siya manibela. Nakikita kasi niyang tahimik ang asawa. "Geo, I want to tell you something." "What is it? Iyan ba ang pinag-uusapan n'yo ni Nicole kanina? Alam kong may inililihim ka." "Uhm, ayusin mo na ang problema sa daddy mo." "We're fine." "Alam ko naman iyon pero mas maganda kung mapapatawad mo na siya. May sakit na siya at matanda na rin." "Alam mo, Kat, sa dami ng sikretong nalaman natin, feeling ko I am adopted. Kaya huwag mo na akong pilitin, please. Baka nga iyon ang itinatago n'yo ni Nicole," mapaklang sabi ni Geo. "Wala kasing matinong ama ang gagawin ng ginawa ni daddy sa akin unless hindi talaga nila kadugo ang bata." Hindi na

