Chapter 1 Amaya

1501 Words
Tubong San Nicolas at magkaibigang matalik sina Lolo Frank na ama ni mama at Lolo Marcial na ama naman ni papa. Ipinagkasundo nila ang mga anak, sina mama at papa. Pinagtibay nila ang pagiging magkaibigan sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga anak. Ipinakasal ang mga ito, pagtuntong sa tamang edad. Bilang pagsisimula sa buhay may asawa, ipinamana ni Lolo Marcial kay papa ang Saluego Garments bilang panganay na anak nito. Ibinigay naman ni Lolo Frank kay mama ang koprahan. Sa Manila na namamalagi sina Lolo Frank at Lola Thalia. Nag-iisang anak lang si mama kaya walang nakatira sa bahay ng mga ito dito sa San Nicolas. May pinagkakatiwalaan lang si lolo para sa pagmimintina ng bahay. Professor si lolo sa isang kilalang unibersidad sa Manila. Ang Lolo Marcial at Lola Rita naman ay nanatili na sa Amerika kasama ang kapatid ni papa. "Papa! Mama! Binilisan niya ang paglalakad para salubungin ang mga magulang. Sinundo siya ng mga ito sa airport. Mahigpit niyang niyakap ang mga ito ng makalapit na. "Mama" sabik siyang hinalikan ng ina sa magkabilang pisngi. "Tayo na" sabi ni papa at nauna ng maglakad sa kanila ng mama niya. Kinuha nito ang luggage na hawak niya kanina. Sumunod sila ng mama niya "Kamusta ang biyahe mo anak?" tanong ni mama. Naglalakad kami habang si mama ay nakaakbay sa akin at ako naman ay nakayakap sa kanya. "Maayos naman mama, bukod sa delayed flight ay wala ng ibang problema." Nakangiti lang ang mama habang nakikinig sa akin. Iginiya niya ako sa parking kung saan naroon ang sasakyan namin. Naroon na ang papa, inilagay nito sa likod ng sasakyan ang luggage ko at sumakay na sa driver's seat. Si mama naman ay pumasok na sa front seat matapos akong papasukin sa backseat. Tahimik ang naging biyahe namin. Natutuwa ako na muli na naman akong narito sa probinsya. Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit ako pinauwi ni papa ay nanabik pa din ako na makasama sila. Halos si lolo at lola na ang nagpalaki sa akin. Nakasandal ako sa headrest habang nakatutok ang paningin sa labas ng bintana...hindi talaga ako magsasawa. Ang mga tanawing aking nakikita ay nakaukit na sa aking isipan. Palagi kong pinanabikan ang pag-uwi. Parang may humihila sa mga paa ko pabalik dito. May kakaibang dulot iyon sa aking dibdib. Kaya nga isang tawag lang nila papa ay umuwi agad ako. Gusto ng mga mata ko ang nakikita...ang mga bundok na may mabeberdeng dahon. Mga dahon na nagmumula sa mga puno na nakapaligid dito. At sa sobrang taas ng bundok, naaabot na nito ang mga ulap sa himpapawid. Maraming iba't ibang uri ng ibon ang nagliliparan. Mga hilera ng pananim na palay...mga katubuhan...mga bahay kubo sa kapaligiran at nagtatayugang mga puno sa kagubatan. Ang lahat ng iyan ay nagbibigay ng kapanatagan sa akin. Alam kong wala akong karapatan na sumama ang loob sa mga magulang ko. Kahit hindi nila ako kasama at tanging sila lolo at lola ang nagpalaki sa akin...ay sila pa rin ang magulang ko. Masaya pa rin ako dahil may matatawag akong pamilya ko... Bumusina ang papa ng nasa tapat na kami ng gate. Binuksan iyon ng aming kasambahay. Huminto ang sasakyan sa tapat ng main door ng aming katamtamang laki na bahay. May isa pang kasambahay na kumuha ng luggage ko sa likod ng sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako ng dalawa kong kapatid. "Ate!" nag-uunahan ang mga ito sa paglapit sa akin. Lumuhod ako at ibinuka ang aking mga braso upang salubungin ng yakap ang dalawa. "Ate, dito ka na ba titira sa bahay?" tanong ni Austin. Kahit hindi ako sigurado ay tumango na lang ako. "Talaga ate? Hindi ka na aalis?" Tumango na lang ulit ako. "Yehey! Hindi na aalis ang ate." Nagtatalon sa tuwa ang dalawa. Lumapit ang mama sa amin "Amaya, mag-uusap tayo mamaya sa study ng papa mo" "Opo mama" "Magpahinga ka na muna. Austin, Oliver, huwag niyo muna gagambalain ang Ate Amaya niyo, pagod pa siya sa biyahe" Tumango ang dalawang bata at tumakbo sa labas ng bahay. Umakyat ako sa aking kwarto, nakita kong naroon na ang luggage ko. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng kama. Inalis ang mga laman at inilagay sa closet. Konti lang ang dala kong damit dahil marami akong damit dito sa bahay. Gayon din sa bahay nila lolo sa Manila, marami rin akong damit doon kaya hindi hassle magbiyahe dahil konti lang ang dala ko. Nang matapos ako sa ginagawa ay nagpalit ako ng damit at inilapat ang likod sa malambot na kama. Mabilis akong nahulog sa malalim na pagkakatulog. Tok! Tok! Tok! Nagising ako sa medyo malakas na katok na iyon sa aking pinto. Madilim sa aking kwarto. Tumayo ako at binuksan ang lampshade, bago tinungo ang pinto. "Senyorita, pinapatawag po kayo ng papa mo sa study" "Sige, susunod na ako" tumalikod ito sa akin "Sandali!" tawag ko dito. Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa akin. "Huwag mo na akong tawaging senyorita. Amaya na lang" "Baka po pagalitan ako ni Sir Julio senyorita" napaisip ako "Okay, kapag nandyan lang si papa. Pero kapag wala, Amaya lang ha" nilapitan ko ito at tinapik sa balikat. "Opo, Amaya?" Natawa ako "Yes, Amaya" ** Napag-usapan namin sa study ni papa na mananatili ako dito sa San Nicolas hangga't hindi naaayos ang problema sa garments namin. Dito na rin ako pansamantalang mag-aaral. Tutulong ako kay papa sa garments. Naaawa ako ng mapagmasdan ko ang mukha nito. Parang nadagdagan ang edad nito dahil sa problema. No matter what it takes, gagawin ko ang lahat. Gagawin ko para maisalba ang negosyo namin. Para sa pamilya, sa future naming magkakapatid. I am coming of age, pwede na akong magtrabaho. Next year eighteen na ako. Pwede na akong mag-umpisa as a trainee. Hindi naman siguro labag sa batas iyon. ** Kinabukasan naman ay sinamahan ako ni mama mag-enroll sa San Nicolas University. Nagtungo kami sa commerce department para magfill-in ng student's form para sa mga enrollees. Kukuha din ako ng entrance exam dahil freshman pa lang ako. Kakilala ni mama ang dean kaya hinayaan ko lang muna sila na mag-usap. Lumabas ako ng office ng dean at doon sinagutan ang form at exam. May tumabi na lalaki sa akin and guess what? Wala siyang dalang ballpen. Pwede ba iyon? Naiinis ako, pero ang gwapo niya sobra. Kakaiba ang kulay ng mga mata niya, kulay light blue. Ano kaya ang lahi niya? Pinigilan ko ang sarili na mapatulala dito. Kailangan kong tapusin ang ginagawa, pupunta pa kami ng garments ni mama. "Aba'y ang gandang bata, isali mo siya sa 'Miss University' ha" natawa si mama. "Depende sa kanya dean, pero baka hindi pumayag si Julio. Alam mo naman iyon, ayaw ng atensyon" "Ganoon ba? Sayang naman. Malakas pa naman ang kutob ko na mananalo ang departamento na ito kapag isinali natin ang anak mo. Mana sa iyo" Napansin ako ni mama na palapit. Umupo ulit ako sa harap ng desk ni dean. "Amaya, narito ka na pala. Natapos mo na?" "Opo mama" "Anak, siya nga pala, I want you to meet Dean Margaret San Carlos, Dean of Commerce Department and a friend of mine." pakilala ni mama dito. Hindi nga pala niya ito naipakilala kanina dahil inuna ko sagutan ang form. "Glad to meet you po Miss Margaret" tumango ito at ngumiti sa akin. "Hello dear, glad to meet you too" nag-shakehands kaming dalawa ni dean. "Mariana, ibig sabihin laking Manila itong anak mo?" "Yup! Doon siya nag-aaral, professor kasi ang papa doon sa Manila" "Talaga?" "Yes, kaya lang naman dito siya mag-aaral kasi tuturuan na siya ng papa niya sa business namin" "Excuse me po Miss Margaret, can I ask some questions about this form?" itinaas nito ang hawak na form. "Huh Atlas?" Tumingin ito sa bagong pasok na lalaki ng may pagtataka sa mukha. "Okay later, pagkatapos nila" Napatingin ako dito, hindi pa niya tapos sagutan ang form? "Hi, I'm Atlas" Nagpakilala itong muli pero inirapan ko lang. Itinaas pa nito ang kamay sa akin pero hindi ko inabot. "Hello, ang cute mo" si mama na ang nag-abot ng kamay nito. "Ikaw talaga Atlas, kung saan may maganda naroon ka" natawa si mama at dean dito. Pero ako nanatiling seryoso lang. "I'm Mariana and this is my daughter, Amaya" hindi ko nga siya pinansin kanina, maswerte siya narito si mama. "Please be polite anak" napilitan akong sumunod kay mama. "Okay, I'm sorry" itinaas ko ang kamay at inabot naman niya agad. "No problem" sabi nito at hindi binibitiwan ang kamay ko. Tumikhim si dean kaya hinila ko ang kamay ko mula rito. "Anyway, bumalik na lang kayo sa Friday Mariana for the result of her exam and schedule of classes" "Sige, salamat aalis na kami" paalam ni mama dito. "Thank you po" inalalayan pa ako ng lalaking ito ng tumayo ako. "Thanks" tumingala ako sa kanya at saglit kaming nagkatitigan. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kulay ng mga mata niya. "Welcome, just don't forget my name okay. It's Atlas"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD