PANIMULA
Ako si Paul.
Isang simpleng tao kagaya niyo. Gwapo, matangos ang ilong, may dimples, perfect teeth, nakakabighani ang mga ngiti, matangkad, at katamtaman ang laki ng katawan. Maraming mga babae na rin ang sumubok na maglahad ng kanilang paghanga sa akin ngunit hindi ko sila pinatulan. Ni kahit isa sa kanila.
Gusto ko kasi munang mag pokus sa pag-aaral para magkaroon ng magandang kinabukasan at matulungan ang aking mama. Wala na kasi si papa, pumanaw na siya noong apat ana taong gulang pa lang ako kaya si mama na lang ang mag-isang tumataguyod sa akin. Isa pa, wala di akong kapatid at kami lang ni mama ang magkatuwang sa buhay. Kaya sa abot ng aking makakaya ay pagbubutihan ko talaga ang aking pag-aaral nang sa ganun ay hindi mahirapan si mama at para hindi masayang ang kaniyang mga paghihirap at sakripisyo sa aking pag-aaral.
Walang regular na trabaho si mama at palipat-lipat siya ng lugar na pinagtatrabahuhan. Kung anu-anung trabaho ang pinasukan ni mama, maliban sa mga iligal at immoral na Gawain, para lang may pangtustos sa aming pangangailangan araw-araw. Ngunit sa kabila nito, hindi ko siya kailanman narinig na nagreklamo at nagsabing pagod na iya. Ito ang rason kung bakit ako seryoso sa pag-aaral at sinasantabi ko muna ang mga ibang bagay gaya ng pag-jojowa. Yun din kasi ang bilin ni mama sa akin kaya sinusunod ko talaga siya.
Sa kabila ng hirap ng buhay ay nanatiling positibo kami ni mama. Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asang bubuti din ang kalagayan naming sa buhay. At balang araw ay mai-bibigay ko sa kaniya ang buhay na nararapat sa kaniya. Yun bang hindi na niya kailangan pang magbanat ng buto para lang may pangkain kami at pambili ng mga gamit. Gusto kong magbuhay donya na lang siya at ako naman ang magbibigay sa kaniya ng mga pangangailangan niya.
Hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng marangyang buhay. Ang gusto ko lang naman ay simple at matiwasay na pamumuhay kasama si mama. Yung wala na kaming ibang pinoproblema kundi ang kung saan kami pwedeng mamasyal, saang restaurant kami kakain, anong lugar ang magandang pagbabakasyunan. Mga simpleng bagay basta Makita ko lang na hayahay ang buhay naming ni mama.
Kagaya ng sinabi ko, isang simpleng tao lang po ako at nag-aaral. Nasa grade twelve pa lang ako at kasalukuyang kumukuha ng ABM course. Gusto ko kasing maging isang businessman kaya in line sa business ang kinuha ko.
Mataas ang pangarap ko sa buhay lalo na’t ginawa kong inspirasyon at motibasyon ang kalagayan naming ngayon. Ginawa ko ang lahat para hindi ko masaktan si mama kaya nag-aral talaga ako nang mabuti. Wala na akong ibang inisip kundi iyon lang. ngunit kahit anong gawin ko ay aabot pa din pala sa punto na madadapa ako, masasaktan ako, at magdudusa hanggang sa magsisi sa ginawang kamalian.
Hindi ko sinadyang mahulog ang loob ko sa kaniya. Sa loob ng mahabang panahon ay hindi ko inasahang mangyayari ang ganoong bagay sa akin, na mahulog sa kapwa ko lalaki.
Inaamin ko naman sa sarili ko na ilang beses ko nang itaboy ang kakaibang nararamdaman at pilit kong iwinaglit sa puso’t isipan na may espesyal akong pagtingin para sa kaniya.
Kapwa kami lalaki at alam kong hinding-hindi rin siya magkakagusto sa akin. Ngunit habang tumatagal ay mas lalo pa itong lumalim at mas tumindi pa ang pananabik ko sa kaniya.
Alam na alam kong mali iyon.
Ngunit tama ba na sisihin ang sarili na hindi ko man lang naipaglaban ang aking nararamdaman?