Saphira's POV Apat na buwan na kaming hindi nagkikibuan ni Kael. Pero hindi 'yon ang pinakamasakit. Ang mas masakit… ay 'yung nandito siya. Araw-araw. Pero parang wala siya. Parang hindi niya ako nakikita. Parang wala siyang pake. Parang ako lang 'to… ako lang ang may bitbit sa lahat ng sakit at bigat ng panahong ‘to. Ngayon, siyam na buwan na ang tiyan ko. At habang nakaupo ako sa gilid ng sofa, may kung anong tumama sa’kin na parang kidlat. Mula sa puson paakyat sa tagiliran—matulis, paulit-ulit, hindi na kaya ng hinga ko.. Napakapit ako sa lamesa. “Ngh—Kael...” bulong ko, nanginginig. “Kael… masakit na...” Wala. Tahimik ang buong bahay. Tulad ng nakasanayan. “Kael!” mas malakas na. Nangingilid na ang luha ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakita ko siyang lumabas ng kw

