I was fighting my own demon while on table. Si Auntie Sheen kasi ang tahimik, parang napilitan pa yatang yayain si Uncle kaya ngayong natanto na nito... ay para siyang sinaniban ni Maria Clara. Ang modest nitong kumilos, I can’t hear her spoon clanking on her plate. Parang takot yata... o baka nahihiya?
I cleaned the table while Aunt Sheen was confused. Di ko alam kung saan patungo ‘to o kung ano ba talaga ang gagawin. Di ko rin maintindihan kung saang direksyon ito papunta. We offered Uncle the couch for him to sit. Tapos ako maghuhugas pa as usual.
Parang gusto pa ngang agawin ni Aunt Sheen, kaso sinabi kong may bisita pa kami. That moment, I saw her blush... I mean, her ears turned to red. Gusto ko namang matawa at sinilip si Uncle na nakaupo sa couch namin. He would roam his eyes around and then will play busy with his phone. O baka totoo iyang pagtingin-tingin niya diyan sa cp niya?
Ininguso ko nga si Uncle,
“Aunt, why don’t you entertain our guest?”
“Totoo ba yan, Aivee?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin, like inuutusan ko siya. Ay!
“Tita, that’s our guest... you also invited him inside. ‘Tsaka you see, I’m washing our dishes.”
Pabalik-balik ang titig nito sa akin at sa living room. Pigil na pigil naman ako sa pagtawa, I’ve waited for minutes and then I felt the victory when she gave up. Sinilip ko na lang ang ginagawa ng dalawa, hindi ko kasi masyadong marinig ang pinag-uusapan. But when Aunt Sheen laughed, I knew at that moment that she felt comfortable around Uncle’s.
Dinahan-dahan ko muna ang paghuhugas. I want Aunt Sheen to enjoy this moment. It’s her time naman, since she’s busy with work... I think she really deserves to be happy.
Tumambay na nga lang muna ako sa kusina. I answered some messages, mostly from my college friends... they were just curious where I am these past few days. Madalas daw akong offline, and not active in the social media anymore.
So, I was strucked when I felt Uncle Fado just near where I’m leaning.
He laugh, he likes to laugh. I mean, from time to time kasi para siyang natatawa in every situation. Kaya siguro para siyang charming sa mga mata ko.
Actually, Uncle is indeniably handsome. Maybe one of the most handsome faces I saw in my entire. But he’s not my type, he would pass as my literal ‘Uncle’.
“Makikiinom lang, nagulat ka naman diyan. Sino ba yang ka-text mo?” Smiling a little.
“Sorry, nagulat talaga ako eh. Kanina you were just enjoying talking to my Aunt. Tapos ngayon nandito ka na. And to answer your curiosity, I just answered some messages... nothing too important.”
“Gulatin. Masipag ka pala ano?” Ngiti nito.
I find Uncle Fado talkative, or maybe that was his own way to make everyone comfortable? Good vibes kasi ito, in few situations I met him, para siyang yong tao na kaibigan ang lahat.
That’s a plus point for my Aunt,huh?
“Hindi naman, naghugas lang naman ako ng mga pinagkainan, ‘no? Masipag na ba yon?”
“Of course, unusual from girls I’ve met.”
Medyo napaawang ang labi ko pagkarinig no’ng accent niya. Deep and very manly. Hindi rin pilit unlike some guys I’ve met before. Alam ko naman na maarte talaga ako magsalita, hindi ko na rin kasi mawala-wala ‘to sa sistema ko. So, some would force themselves to match my kaartehan. Which made me cringy.
“Ilang taon ka na ba, Aiv?”
“I just turned 22 last month,” ngiti ko. Parang yong ngiti ko very cheeky kaya lumiliit itong nakikita ng mga mata ko.
“Bata ka pa pala,”
“Hindi naman! I’m a grown up.” Simangot ko pa rito.
“Still young, Aiv... Do you know how old I am?”
“I’d asked you.”
Humalakhak lang ito, nawiwili na yata sa katutukso sa akin kaya ako na naman ang iniinis. Actually, medyo nonsense itong pinag-uusapan namin.
“I’m 40, Aiv.”
Namilog ang mga mata ko at at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. He’s kidding right? He has no visible wrinkles! And if it was true, then maybe he did some surgery before to make himself look young now? O baka nagpatanim ito ng stem just like what others did to themselves?
“Impossible!”
“Oh, right... I’ll be 40 next month.”
“You’re kidding.”
“Hindi, totoo Aiv... lagpas kalendaryo na ako. Sobra pa nga... baka magtaka ka.”
“You’re bluffing,”
Natawa lang ito, iyong tawa na parang naaaliw sa hindi ko makapaniwalang reaksyon sa rebelasyon.
“I should continue calling you Uncle! Uncle na Uncle ang datingan niyo, ‘no!”
“Now, that’s below the belt... namumuro ka na, Aiv.”
Hindi naman siya galit, obvious talking mula sa tawa nito.
Ewan ko ba, parang hindi talaga totoo. Unless he’ll lay me an evidence.
“How did you maintain your body?”
“Sinabi ko na Aiv, I do physical labor. Busy ako sa negosyo, busy din ako sa farming at sa shop.”
“I think I should change career!”
“Talaga lang, Aiv?” Nanunukso na naman ito.
Sumimangot na naman ako at natigil lang ang panunukso nito sa akin nang pumasok si Aunt Sheen. At that very sight, I know Aunt Sheen felt comfortable around Uncle Fado... hindi na kasi ito nahihiya. Nakikipagtawanan na kay Uncle Fado at palakuwento na rin. Tumahimik na lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Titig na titig pa ako noong una kay Aunt Sheen hanggang sa nalipat kay Uncle Fado na nakaupo na sa kitchen’s chair tulad ni Aunt Sheen... pero heto kasi, nakasulyap sa akin.
Sinimangutan ko nga para maintindihan nitong hindi ako natuwa sa huling sinabi nito. Which in fact, I was serious. I mean, there’s nothing wrong with changing a career right? As long as I earn my own money.
Kaya nga no’ng nag-offer si Aunt Sheen na dito na lang daw ako magturo, pumayag kaagad ako. Less opportunity kasi ang meron sa City, I like teaching kids... but now, parang iba na naman yata ang gusto ko.
“Hala, gabi na! Di ka pa ba uuwi?”
Natawa ako nang kunti, sinarili ko. Kasi sa nakikita ko, parang hindi naman seryoso iyong gulat mula kay Aunt Sheen. More likely, parang ayaw niya pauwiin.
“I think I should really go home.”
Parehong hinatid nami ni Tita si Uncle Fado sa labas. Pero si Tita agad namang bumalik sa loob. Sabi niya may nakalimutan siya, about work yata kaya ako ang inutusan na ihatid ng tanaw si Uncle Fado.
“It’s Sunday tomorrow, may mga plano ka na ba?”
Napaisip naman ako, Sunday nga bukas. Magsisimba siguro ako with Aunt Sheen. Kaya lang minsan hindi rin nagsisimba si Tita lalo na kapag hectic sa mga school works. Highschool kasi ang tinuturuan ni Aunt kaya maraming kailangang gawing lesson plan.
“Nothing naman, I’ll just go to church.”
“Susunduin kita pagkatapos, aalis ako... may titingnan ako sa kabilang bayan. Baka gusto mo.”
Tumango ako, not even sure if it was right. Because the next day, I went to church alone. Pagkalabas pa lang nakita ko na si Uncle Fado nakatayo rin sa labas ng Simbahan. Obvious na nagsimba rin ito.
Inaya na kaagad ako nito. Pabalik-balik pa ang titig sa akin, like I’m an illusion.
“Maganda ka rin pala kapag normal ang sout mo ano?” Sabay tawa nito.
Napasinghap ako at sumimangot.
“So my everyday looks were abnormal to you?”
Mas lalo itong natawa.
“Gustong-gusto mo talaga iyong pink na pink ano? Mukha kang inosente doon pero ewan ko ba, maiiksi naman.”
Ngumisi lang ako at hindi na nagkomento. There’s nothing deep explanation on everything I wore. Siguro sabihin na lang na nakasanayan ko na iyon and I’m obsessed with anything that’s pink.
Pagkatapos umalis din naman kami kaagad, we rode his wrangler jeep. It exactly looks like my brother’s toy. Komportable naman sa loob, plus Uncle Fado bought some foods for me. Sabi niya, akin daw lahat ng yon. E syempre sino ba naman ako para tumanggi?
We talked a lot of things, dahil sa kadaldalan niya e nalaman kong... I was right, he’s a chic magnet... or playboy? Kasi pinapatulan niya raw.
I was eyeing him and then,
“Kapag sinaktan mo si Tita, I’ll be the first to cut your—-“
Ibinitin ko saka ibinaba ang mga mata. He abruptly foot on his brake. Ako nama’y namimilog ang mga mata.
“Hey, bakit ko naman sasaktan si Miss Aculada?”
Napangiti na lang ako ng pagkalapad-lapad. Seryoso yata, sana nga lang totoo.
“I’m not courting her, Aiv...”
“Huh? You don’t like my Aunt?” Namimilog pa ang mga mata ko sa gulat.
I thought, well... did I just assumed?
“Mabait naman si Miss Aculada, but... I don’t see myself courting her.”
“E-eh, ano pala—?”
“Aiv, di naman ibig sabihin na nakikita mong natutuwa akong kausap ang Tita mo ay may gusto na ako sa kanya. Just... don’t give your Aunt a false alarm. You know, I told her that I she’s nice and I want her to be my friend. That’s all.”
Nahiya ako sa pag-aassume na ganoon. Natahimik na nga lang ako habang binubuhay ulit nito ang sasakyan. I just couldn’t find a nice word. Should I say sorry? It isn’t my intention to dictate him, just... you know, I just want him to pursue Aunt Sheen. Bagay na bagay kasi silang dalawa.
“I-I’m sorry,” ngiwi ko.
I felt him become tense. Naramdaman ko ring lumingon siya. At ang lakas mang-asar, seryoso ako pero tinawanan lang ako. Di’ba nakakahiya na nakakainis?
“I wasn’t offended, Aiv. At least you asked...”
Ngumuso na lang ako at sinundan ito sa pagbaba. Napailing-iling pa ito habang nakatitig sa’kin sa tuluyan kong pagbaba sa sasakyan.
“You should let me next time,”
Nahihiyang napatango na lang ako. Natetense ako sa nangyayari, medyo nakakaramdam ako ng awkwardness. Syempre, ewan ko ba...
“What do you want for lunch?” Tinuro nito ang menu sa itaas. Alas diez pa lang naman pero heto at umoorder na. Busog pa rin ako, lalo na sa dami ng pagkain na binigay niya sa akin kanina.
“Kakainin natin mamaya, malayo pa tayo... baka magutom ka.” Ngiti nito.
Napatango na ako na may ngiti sa labi. Tapos ikinawit ko na lang itong braso ko sa braso niya. Pansin ko parang siya na naman itong natetense. Natawa na nga lang pagkatapos tinuro nito sa cashier iyong mga gusto niyang bilhin. Nagtanong na din sa akin kung ano pang mga gusto ko.
Dalawampung minuto lang ang hinintay namin bago nakuha lahat-lahat ng inorder. Nangunyapit na naman ako sa kanya tulad kanina. Noong naupo lang yata ko siya nabitawan.
“Nagmumukha akong sugar daddy mo, Aiv.” Tawang-tawa na sabi nito habang tinatahak namin ang daan pabalik sa parking.
Ngumuso lang ako at hindi na nagkomento. I have nothing to say, I mean... it’s their dirty mind, they can think whatever they want but just... they’ve no right to judge.
Di ba pwedeng komportable lang ako kaya ganito ako kung makadikit kay Uncle Fado? He’s like my uncle kaya... may assurance kasi saka napakabait niya. Except that he liked a lot of babes.
“Kung siguro mas matanda-tanda ka lang kaunti, ikaw ang liligawan ko Aiv.”
Natigilan ako sa pagsubo at pagmuni-muni ng tanawin sa labas.
“That’s incest!!” Pinangilabutan ako. I can’t imagine!
Humalakhak lang ito, “Incest, Aiv? Di mo ako kaano-ano.”
Umiling-iling ako, halos magbuhol-buhol itong buhok ko sa sobrang iling. Syempre gusto kong mawala sa isipan ko iyong imahe na ako raw itong liligawan niya. Ang incest talaga ng datingan. I couldn’t dare.
“Okay fine, stop that. Para kang nandidiri.” All out na ang tawa nito.
“Tss” irap ko rito.
Ilang minuto lang nasa labas na kami ng isang farm lot... Napapalibutan ng isang termporary fence. May manggahan dito sa harap. I don’t know what’s inside. Medyo malawak pa ang lupain, I couldn’t see. Maybe because of the fruit trees and some coconut from afar.
“Bababa lang ako, you wait here.” Sandali lang naman iyon pagkatapos bumyahe na kami papasok pa. Ang amazing lang na parang nakaayos na talaga lahat... medyo malayo lang ang bakod sa isang parang bahay bakasyunan.