"Huwag mong isumbat sa akin ang nagawa ko noon dahil tapos na iyon, g ago!" sigaw ni Niel. Ngumisi si Jom. "Talaga ba? Eh para kasing pinalalabas mo na ako ang unang gumawa ng kagaguhan. Para sabihin ko sa iyo, noon pa kami nagmamahalan ni Elena. Wala lang siyang choice kun'di ang pakasalan ka. Kaya wala akong inahas sa iyo. Pero ikaw ang may inahas sa akin. Nagpustahan pa nga kayo ni JP noon, 'di ba? Masakit yon para sa akin pero hindi ko na pinalaki pa. Kaya kung puwede lang, umalis ka na sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo." Inalalayan ni Jom na makapasok ng kaniyang sasakyan si Elena bago niya ito pinaharurot. Naiwan namang galit na galit si Niel dahil totoo naman ang sinabi ni Jom. Habang nasa byahe, hindi mapakali si Elena. Bumuga ng hangin siya bago siya tumingin

