Chapter 3 Canteen

1514 Words
Amaya's POV Mabuti at natakasan ko rin ang lalaking iyon. Atlas? Hindi ko siya type, sobrang gwapo niya. Matangkad na halos hanggang kili-kili lang ako. A big no.no. "Anak, punta muna tayo sa canteen. Masarap ang mga dessert doon" "Ma, di ba sabi ni papa dumiretso tayo sa garments?" "Ako na ang bahala sa papa mo" dali-dali akong hinila ni mama sa canteen. Mahaba ang pila "Maghanap ka na lang ng mauupuan. Ako na ang pipila" tumango ako. Umupo ako sa lamesa na malapit lang sa counter. "Heto anak, classic chocolate moist cake. Tikman mo, masarap iyan" tumango ako. Nilapag ni mama ang slice ng cake sa harap ko. Kinuha ko ang plastic spoon at tinikman iyon. "Hmm ang sarap nga ma" "Di ba? Sabi sa iyo, masarap ang dessert dito. Madalas kaming kumain ng mga kaibigan ko dito noon" Bigla akong nalungkot ng maalala ang mga kaibigan. Napansin iyon ni mama. "Hayaan mo anak, pasasaan ba at magkakaroon ka rin ng mga kaibigan dito. Smile na, maaga kang magkaka- wrinkles niyan" napangiti na lang ako. Natawa pa ito dahil may nakitang cake sa pagitan ng mga ngipin ko. Natawa na lang din ako. "Dapat mama kumuha ka din ng toothpick" "Oo nga anak. Nakalimutan ko. Uminom ka na lang ng mineral water, here" binuksan ni mama ang bottled water. Pagkababa ko sa iniinom ay nahagip ng paningin ko ang lalaki sa may pinto ng canteen... Atlas? Sinasabi ko na nga ba, girlfriend niya siguro ang kasama niya. Nakita ko pa ng hawakan ng babae ang braso niya at ng alisin niya iyon. Weird. Kung girlfriend niya iyon, hahayaan niya lang dapat. Pero inalis niya ang pagkakahawak nito ng mapansin na nakatingin ako sa kanila. May sinabi ito kay Atlas at pagkatapos ay lumakad na. Lumapit ito sa isang lamesa doon kung saan may binati ito. Malamang kaklase. But I don't mind. It's not my business anymore. Lumapit sa amin si Atlas. Ano ba naman iyan? Akala ko natakasan ko na ang lalaking ito. Nakipagkwentuhan ito kay mama at sinabing baseball player siya. "Naku, kung kapanahunan ko lang hijo, ganitong may lalapit sa akin na isang player sigurado hinimatay na ako sa kilig" "Ma!" saway ko dito. Ngumiti ito kay Atlas. Napangiti din ito kay mama at inilipat ang tingin sa akin. Deadma na lang ako kunwari at iniwas ang tingin. Kunwari hindi ko siya nakikita. "Ah, tita, taga- San Nicolas din po ba kayo?" he tried to prolong and do the talking. Maybe he is fishing out some info about me. So why not my mother? After all I keep on ignoring him. Sinabihan pa siya ni mama na tita na lang huwag ng ma'm ang itawag dito. "Yes, umupo ka nga muna. Sumasakit ang leeg ko kakatingala sa iyo" natatawang sabi ni mama. Ito talagang si mama porke't baseball player ay inalok ng maupo sa table namin. "Oh, I'm sorry" hinging paumanhin nito at agad na kumuha ng upuan sa kabilang table na bakante at umupo sa gitna namin. He was almost 5'11 in height. "That's why you're not looking at me Amaya? Natatakot ka ba na magkaroon ng stiff neck?" seryoso ba ito? "Asa" bulong ko. "What?" Inirapan ko nga at hindi na sinagot pa. "Amaya? What will I do to get your attention?" ang tono nito ay pinaghalong pagmamakaawa at pagkalito. Biglang tumawa si mama. Imbes na sasagutin ko siya at pareho kaming bumaling dito. Huminto naman ito at tumikhim "Ahm, taga- San Nicolas kami hijo, sa Royal subdivision" "Whoa, really?" "Yes, pero itong anak ko lumaki sa Manila. Tuwing bakasyon lang siya narito sa probinsya. Ayaw nga niyan mag-aral dito, pinilit lang ng papa niya" then he looked at me. "You are so beautiful..." bulong niya. Bahagya lang iyon na umabot sa pandinig ko. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni mama, kaya tumingin ito sa akin sa nanunuksong mga mata. "Tita, pwede ko ba'ng ligawan ang anak niyo?" tumawa ng malakas si mama. Marami tuloy ang napalingon sa amin. "Ooops, sorry for that. Hijo, bata pa ang anak ko. Saka hindi papayag ang papa niyan" lumungkot ang mukha niya. "But don't lose hope. Si Amaya ang tanungin mo..." Hindi ako makapaniwalang sinabi ni mama iyon. Binibigyan ba niya ng chance ang lalaking ito? No way! "Atlas? Nagugutom na ako" napatingin kaming tatlo sa bagong dating. "Oh, I'm sorry Max" nakasimangot na ito sa amin at tumalikod ng makitang tumayo na si Atlas. "Can you wait for me tita? Bibilhan ko lang siya ng pagkain niya. Hindi daw siya nag-breakfast kanina" "Girlfriend mo?" tanong ni mama. "Ah, hindi. Just a friend" tumango si mama kaya umalis na siya. "Ma, what are you doing?" mahinang sabi ko "Hayaan mo na, gusto ko lang naman subukan kung ano ang feeling ng isang ina na nililigawan ang anak ng isang baseball player" "Ma!" natutuwa talaga ito. Okay, I give up. Kung manliligaw nga ito, siguro hindi naman magtatagal iyan. Marami din ang nanligaw sa akin noon sa school, ang iba nga pumupunta pa sa bahay. May dalang roses and chocolates, pero wala akong sinagot. I was only fourteen that time. Pangako ko sa sarili na wala akong sasagutin not until I'm eighteen. Hindi naman ako lumaki kanila mama at papa kaya hindi ko alam ang saloobin nila ukol dito. Pero si mama mukhang okay lang na magboyfriend ako. Si papa kaya? Pero ang gusto niya ay magconcentrate ako sa garments, lalo pa at humihina ang kita nito. "Look anak, sumingit na talaga siya. Nagmamadali na makabalik dito" sabi ni mama habang nakatanaw kay Atlas. "Ma, alis na tayo. Baka naghihintay na ang papa" "No, we should wait. Don't be rude Amaya. Mukhang hindi naman siya masamang tao." napabuntong-hininga na lang ako. Sinundan namin siya ng tingin. Nagmamadali nitong inabot ang binili sa babae. Mukhang pinipigilan pa siya nito, pero iniwan pa rin at nagtungo sa mesa namin. "Hijo, mabuti pa siguro samahan mo na lang muna ang friend mo. Aalis na rin naman kami" malambing na sabi ni mama dito. Tumingin siya sa akin. "Tita, baka po pwedeng iwan niyo muna si Amaya?" natawa na naman si mama dito. "Of course not hijo, may pupuntahan pa kami after this. Pasensya na" nawala ang sigla sa mga mata niya. "Don't be sad, marami pang time para makilala niyo ang isa't isa ng anak ko" tumango ito at pilit na ngumiti. "Hatid ko na po kayo" tumayo na kami ni mama at sumabay siya sa amin palabas ng canteen. Hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto kami sa paglalakad "Don't forgot my name okay?" hindi ko ito pinansin. Nauna na si mama sa paglalakad. "Amaya...please?" Strange...kanina ko pa napapansin na parang iba ang dating ng pangalan ko kapag siya ang bumabanggit. Ipiniksi ko ang pagkakahawak niya at umirap sa kanya. Natawa ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa parking. Lumingon sa amin si mama. Sumaludo siya dito, tumango naman ito at pumasok na sa loob ng sasakyan. "Sa akin ka na lang sumakay. Ihahatid kita sa pupuntahan niyo" "Look, wala kang obligasyon sa akin kaya tigilan mo na ako" iniwan ko ito at itinuloy ang paglalakad. "Hey wait" nahawakan nito ang kamay ko. "I am not a bad person" "Let.me.go" may gigil na sabi ko dito. Binitiwan naman niya ako. "I'm sorry" sabi nito at lumayo sa akin. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa kotse. Masyado siyang arogante. Kung makahawak sa akin akala mo magkakilala kami. Naiinis ako sa kanya. Akala ba niya porke gwapo siya ay bibigay na ako. Manigas siya! Masama ang loob ko ng makapasok sa loob ng sasakyan. Pabagsak kong isinara ang pinto. "Anak, hayaan mo na lang siya na ligawan ka. Mukha naman siyang mabait" "Ma, ayoko po mag-entertain. Mas gusto ko pong magconcentrate sa pag-aaral" "Sige, ikaw ang bahala. Baseball player and a very handsome man. Sayang" kinokonsensya pa yata ako. "Manong sa garments po" sabi ni mama. "Yes ma'm" lumingon si mama sa likod namin. "Tingnan mo anak, nakatayo lang siya. Hindi umaalis, para sa akin for keeps na ang mga ganyan" napailing na lang ako sa sinabi ni mama. "Ma, hindi pa tayo sigurado. Saka ngayon lang natin siya nakilala" "Hmm ibig sabihin may chance siya?" "Hays I love you ma" natawa ito sa akin. "Nararamdaman ko anak na kukulitin ka niya sa pasukan" "Ma, huwag kang assuming" napatawa na naman ito, laugh trip. "Why not anak? Nakita mo naman kanina halos bilhin ka na sa akin" "Hayaan niyo na siya ma. Let's forget about him. Unahin po muna natin ang problema sa garments at kung paano po ako makakatulong kay papa" "About that tutulong din ako. Makakaya natin ito anak, basta sama-sama tayo. Naaawa na rin ako sa papa mo. Nag-iba na siya simula noong nabawasan tayo ng mga kliyente" "Dapat siguro ma, maghanap na lang tayo ng mga kapalit ng mga umalis na iyon" "Marami sila, almost forty percent. Kaya napilitang magbawas ng tauhan ang papa mo" "Kung ganoon, ano po kaya ang solusyon ma?" "Hindi ko pa rin alam. For the meantime, sumunod muna tayo sa kagustuhan ng papa mo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD