Prologue
May 1998
Kasalukuyan kaming nasa study kausap ko ang papa at mama. "Dito ka na mag-aaral ng kolehiyo mo" papa said in authority. "Papa, bakit po? Mas maganda naman sa Manila. Mas advance ang pinag-aaralan doon kaysa sa dito sa probinsya"
"Dito ka na mag-aaral. Sasanayin na kita sa negosyo natin" "Pa, bata pa naman kayo. Hindi po ba pwedeng pagkagraduate ko nalang ng college? Gusto ko po doon sa Manila. Ayaw ko po dito" tumingin ako kay mama. Humihingi ng saklolo.
"Hindi pwede Amaya Agatha!" nabigla ako sa pagtawag ni papa ng buo sa pangalan ko. Ibig sabihin ay galit na ito. Yumuko na lang ako. "At huwag mo ng ipilit ang gusto mo. Ako ang masusunod dito!" napansin ko na namumula na ito sa galit.
"Julio, calm down..." nilapitan ito ni mama at hinagod ang likod. "Pagsabihan mo iyang anak mo Mariana" masama itong tumingin kay mama. Bumaling naman ang tingin ni mama sa akin. "Makinig ka sa papa mo Amaya. Dito ka na mag-aaral. Tutulong ka sa pamamalakad ng negosyo natin"
"But mama, hindi ko kaya na basta na lang iwan sila lolo at lola. Malulungkot sila." Napayuko si mama, iniwas ang tingin sa akin. Mga magulang niya sina Lolo Frank at Lola Thalia. Alam niya ang mararamdaman ng magulang sa oras na malaman ng mga ito ang balak nila ni papa na dito na ako sa probinsya mag-aaral.
"Ako na ang bahalang kumausap sa kanila anak. Dito ka na mag-aaral. Kailangan ng papa mo ang makakatulong sa negosyo natin" malungkot nitong sabi, pero ngumiti din sa akin pagkatapos. "May problema po ba mama? Papa?"
Tumingin ako kay papa. Huminga ito ng malalim "Pasensya ka na anak kung ginulo namin ang buhay mo sa Manila. Nagbawas na kasi ng empleyado ang garments natin" napakunot ang noo ko. "Ano po ang nangyari sa garments papa?" nag-aalala ako.
"Nabawasan tayo ng kliyente. May nag-offer daw ng mas mura, kaya lumipat sila doon" bigla akong naawa kay papa ng sabihin niya iyon. "Hayaan mo anak. Kapag nakabangon uli ang garments, doon ka na ulit sa Manila mag-aaral" sabi ni mama.
"Dapat sinabi niyo agad sa akin. Maiintindihan ko naman." Niyakap ko si mama. "Maliit pa kasi ang mga kapatid mo at isa pa inaasikaso ko rin ang koprahan. Para naman ito sa future niyong magkakapatid. Kaya dapat magtulungan tayo" dugtong ni mama.
"Bukas din ay mag-eenroll ka na sa San Nicolas University. Sasamahan ka ng mama mo" Tumango ako sa sinabi ni papa. Wala na akong magagawa, kailangan nila ako dito. Hindi ko alam na nalulugi na pala ang garments. Kailangan kong tumulong para maisalba ito.
"Pagkagaling niyo sa school dumiretso agad kayo sa garments bukas Mariana ha" bilin ni papa kay mama. "Sige Julio, mas maganda na maagang matutunan ni Amaya ang pagpapatakbo ng garments. Malapit ka ng mag-eighteen anak. Sakto, may katuwang na ang papa mo"
**
I have two little brothers. Si Austin, nine years old and oliver, seven years old. I am seventeen years old, matagal din bago ako masundan. Nagkaproblema noon ang mama at papa. May nanggugulo daw sa pagsasama ng mga ito.
They were forced to send me to Manila when I was three years old. Ayaw nila na pati ako ay madamay sa gulo. Si lolo at lola na ang nagpalaki sa akin. Professor si Lolo Frank sa isang kilalang university sa Manila kung saan ako nag-aral ng elementary at high school.
