Kabanata 4.1 : Handaan

1031 Words
"Pinagtataga na yata ni Kapitan!" Humalakhak si Andeng. "Kung ba't hindi nilinis ang kulungan! Si Estong ang swerteng nanalo sa dumi ng baboy!" Tinaas ng grupo ang hawak-hawak na baso at nagtawanan. Napailing si Estong. Tirik ang araw pero nag-iinuman ang kalalakihang tagapalo ng baboy. Inaya siya ng mga itong uminom pero tumanggi siya. Ayaw niyang mapingot ng ina. Sobrang higpit pa naman no'n pagdating sa sugal at alak. "Estong!" tawag ng isang suki na ng pagpapalo. "May girlpren ka na ba?" Hilaw siyang ngumiti. "Wala. Wala akong balak, 'yo." "Aba! Baka tumandang binata ka niyan, ha?" Malaki ang ngisi nito at namumula ang mukha. Mukhang lasing na. "Iwan niyo na si Estong! Sobrang bata pa niyan para tumandang gurang!" halakhak ni Andeng. Nakikisama na sa kuwentuhan kaya alam na niyang lasing na rin ito. Marahan siyang ngumiti at nagpaalam sa grupo. Ayaw pa sana siyang paalisin ng isang lasing, pero minuwestra ni Gerald na umalis na siya. "Magdala ka ng pabango sa susunod na katayan. Mukhang kailangan mo nang bumili ng maraming damit. Ilang gyera pa sa babuyan ang susuungin mo, Estong." "Ikaw ang sagot sa sabon," biro niya. Natawa si Gerald at tuluyan na siyang pinaalis. Mabilis naman siyang humakbang palayo dahil kung hindi ay baka magkaproblema. Lalo't lasing na si Andeng. Magwawala na naman 'yon at wala siyang balak makisali sa gulong hindi kaniya. Humakbang siya paalis ng bakuran. Tanghaling tapat at marami-rami na ang mga tao sa bakuran. Ang ilan pa ay galing sa ibang Sitio para mamista. Pero inaasahan niyang dadagsa ang mga tao mamayang gabi dahil hindi na mainit na siyang iniiwasan ng karamihan. Wala ang Kapitan sa bahay nito dahil nagpunga ito sa bahay ng isang tagapalo. Pinagsabihan umano dahil sa hindi nilinis ang kulungan ng baboy. Nakarating kasi sa Kapitan ang balita tungkol sa pagkahiga niya sa dumi ng baboy. Hindi naman 'yon malaking problema para kay Estong, pero dahil Kapitan ang may-ari ng babuyan kaya hindi nito palalagpasin ang kahihiyan na inabot mula sa katotohanang masyadong marumi ang babuyan nito. "Bigyan mo si Maam Jowee ng gata. Tapos itong isang capkeyk." Nilingon niya ang nagsalita. Nasa harap ng mahabang mesa ang isang matandang katulong. May kausap itong mas bata. Nang tingnang mabuti ni Estong ang kausap ng matanda ay napagtanto niyang si Ester 'yon. "Sige, Tiya." Kinuha ni Ester ang pinggan na may laman. "Nasa'n pala siya ngayon, Tiya?" "Nasa likod-bahay. Doon sa malaking puno ng gemelina. Nagduduyan." "Sige, 'ya." At humakbang papunta sa likod-bahay si Ester. Napaisip naman saglit si Estong. Hindi ba Jowee ang pangalan ng babaeng nakatapis ng tuwalya sa banyo kaninang madaling araw? Napangiti siya. Kailangan niyang magpasalamat sa babae. Sinundan niya si Ester. Dahil malaki ang hakbang niya ay nakasabay siya sa babae. Gulat namang napatingin si Ester sa kaniya. "Ikaw lang pala!" sabi nito. "Oo, ako lang." Natawa si Estong. "Narinig kong pupuntahan mo si Jowee." Tumango ito. "Paborito niya itong ginataang monggo saka tsokolateng capkeyk. Kaya dadalhan ko siya." Nangunot saglit ang noo ni Ester. "Pa'no mo pala nakilala ang amo ko?" Lihim na napangiti si Estong pero nanahimik lang. Hindi