PART 2

1154 Words
            Sa mga katagang iyon ni Giordale ay tila ba naramdaman ko ang kasiguruhan. Yung pakiramdam na sa wakas ay may kakampi na ako sa mundo. Na hindi na ako nag-iisa at may magtatanggol na sa akin. Bonus na lang na si bespren ko ang taong iyon kaya nama’y walang pagsisidlan ang kaligayahang naramdaman ko nung araw na iyon.             Lumipas ang mga panahon at mayroon na akong napapansing kakaiba sa aking bespren. Ewan ko ba pero parang may nag-iba sa kaniya. Naging mas malapitin na siya sa akin at mas naging protective to the point na hindi siya pumapayag na may ibang lalaking umaaligid sa akin kahit classmates lang namin. Dati kasi ay hindi siya ganun. Ewan ko kung bakit siya naging over protective pagdating sa akin, eh wala namang nambubully sa akin. At isa pa, wala namang kahinahinalang pagbabago sa itsura at kilos ko. Ganun pa rin naman ako na lalaking-lalaki pumorma.             Bukod pa diyan, may mga panahon ding hidi ko siya mahagilap pero bigla na lang susulpot na parang kabote. Kagaya na lang nung minsang natagalan ako sa pag-uwi buhat ng may inasikaso akong importante sa school naming. Isa kasi ako sa mga estudyanteng mataas na katungkulan kaya kailangan kong magparticipate.             Nasa dapit hapon na iyon at may kadiliman na rin dahil sa makulimlim na panahon. Sa mga oras ding iyon ay mahirap ng makasakay dahil bibihira na ang mga sasakyang dumadaan. Hindi din naman masyadong malayo ang bahay namin kaya naglakad na lang ako pauwi. Wala si Giordale nung araw na iyon dahil nag-absent siya kaya mag-isa lang akong naglakad pauwi hindi tulad ng nakagawian kong kasama siya lagi.             Nakailang hakbang pa lang ako mula sa gate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya dali-dali kong dinukot ang payong sa aking bag. Hindi ko na hinintay pang tumila ang ulan dahil gumagabi na at ayaw kong mag-alala pa si mama. Binilisan ko na lang ang paglalakad kahit medyo may kalabuan na ang aking dinadaanan dahil sa malakas na ulan. Mayroon pa din namang mga street lights kaya kahit papaano ay naaaninag ko pa din ang kalsada.             Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang parte na walang street lights. Madilim-dilim at kung titignan ay parang may nakaambang kapahamakan dagdagan pa ng malakas na buhos ng ulan. E sa ganung sitwasyon, sino ba naman ang hidi matatakot? At isa pa, marupok lang po ako kaya madaling matakot. Subalit kahit takot ay nilakasan ko na lang ang aking loob at inisip ko na lang na dapat maka-uwi ako sa amin dahil naghihintay na si mama.             Matwid kong binagtas ang madilim na parte ng kalsadang iyon at nakapokus lang ang aking mata sa baba. Ni hindi nga ako lumingon-lingon sa aking paligid.             Nasa kalagitnaan ako ng aking mabilisanag paglalakad nang bigla akong naduwal sa hindi ko nakitang nakaatang na bagay at natumba habang tumilapon ang dala kong payong. Pilit kong hinagilap ang itim na payong ngunit hindi ko talaga nakita kaya basing-basa na ako sa ulan. Dahil dun ay tumayo na lang ako at ipagpapatuloy sana ang paglalakad nang biglang may pumigil sa akin mula sa likuran.             “Huwag kang aalis,” pagdeklara niya.             Sa mga sandaling iyon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko na mabilang kung naka-ilang pintig na ito sa isang segundo. Halos hindi ako makahinga at nanigas sa aking kinatatayuan sa kadahilanang nakakulong ako sa malalaki niyang mga braso.             Wala na akong ibang naramdaman kundi ang magkadikit naming katawan at ang mainit na hanging lumalabas mula sa kaniyang bibig na tumatama sa aking batok. Naaamoy ko pa ang amoy ng alak. At dahil hindi ako makaalpas mula sa kaniyang mahigipit na pagkakahawak ay wala akong ibang magawa kundi ang umiyak sa sobrang takot at kaba.             “manong, ma…maawa po kayo. Huwag niyo po akong saktan. Ma…marami pa po akong plano sa buhay para sa mama ko. Wala po akong maibibigay sa inyo. Maawa pa kayo…” pagmamakaawa ko habang walang patid sa pag-agos ang mga luha na simbilis ng patak ng ulan.             “W-walang-wala po talaga akong maibibgay sa inyo. Mahirap lang po ako at wala po akong pera-“             “Hindi ko kailangan ng pera mo. At bakit, may hiningi ba akong pera ha?” ang mariin niyang pagputol sa aking sinabi.             Hindi agad ako naka-imik dahil sa sobrang takot. Iniisip ko na lang kung ano na ang mangyayari sa buhay ko sa pagkakataong iyon. Maraming bagay ang nagsisitakbuhan sa aking isip.             Hanggang sa natanong ko na lang siya.             “A-ano pong k-kailangan niyo sa a-akin?” pahikbi at kabado kong tanong sa kaniya.             “IKAW!” agaran niyang tugon.             Sa pagkakahayag niyang iyon ay siyang ikinagulat ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding lamig at parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan.             Bagama’t may tono ng galit sa kaniyang boses ay hindi ko mawari sa sarili kung bakit biglang naibsan ang kaba na nararamdaman ko. Napalitan iyon ng tuwa at excitement. Dahil dun ay tila nawalan ako ng boses at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Speechless kumbaga.             Ilang minuto din kaming nakatayo sa ganung sitwasyon at basang basa na sa ulan. Wala sa aming dalawa ang muling nagsalita at tanging tunog lang ng patak ng ulan ang tanging ingay na sumakmal sa amin. Hanggang sa pinutol ng lalaki ang katahimikang bumalot sa aming dalawa.             “Patawarin mo na lang ako sa gagawin kong ito,” mahinang sambit niya.             Sa sandaling natapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon ay parang nagsiliparan na ang lahat ng kamalayan ko at wala nang ibang maintindihan. Biglaan niya akong inikot paharap sa kaniya at wala pang isang segundo…walang pasabing niyang idinampi ang kaniyang mga labi sa akin.             Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ako nakakilos agad at natulala. Hindi ko kasi inasahan iyon. At sa sobrang lapit ng aming mga mukha ay nahagilap ko ang kaniyang itsura. Nakita ko na lang na nakapikit ang kaniyang mga mata na parang nirerehistro sa kaniyang utak ang nangyayari.             Tumagal iyon ng ilang minuto.             Nang bumitaw na siya sa pgkakahalik sa akin, wala siyang sinabi kundi nakipagtitigan lang. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata at hinanap ko dun ang nais niyang ipahiwatig ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya.             Kaya tinanong ko na lang siya.             “B-b…bab? I-ikaw pala! A-anong…bakit mo…h-hindi kita maintindihan. Anong ibig sabihin nun? Bakit mo iyon ginawa? L-l-lasing kaba?” sunod-sunod kong tanong at bakas ang bagabag.             Wala akong natanggap na sagot kundi hikbi at iyak lang. Ewan ko ba pero may iba kay Giordale nung gabing iyon. Hindi ko siya maintindihan.             At mas lalo pa akong naguluhan sa mga sumunod na nangyari.             “S-sorry…bab,” ang sabi niya pagkatapos ay mabilis na tumakbo.             Palayo nang palayo siya habang ako nama’y naiwan sa kinatatayuan na naguguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD