"Ito na ang sampung milyong hinihingi mo," matapang na wika ni Elena matapos niyang ilapag ang sampung milyon sa harapan ni Niel. Asar na ngumisi si Niel. "Wow! Ang lakas mo naman pala sa lalaki mo. Siguro nga mayaman talaga iyan. Ginalingan mo sa kama kaya binigyan ka agad ng pera." Hindi nagustuhan ni Elena ang sinabi ni Niel kaya sinampal niya ito ng malakas. "Ayusin mo ang tabas ng dila mo kung ayaw mong putulin ko iyan. Pakibasa kasi sa iyo, walang kwenta. Hindi mo ako napapasaya pagdating sa kama. Kaya nakakawala kang gana," aniya sabay ngiti. Nangitngit naman sa galit si Niel bago kinuha ang pera kay Elena. "Wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin mo. Oh ito. Pirmahan mo na tutal atat na ata ka ng makipag- divorce sa akin." Binato ni Niel sa mukha ni Elena ang divorce papers

