Hindi nakasagot si Katallea sa tanong ng kaibigan. Natapos ang usapan nila na para bang dinudurog ang puso niya. May kirot siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nasasaktan ba ako? Ah hindi, nagagalit ako. Hindi siya pwedeng ikasal kay Ms. Montimar," sabi ng dalaga sa sarili niya. Maya-maya pa ay napangiti si Katallea. "Hitting two birds with one stone. Sige magpakasal kayong dalawa. Tutal eh sira na rin naman ang reputation ko. Walang problema kung magiging kabit ako. Hays, tama ba ang mga iniisip ko? Worth it ba na sirain ko ang buhay ko dahil lang sa paghihiganti ko sa iyo Geo?" pagkuwa'y bulong niya sa sarili. Tulad ng sinabi ni Sandra, nang sumunod na mga araw ay dumating nga ang mga kaibigan niya galing Maynila. Buong pananabik nilang

