Wala na ‘yung amoy ng ospital, wala na ring ingay ng mga nurses at machines—pero mas nakakatulig ‘yung katahimikan dito. Kasalukuyan na kaming nasa Unit ni kael. Bitbit ko si Baby Khaira habang dahan-dahan akong lumakad papasok. Si Kael naman ay nasa likod ko, tahimik pa rin, may dalang mga gamit namin. Hindi kami nag-usap sa biyahe pauwi, at kahit ngayon, ni isang tingin mula sa’kin ay hindi ko siya mabigyan. Pagkapasok sa loob ng unit, para kaming dalawang estranghero sa iisang bubong—parehong pagod, parehong tahimik, pero may isang maliit na nilalang sa pagitan namin na nagsisilbing tanikala. “Dito ko siya ilalagay,” mahinang sabi ni Kael habang inaayos ang crib ni Khaira sa tabi ng kama. Tumango lang ako. Walang salita. Wala ring ngiti. Hindi ko alam kung bigla lang ba akong natauh

