"Gusto ko ng itlog na nilaga, please! Iyong maraming ketchup!" nakangiting sabi ni Elena nang siya ay magising kinagabihan. "Tapos gusto ko rin pala ng apple iyong may ketchup din!" Hindi na maipinta ang mukha ni Jom dahil nawi- weirdo - han na siya sa mga pagkaing gustong kainin ni Elena. Ngunit hindi naman siya nagsalita para komontra dahil baka umiyak na naman ito. Sa halip, hinanda niya ang pagkain na gusto nito. "Maraming salamat, aking mahal!" masayang - masayang sabi ni Elena nago nilantakan ang kaniyang pagkain. Halos tumulo ang laway ni Jom habang pinapanuod si Elena kung paano kainin ang mansanas na nilagyan niya ng maraming ketchup. Hindi niya nakikita sa mukha ni Elena nandidiri ito. Bagkus, sobra itong nasasarapan sa kaniyang kinakain. "Gusto mo? Ang sarap grabe!" Mabili

