Araya "J-James! sandali!" Binawi ko ang mga kamay ko pero hindi ito natitinag bagkus ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak at hinila ako palabas. Nagpatianod na lang ako sa paghila niya. Syempre ang daming taong nadadaanan namin at baka isipin pa nila ay love quarrel kami nitong lalaking kasama ko. Narating namin ang sasakyan niya na hawak-hawak pa rin ang kabilang kamay ko. Saan kaya ako dadalhin ng gago na 'to? Binuksan niya ang kabilang side at inalalayan akong umupo bago kinabit ang seatbelt. Hindi na ako nagsalita or nagtanong sa kanya. Sinusundan ko na lang ng tingin ang bawat kilos niya. Hanggang sa nakapwesto na siya sa driving seat at pinaandar ang sasakyan. Hindi ako nakatiis at lumingon sa kanya. " James, saan tayo pupunta?" May kaba sa dibdib ko dahil sa siryo

