"Welcome home, mommy!" Tatlong salitang binitawan ni Don Arman ukol kay Yaya Adel. Biglang hindi narinig ni Geo ang malakas na tugtog. Ang mga tao sa paligid niya ay tila tumigil sa pagkilos. Nanghihina na napaupo na lamang siya sa isang upuan sa tulong ni Katallea. Hindi pa nakababawi si Geo sa naging reaksyon niya nang may tumawag kay Don Arman kaya iniwan sila saglit ng matandang Arevalo. "Lola kita, yaya?" Halos hindi mabigkas ni Geo ang mga salitang iyon. Si Katallea na pinanonood ang asawa n'yang pabalik-balik na noon ng lakad habang nakahawak sa baba nito ay napapangiti na lang. Ang gwapo pa rin ni Geo sa suot nitong black tuxedo kahit nag-iisip ito ng malalim. Ang buhok ng lalaki na inayos mabuti ng suklay ay bahagyang tumabing ang ilang hibla sa noo nito. "I'm sorry kong