naman nangulit si Ester lalo na nang abot-tanaw nalang ang natutulog na babae sa duyan sa ilalim ng isang malaking puno. "Natutulog siya," bulong ni Ester. "Wag kang maingay hangga't hindi pa tayo nakakalapit." Tumango si Estong. Dahan-dahan silang humakbang palapit. Umihip ang hangin at humalik ang simoy niyon sa pisngi ni Estong. "Maam Jowee?" tawag ni Ester nang makalapit sila nang husto sa babaeng natutulog. Naalimpungatan si Jowee. Bigla namang kumabog ang dibdib ni Estong nang masilayan niya ang magandang mukha ng babae. Nagmulat si Jowee at tumingin sa kanila. "Ester?" anito. Bumaling si Jowee sa kaniya at mas lalo lang nagusot ang mukha nito. "It's you again," matabang nitong saad. Pinasadahan pa siya nito ng tingin. Umikhim siya. "Nagdala si Ester ng paborito mo." "And why are you here?" "Ah." Nagbaba ng tingin si Estong at napangiti. "Gusto kong magpasalamat sa 'yo --" "Accepted. Pwede ka nang umalis," taboy ni Jowee sa kaniya. Hilaw na ngumiti si Ester at sumingit sa usapan nilang dalawa. "E, Maam Jowee? Ito na po ang paborito niyo." Inabot ni Ester ang pinggan at kutsara. "Kung gusto niyo po ng mas marami pa ay nasa handaan lang po ang mga ito." "Thanks," pasasalamat ni Jowee at tinanggap ang inabot ni Ester. Pinagmasdan lang ni Estong ang mukha ni Jowee habang kumakain. Maamo nga ang mukha nito. Maputi. Makinis. Hindi nakapagtatakang pinag-uusapan ng mga tagapalo kanina. Sa totoo lang, hindi naman mahilig sa mga babae si Estong. Alam niyang marami ang lumalapit sa kaniya para makilala siya, pero lahat ng mga babae ay tinataboy niya dahil wala siyang balak pumasok sa relasyon sa gano'ng gulang. Masyado pa siyang bata. Marami pa siyang responsibilidad na kailangang atupagin. Saka na ang babae, paniniwala niya. Pero lahat ng pader, lahat ng ginagawang pagtataboy, lahat ng pinaniniwalaan niya ay nawala na parang bula habang pinagmamasdan si Jowee. Maganda ang babae. Ngayon lang siya humanga nang husto sa isang babae. Siguro dahil 'yon sa kakaibang ganda ng anak ni Kapitan. O baka ngayon lang bumilis ang t***k ng puso niya dahil lang sa isang paghanga. Umikhim bigla si Ester. "Maam Jowee, balik na po ako sa handaan," paalam nito. Napatingin siya kay Ester. Sumulyap ito sa kaniya at sinenyasan siyang sumunod. Ngumiti siya pero wala siyang balak sumunod kay Ester. Gusto niya munang makausap si Jowee. Tinanaw lang niya ang papalayong bulto ni Ester. Lumingon pa ito sa kaniya at nang mapansing hindi siya sumunod ay nagkibit-balikat at pinagpatuloy ang paghakbang pabalik sa bahay ng Kapitan. Naiwan si Estong kasama si Jowee. Humarap si Estong sa babae at nakita niya itong kasalukuyang kumakain. Maging sa pagkain ay mahinhin ang kilos nito. Pero walang arte na siyang napangiti sa kaniya. Kinamay ni Jowee ang capkeyk at inisang lagok ang manggok ng ginataang monggo. Natigilan lang ito nang mapansin siyang nakatayo pa rin sa pwesto niya kanina. Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya na parang tinubuan siya ng isa pang ulo. Nagtataka ang mga mata nito. Napakurap si Estong at napalunok sa ekspresyon ni Jowee. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagtayo niya sa puwestong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD