Tahimik ang biyahe pauwi ng unit. Pagkarating sa unit, hindi agad bumaba si Kael. Nakatingin lang siya sa dashboard, hawak ang manibela, parang may iniisip. “Akyat ka na,” aniya, hindi tumitingin. “Aren’t you coming in?” tanong ko, mahinang boses. Tumango siya. “Susunod ako. Magpapa-park lang ako ng maayos.” Hindi ko alam kung totoo o dahilan lang para maiwan mag-isa. Pagpasok ko ng unit, malamig ang pakiramdam. Ibang-iba na mula noong may boses at iyak pa si Khaira. Ngayon, bawat dingding ay tila may echo ng katahimikan. Nilapag ko ang stuffed bunny ni Khaira sa kama. Tiningnan ko iyon ng matagal. Parang naiwan sa’kin ang bahagi ng anak ko. Ilang minuto ang lumipas bago dumating si Kael. Tahimik siyang pumasok, binuksan ang cabinet, nagpalit ng damit. Naka white shirt at grey jogg

