Pagkatapos pumalpak ni Katallea na muling makuha ang puso ni Geo para umurong ito sa kasal nila ni Clarise ay nag-isip ang dalaga ng iba pang paraan. Sa tulong ng mga kaibigan niya ay nakabuo ang dalaga ng isang plano. Inihim ni Katallea ang lahat sa kaniyang mga magulang ngunit ipinaalam niya iyon kay Clarise. Natatakot man ang kapatid ng dalaga ay pumayag na rin ito lalo nang malaman nito ang laman ng unang pahina ng kontrata. “Ang totoo ate, kilala mo ang boyfriend ko. Baka makatulong s’ya sa atin,” suhestiyon ni Clarise. “I’m sorry kung selfish ako at ikaw ang magsasakripisyo para sa akin. Hindi ko talaga kayang makasama si Geo sa iisang bahay.” Binatukan ni Katallea ng ubod lakas si Clarise ng malaman n’yang ang goal keeper sa soccer team nina Geo ang kasintahan ng kapatid niya

