Mayann Nakakabingi ang bawat sigaw ng mga tao kasabay ng malakas na musika dito sa loob ng bar. Wala akong marinig maliban sa tili ng mga kaibigan ko habang ginagalingan nila ang bawat pag-indak sa pagsasayaw. Badtrip ang araw ko ngayon dahil napagalitan ako ni dad. Pumirma ako ng kontrata sa agency modeling na lingid sa kanilang kaalaman. My father will not agree for that. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging model. Pero dahil totol palagi ang dad ko ay walang nangyayari. Sinubukan kong bumukod pero napabalik na rin ako sa bahay nang sila mismo ni mom ang mag-empake at lumipat sa akin. The f*ck! Ang hirap maging only child. Bakit kasi hindi nila ako binigyan ng kapatid nang sa ganoon ay may paglalaanan sila ng oras. "Mayann, come on girl!" Itinaas sa akin ni Chandre ang haw