Tuwing bakasyon o may okasyon ay narito ako sa San Nicolas. Kasama ang lolo at lola. Minsan naman ay ako lang mag-isa ang umuuwi.
Pagkatapos mag-almusal ay nagtungo na kami sa San Nicolas University para magpa-enroll. Dumiretso kami sa building ng commerce kung saan matatagpuan sa ibaba ang office nito. Business Ad ang kinuha ko.
Iyon ang gusto ni papa para daw magamit sa negosyo namin. Wala naman akong tutol kahit pa ang gusto ko ay maging isang guro balang araw tulad ni Lolo Frank.
"Mariana, anak mo?" kausap ni mama ang dean ng commerce. "Yes dean" ngumiti si mama dito. Kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ng desk nito. May estudyanteng lumapit sa amin at inabutan ako ng students form.
"Ma, sasagutan ko lang po muna ito" tumango si mama. Nag excuse ako kay dean. Lumabas ako sa opisina at naghanap ng bakanteng upuan. May long table doon para sa mga estudyanteng sasagot ng form at entrance exam sa katulad kong freshman.
Iniwan ko sila mama at dean dahil gusto ko silang bigyan ng privacy. Mukhang kaibigan ni mama ang dean. At ayoko din na may naririnig ako na nag-uusap habang may sinasagutan. Hindi ako makakapagconcentrate.
May naramdaman akong tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. "Miss, may extra pen ka? Can I borrow?" Hindi ako lumilingon. Malay ko ba baka hindi ako ang kausap. "Miss?" kinalabit niya ako. Huminto ako sa ginagawa at napalingon dito.
Nasalubong ko ang kanyang mga mata. And for the first time in my life, right in front of me, I saw a man with hooded eyes in the shade of light blue. Napakurap ako, totoo ba ang kulay ng mga mata niya? In a split seconds ay napatitig kami sa mata ng isa't isa.
Ako ang unang nagbaba ng tingin "Can't you see? I have only one" "Then I'll wait until you're done" sabi nito. Hindi ako lumilingon sa kanya. "Bumili ka na lang. Marami akong sasagutan at mag-eexam pa ako" sabi ko habang nakatutok sa sinasagutan.
"Freshman ka pa lang?" tanong nito. Napilitan akong itigil ang ginagawa. "Please don't talk to me. Maghanap ka ng kausap, okay" naiinis akong tumayo. Inikot ko ang paningin upang maghanap ng upuan na malilipatan. May nakita akong isang bakante.
Sa tabi nito ay isang lalaking seryoso din sa pagsagot sa form niya. Mabuti pa siguro doon na lang ako. Hahakbang na sana ako ng pigilan ako ng kausap ko. Nakuha agad nito ang kagustuhan kong lumipat ng upuan. "Wait, you can sit here beside me. I won't bother you again"
Umupo ito at hinila din ako sa tabi niya. Hays, arogante ha. Akala ba niya mapapasunod niya ako sa kanya. Pero ayoko ng makipagtalo kaya umupo na lang ako. Itinuloy ko ang ginagawa. "Mitch, can I borrow a pen?" sabi nito sa assigned student na nagbibigay ng students form.
"Sure!" tumayo ito at lumapit sa babae para kunin ang ballpen at bumalik sa tabi ko. Nakaka-distract, matapos pa kaya ako nito? True to his word, hindi na nga niya ako ginulo. Pero sa peripheral vision ko ay napapansin kong maya't maya ay tumitingin siya.
Minsan nga ay tumatagal pa iyon kaya napapalingon ako sa kanya. Nahuhuli ko ito at magsasalubong ang mga mata namin. Pero ako ang mauunang yuyuko at iirapan siya. Then tatawanan niya ako.
Tumayo agad ako ng matapos kong sagutan ang form at exam. "Are you done?" tiningnan ko lang siya at inirapan ulit. Sinundan niya ako ng ibigay ko ang form sa assigned student ng commerce department. "Hi, I'm Atlas..."