Halos maubusan ng hininga si Geo sa kakatawa ng makita ang reaksyon ng mukha ni Joey. "Grabe pare, hindi ko akaling maiisahan tayo ng doktor na iyon." Salubong ang mga kilay ng lalaki habang sinasabi iyon. "Iyan ang napapala mo sa pagiging babaero mo. Hanap ka pa kasi ng hanap ng babae eh napakarami ng nakapaligid sa'yo," sermon ni Geo. "Hey, stop laughing," saway ni Joey sa kan'ya. "Whooo! I was pranked by that pediatrician. s**t, ang sarap niyang pakainin ng kamao." Dinala niya ang kaibigan sa sinasabing Bahay Nayon ng mga taga baryo. Katapat lang ito ng Day Care Center kaya naman kitang-kita mula roon ang guro ng mga bata. Hindi ito maganda at sexy tulad ng sinabi ng doktor, kun'di isang matandang halos nasa limampung taong gulang na. Patuloy ang pang-aalaska niya sa kasama. Hind

