Chapter 01

1808 Words

Mayann Pagkagising ko kinabukasan ay kaagad akong pinatawag ni Daddy sa kaniyang library. Hindi ito pumasok sa trabaho at mukhang balak niya talaga akong parusahan. Seryoso ang mukha niya habang nakaupo sa swivel chair niya. Ang salamin ay nakababa sa tungki ng kaniyang matangos na ilong. Kinindatan ako ni mommy. Nginuso niya si Daddy sa akin. Napalunok ako. Dahan-dahan akong umupo sa sofa katapat ng working table ni Dad. "Dad. . ." Kinakabahan kong tawag sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Seryoso niya akong pinagmasdan. "Impakihin mo ang mga gamit mong importante. Ipapadala kita sa Tagaytay para tumulong sa farm ng Uncle Paul mo. Wala ka naman ginagawa dito at hindi ko papayagan na pumasok ka sa modeling." Nag-init ang dulo ng mga mata ko. Wala na talaga akong pag-asa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD