Elementary pa lang nang malaman ko sa sarili ang tunay kong pagkatao.
Marami sa aking kaklase ang hindi nakakaalam dahil itinago koi yon nang mabuti mula sa kanila. Ayaw ko kasing tuksuhin nila ako at ipahiya sa harap ng ibang estudyante sa school naming. Lalong-lao na’t ayaw kong malaman ni mama ang tunay kong pagkatao kasi natatakot akong itakwil niya, palayasin sa bahay, at darating sa puntong wala na akong ibang matakbuhan kundi ang kalsada. Ayaw kong maging palaboy-laboy, baka sa kalsada lang ako gulpihin ng mga kalalakihan o kaya’y masaklap pa, patayin kapag nalaman nilang isa akong serena.
Hanggang sa dumating ako ng high school.
Masaya at marami akong naging kaibigan.
Isa na doon si Giordale, ang naging matalik kong kaibigan.
Galing sa isang mayaman na angkan si Giordale. At kahit mayaman na kung sabihin, hindi niya talaga ipinagkakait ang blessings niya sa iba. Hindi rin hambog na tao. Mabait siya at masayang kasama. Gwapo, matangkad, tanned skin, at mapagkumbaba. Hindi maipagkakaila na may ibubuga din hindi lang sa pisikal kundi pati na sa katalinuhan.
Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil sa kaniyang angking kabaitan. Yung sobrang bait niya to the point na kahit brief na lang niya ang matira ay ayos lang basta’t makatulong lang siya at may maibigay sa nangangailangan ng tulong. Kaya kahit mga binabae sa school naming ay hindi maiwasang maakit sa kaniya at pagkaguluhan siya.
Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya lang ang tanging nakakaalam ng aking lihim. Alam niya na hindi ako straight at tanggap naman daw niya. Tandang-tanda ko pa ang mga katagang binitawan niya nung araw na isiniwalat ko sa kaniya ang totoong ako.
Nakaupo kami nun sa isang bench sa may ilalim ng puno ng mangga. Break time namin nung mga oras na iyon kaya naisipan naming doon sa puwestong iyon kami kakain ng snacks namin. Masaya kaming nagkukwentuhan gaya ng nakagawian namin parati habang kumakain ng fries. Habang kami ay nagtatawanan, sa loob-loob ko naman ay abalang-abala sa paghihilahan kung sasabihin ko na ba sa kaniya ang tinatago-tago kong sikreto, habang sa kabilang bahagi naman ay na-eexcite sa paglantad dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa bespren ko. Natatakot kasi ako kung ano ang magiging reaksiyon niya.
Naisip ko din kasi na dapat din niyang malaman ang totoong ako dahil bespren ko siya. Ayaw ko din kasing mangyari na baka isipin niyang niloloko ko lang siya.
“Ba’t ka natahimik bigla?” narinig kong pagtatanong ni Giordale. “May bumabagabag ba diyan sa isip mo, bab?”
“Huh? A, e…ano…” pautal-utal kong sambit. Hindi ko kasi alam kung paano o saan ko sisimulan.
Bigla siyang umusog palapit sa akin hanggang sa wala ng space sa pagitan namin.
“Sige na sabihin mo na yan sa akin. Alam mo naming mapagkakatiwalaan mo ako sa lahat ng bagay diba? Atsaka, baka may maitulong pa ako diyan sa problema mo. Kaya huwag ka nang mahiya, makikinig ako.”
Sa sinabing iyon ni Giordale ay parang nabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng courage para sabihin sa kaniya ang nais kong sabihin. Kaya naman…boooom!!! Nailahad ko sa kaniya ang pinakatago-tago kon lihim.
“O, ba’t hindi ka maka-imik diyan?” tanong ko sa kaniya matapos kong sabihin ang totoo.
“Huwag kang mag-alala, ayos lang sa akin kung hanggang sa minutong ito na lang ang pagkakaibigan nating dalawa. Hindi naman kita pipiliting tanggapin o kaya’y kaibiganin ako. Ayos lang kung pandidirian mo ako kaya hindi kita pipigilan. Maiintindihan naman kita.” dagdag ko.
Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla akong nakaramdam ng sapak. Napa-aray naman ako dun at nilingon ko siya.
“Ang kapal talaga ng mukha mo, no!”
Tumahimik na lang ako at nakinig. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagkakataong it.
“Tumigil ka nga diyan sa drama mo. Akala mo ba ganun akong tao? Ba’t ngayon mo lang sinabi sa akin, ha? Hoy gonggong, kung alam mo lang…noon pa man ay alam ko na ang tunay na dugo mo. Alam kong hindi ka tunay na lalaki pero hindi ko na lang pinansin iyon.” dugtong niya.
Bigla akong natulala at parang kasisidlan na ng langaw ang nakanganga kong bibig dahil sa gulat.
“Huh? Alam mo na pala! Kailan mo pa nalaman? May nagsabi ba sa’yo? Nagsisinungaling ka ba? E, hindi mo ako kinompronta?” ang gulat na gulat ngunit mahina kong pagtanong sa kaniya habang nakatayo sa harap niya. Bigla naman siyang napatawa.
“Halatang-halata kasi para sa akin, eh. Tsaka, four years na tayong magkasama kaya mula ulo hanggang sa kahuli-hulihang kuko ng mga paa mo ay nakilatis ko na. Hinintay lang naman kita kung kailan mo ipagkakatiawala sa akin yang luma mong sikreto. Noon pa man, bistado na kita. Kaya umupo ka na ditto sa tabi ko.” paliwanag niya sa akin.
Wala akong masabi sa kaniya kaya bumalik na lang ako sa pagkakaupo sabay labas ng isang malalim na buntong-hininga.
“Pero may isang pabor lang akong hihingin sa’yo bab,” sambit ko sa kaniya.
“Ano yun bab?”
“Pwede bang sa ating dalawa lang to? Huwag na sana itong umabot pa sa mga kaklase natin. Please,” pagsusumamo ko sa kaniya. “Lalo na kay mama.”
“Huh!” nagulat siya. “Bab, hindi alam ng mama mo?”
Tumango lang ako.
“Bab, kung sa classmates lang natin ay makakaya ko itong itago pero sa mama mo…parang mahirap eh. Nagi-guilty kasi ako pag nagsisinungaling ako sa mama mo. Alam mo namang hindi ko pa yun nagagawa sa mama mo, diba?”
“Oo, alam ko. Pero ngayon lang naman to bab, eh. Balak ko din namang sabihin sa kaniya pero kailangan ko lang ng tiyempo. Alam mo namang abalang-abala yung mga trabaho niya, diba? At ayaw kong pati paglantad ko sa kaniya ay magiging problema pa. Hinahanapan ko naman ng pagkakataon eh. Kaya…please!!!” pagsusumamo ko sabay hawak sa kaniyang mga braso. At nag-puppy eyes pa talaga ako para lang tumalab.
“O sige na nga. Matitiis ba kita?” tugon niya matapos ang ilang minuto kong pagsusumamo. “Pero huwag mong patagalin ha?”
“Oo, promise,” panata ko sa kaniya.
At yun, isa na ako sa pinakamaswerteng tao sa buong mundo dahil nagkaroon ako ng napaka-understanding na bespren. Hindi ko na nga talaga mabilang ang mga pagkakataong tinulungan niya ako. Isa pa, para ko na din siyang kuya at anak na rin ang turing ni mama sa kaniya. Sa katunayan, mas close pa si mama at si Giordale kesa ako at si mama. Ironic diba?
Kaya naman, simula nung araw na iyon ay naging kampante na ako kay Giordale. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala na akong tinatago sa bespren ko. Ang gaan sa pakiramdam.
May tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya ipagkakalat ang sikreto ko sa buong campus. Pinag-iisipan ko pa kung kailan ko talaga sasabihin kay mama ang tunay kong pagkatao. Wala din namang nagbago sa samahan namin ni Giordale. Ganun pa rin naman kami gaya ng dati. Sa katunayan nga ay mas naging protective na siya sa akin mula nung araw ng pagsiwalat ko.
Naalala ko pa nga nung minsang may nagpakilala sa aking admirer ko daw, binuweltahan na niya agad ng mga kung anu-anong kasinungalingan kaya ayun, na discourage at hindi na muli pang umaligid sa akin. Naawa naman ako dun sa babae pero mas mabuti na rin nang sa ganun ay hindi na siya umasa pang chance maging kami. Kaya kahit naawa man ako, hinayaan ko na lang. Hinayaan ko na lang si Giordale na gawin ang mga bagay na iyon. Siya din naman ang nagvo-volunteer kahit anong pilit kong pagpapatigil sa kaniya. Bahala na siya dun.
“Bab, hangga’t nandito pa ako sa tabi mo na humihinga pa, huwag kang mag-alala dahil ako ang magpoprotekta sa’yo. Hindi ko hahayaang may manakit sa’yo. Walang pwedeng manakit sa’yo malaman man nila ang tunay mong pagkatao. Hindi kita pababayaan. Kahit buong mundo pa man ang makaalam, nadito pa rin ako at ako lang ang taong kahuli-hulihang taong iiwan sa’yo. At mangyayari lang yun kapag tumigil na nag paghinga ko.”