Pagkababa ay may sumalubong na caretaker, she offered us some fresh fruits na I’m sure galing sa malawak na lupain na ‘to.
“Sir, sabi ni Sir Gomez pwede na po raw kayong magmeeting next week.”
“Okay, thank you Manang.”
After that, we went far from the main house. May maliit na kubo doon sa likod ng ilan pang mangga. Doon nilatag ni Uncle Fado ang mga dala naming pagkain.
“Let’s eat, Aiv.”
Tumango ako, ano pa nga at kanina pa naman talaga ako nakakaramdam ng kaunting gutom. To sum up the length of the ride, siguro umabot ng 3 hrs? The mass ended exactly 9 am and he picked me up at 9:10. Syempre may ilang minutong stop over pagkatapos bumili pa kami ng pagkain... inabot ng hanggang ala-una. But I think that was worth it? Kasi ang ganda at refreshing ng lugar. Though, majority of the place is more on fruit trees...
“What do you think of this place?” Seryosong tanong nito in between of my meal. Infairness din sa pinili namin, it tastes all good.
“Ang yaman niyo siguro ano? This is how many hectares, Uncle? The place is good, di ka lugi rito... may mga tanim na and the place is also a refresher. Magandang pang-resort.”
He chuckeld, “I like your idea, should I build a new resort here?”
Tumawa ako, tapos tumango-tango. “Because I like water,”
Mas lalo itong natawa, umiiling-iling pa bago sinubuan ako. Mas lalo tuloy lumawak iyong pagngiti ko. Kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Minsan humihingi rin siya ng ideya kung ano pa ang pwedeng gawin dito sa lugar.
Alas dos nang nagdesisyon na siyang maglakad-lakad. Naglakad-lakad din ako kasama niya, mabuti na lang talaga at hindi ako tinupak ng kaartehan kanina kaya flat ang sout kong sapin ngayon. Medyo may part na muddy kaya nakakatakot umapak. But he would offer his hand for me to easily get through.
Alas tres nang inabutan ulit kami ng meryenda. Inaya na nga ni Uncle si Manang, they talked about this place. Kung anong mga mababago at kung anong sa tingin ni Manang at mas nakabubuti. I think she’ll stay by Uncle’s side. Mukhang mabait naman si Manang eh.
After that, may namention si Manang about this nice streamed. Kaso medyo may kalayuan at hindi pa gaanong developed iyong daan papunta roon.
I wanted to visit ‘no? But we’ll be late for home if I insist. Sabi ko na lang kay Uncle na next time na lang kapag mas mahaba iyong oras. He suggested that it will be good if we’ll visit on next weekend. But I’m going home, Mom called me last night and she was crying because she missed me. E syempre ako itong bunso, babae pa kaya nalulungkot iyon kasi malayo ako.
“Pagbalik mo na lang.”
Tumango ako at inayos ang sarili habang nakaupo roon sa passenger’s seat. Pagkatapos maya-maya lang ay nasa byahe na kami. I wasn’t really tired but I’m really sleepy. Pagkagising ko ay nasa malapit na kami, sakto ring madilim na sa labas.
“Kumain na muna tayo,” sabi nito pagkatapos na ipark sa malapit ang sasakyan.
Tumango ako, syempre libre na naman. I texted Aunt Sheen na mauna na itong kumain. At nagulat ako na puro text ang natanggap ko ng mga oras na iyon. It was coming from Aunt Sheen, galit na galit? She was asking if where I was... tapos kung ano-ano na ang sinabi nito. Napalingon tuloy ako kay Uncle Fado at nahihiyang ipinaalam sa kanya iyong mga text ni Aunt Sheen.
Napatitig din sa akin si Uncle Fado, parang nagtataka na parang napapatanong sa akin.
“I-I... I forgot to tell her.” Ngiwi ko at kinagat ang labi.
Hindi naman ito nagkomento, hindi rin nagsalita. Sabi niya pwede namang doon na lang kami kumain sa bahay... nagdududa naman ako roon. I know when Aunt Sheen is really mad. I can tell by now... at tama nga ako.
Halos hindi ko ito makausap nang makarating sa bahay. Hindi rin nito pinapansin si Uncle Fado. Nagkatinginan na lang kaming dalawa, and I know that I’ll be dead. Tahimik kaming kumain, pinatunguhan naman ng maayos ni Aunt Sheen si Uncle Fado, but this silence is killing me. I wanted to say something but I’m also scared that Aunt we’ll burst into anger.
At tama nga ako, pagkaalis na pagkaalis ni Uncle Fado doon na ito nagbubunganga. I hate this attitude of her. Minsan below the belt at minsan nakakairita.
“Tigil-tigilan mo iyang pagsama-sama kay Fado, Aivee Dar! Kilala iyan sa bayan na mahilig sa babae!! Don’t wait for me to tell this to Kuya Arberto or you’ll be forever stuck at home!!”
Natahimik na lang ako at nakayuko. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko, at alam ko namang kasalanan ko kaya galit na galit si Aunt Sheen. I’m still under her welfare.
Kinabukasan, kahit sa pagpasok kahit na pareho naman kaming sabay e hindi ako nito pinapansin. Kahit pagkababa ganoon pa rin. And I can’t help but to feel guilty.
Lunch time habang naghahanda para sa panghapong klasi ay lumabas ako para bumili ng peace offering kay Aunt Sheen. Di ko kayang tiisin na ganito na kami ni Tita.
I think... I have to follow her? Hindi naman masama si Uncle Fado but I just can’t stand my Aunt’s cold treatment. Afterall, she’s just worried.
Pagkatapos ko ngang bumili ay naglakad na ako paunta sa highschool at nagpaalam sa house guard na kung pwede pumasok. Hinayaan naman ako at hinanap ang faculty. There, I saw Aunt Sheen talking to her co-teachers. Kumatok ako ng isang beses at lumingon silang lahat. Tinitigan lang ako ni Tita kaya mas lalong lumala itong guilt na nararamdaman ko.
“I bought you some foods, Tita. I-I’m sorry about what I did.” Bulong ko rito sa huling sinabi.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Nagtataka ang mga kasama nito, maybe they felt the tension between us but contented not to interfere.
“Mag-usap tayo mamaya, hintayin mo’ko.”
Tumango ako at nagpaalam na rin. I started teaching the kinders. Natuwa pa ako ng isa sa panghapon ay si Benteen. Medyo hindi na ito masyadong interesado sa mga tinuturo ko pero nakikinig naman.
Pagka-alas tres ay lumabas na ako at hinintay si Aunth Sheen malapit sa guard house. Isang oras pa bago ko ito natanaw. She didn’t smile nor greeted me. Basta umalis na lang kami roon, parang di naman inalintana nito ang sout kong takong... basta bumilis na ang lakad nito.
Pagkarating sa unahan, tumigil ito at lumiko. Nagtataka naman ako at napagtanto rin sa huli na kaya pala ganoon kasi nando’n ang shop ni Uncle Fado. I felt bad, for myself. I really wanted to be Uncle Fado’s friend but I have to put first my Aunt’s feeling. Parang ininvalidate ko iyong feelings niya, syempre part of me understood what she felt.
Babae kasi ako, bunso ni Papa... pagkatapos sama pa ng sama sa isang lalaking noon ko lang nakilala.
Kaya ko namang pangatawanan na mabait talaga si Uncle Fado. Kaya lang, si Aunt Sheen kasi... masasaktan.
“Mag-one on one tayo, Aivee Dar... kailangang tuldukan natin itong nangyari.”
Tumango ako, we also ordered some pizza and fruit drinks. I ate a little while waiting for Aunt. I’m sure it will be a serious one.
“Hindi ko gusto iyong pagsama mo kay Fado nang hindi nagpapaalan. Pagkatapos kayong dalawa lang? Had you ever thought about your safety? Alam mo rin ba ang bali-balita tungkol sa kanya?”
Tumango ako at suminghap ito... parang hindi pa makapaniwala na alam kong ganoon ang reputasyon ni Uncle Fado.
“Ang tigas ng ulo mo Aivee, isusumbong kita kay Kuya Arberto.”
“T-tita, I swear... there’s nothing you have to worry. Hindi naman ako nilandi ni Uncle Fado. Namasyal lang talaga kami,”
Hindi makapaniwalang tumitig pa ito sa akin. Sumimangot lang ako, napaawang naman ang labi nito bago umiling-iling.
“Okay fine, Aivee Dar Aculada... pwede mo siyang pansinin pero hindi ka na pwedeng sumama sa kanya na kayo-kayo lang. I’m worried about you.”
I nodded, as if I know what I was agreeing. Hindi ako sigurado diyan... I can’t—- tell.
Nginingitian ko na lang si Uncle Fado kapag napapadaan ako sa harap ng shop nito. Parang nakakaintindi namang dumistansya. Hindi nito pinilit pa ang gusto. Pagkanext weekend, hinatid ako ni Aunt Sheen sa bus terminal. I told her that I’ll be back after holiday. Baka Wednesday ng umaga.
Pagkarating kinagabihan, sobrang tuwa ni Mama. Nandoon din ang mga kapatid kong lalaki. Si Papa ang sabi ay may inasikaso lang itong deal ng construction doon sa kabilang City kaya baka bukas na makakauwi.
“How’s your Aunt Sheen, Aiv?”
“She’s fine Mom, just... wala pang boyfriend.” Ngiti ko.
Tinawanan lang ako ni Mama from time to time tinatanong ako nito kung hindi ba raw ako naninibago sa environment doon?
“The place is nice Mama... saka nag-eenjoy ako sa pagtuturo.” Tinitigan ko si Kuya Av, may katext eh... siguro girlfriend niya iyan.
Alas onse na ako nakatulog, pinagkukuwento kasi nila ako sa mga experiences doon. Hindi ko na binanggit si Uncle Fado. Natatakot akong baka mapagalitan tulad ni Aunt Sheen. Though, I can justify that Uncle Fado is a nice person. Ayaw ko lang siya madamay sa pagiging nega nina Tita.
Kinabukasan, late na ako nagising... nandoon na rin si Papa sa hapagkainan. Natuwa rin ito na nakitang nandoon ako. I told him that I’ll be back at work by Wednesday morning. Naging abrupt and out of sched ang plano naming maligo kinahapunan.
Tapos tawang-tawa pa ako kay Kuya Azul kasi parang hindi mapakali habang dala nito ang bisita. Parang girlfriend niya na parang hindi.
Ako nga ang ginagatasan ni Mama, as if I have an idea. Ni di ko nga kilala and not even familiar with me.
Alas kwatro nang natapos kami sa family bonding. Lunes na kasi at si Papa kailangang bumalik sa business partner nito, may pag-uusapan daw. Sina Kuya may mga trabaho naman kaya naiwan ako sa bahay kasama ni Mama.
Doon na ako kinabahan nang nabanggit nito ang nangyari. Sinabi na pala ni Tita, ni hindi man lang ako sinabihan kaagad. Nagtatampo ako kasi ganoon, but I am not allowed to lie to Mom.
“He’s a nice guy naman Mama...” simangot ko.
Mas lessen ang reaksyon nito kesa kay Aunt Sheen.
“He’s still a guy, Aiv. You’re a pretty young lady... who wouldn’t get interested to you? Sabi mo nga single iyang tinatawag mong Uncle Fado. We’re just worried, Aivee Dar. You can’t blame me or your Tita Sheen.”
Mas lalo akong sumimangot. She heaved a sigh and didn’t commented for awhile. Parang nag-iisip pa bago nagsabi na—
“Introduce that guy to us, I’ll decide whether he’s trustworthy or not.”
Unti-unti na akong napangiti sa kanya. She said that she’ll visit me soon. Siguro by next month, hindi niya raw kasi maiwan-iwan si Papa kasi nga abala ito sa negosyo ngayon. Lalo na at may ilang demand na hectic nga raw at mahirap i-meet. So I do understand.
Pagka-tuesday ng hapon ay nakahanda na ako sa byahe bukas. We had our dinner outside our home.
Sabi nila bibisita na lang daw sila kapag sabay-sabay na makakapagbakasyon. Ibinida ko pa ang tranquility ng lugar. I’m sure they’ll like the place.
Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos. Maybe because of the excitement? Or maybe I just want to see Uncle Fado?
Sa isang Linggong pangiti-ngiti na lang kami sa isa’t isa, parang pakiramdam ko e kulang... gusto ko itong makasama, iyon bang bonding lang... tulad noon sa pinuntahan namin.
Kinaumagahan, hinatid ako nina Mama sa sakayan. Paulit-ulit nilang sinasabi na bibisita sila sa susunod, kapag nagkaroon ng oras at kung papayagan silang sabay-sabay na magli-leave.
After 8 hrs of ride nakababa na rin ako at naghanap ng masasakyan. Natigilan lang ako pagkakita kay Uncle Fado na nakatayo malapit sa bungad ng bayan.