Araya
Napabalikwas ako ng bangon sabay tingin sa orasan na nakapatong sa night stand sa may gilid ng kama ko.
"Ufff!"
It's's 7:20 in the morning.
When I became a sleepy head? Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. I'm not sure kung maayos na 'yon.
Lumabas ako ng kuwarto ko. Naabutan ko si James sa sala. Bihis na bihis na ito ng pang office suit niya. He's wearing a black shiny tuxedo. Bakit napaka-perfect niya? Kahit na pangkaraniwan lang 'yon sa mga lalaki ngunit sa paningin ko ay iba na ang dating.
Nilingon niya ako. Bahagya pang nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay. Nang tuluyan na akong makalapit ay nag-iba ang aura niya.
"Good morning, my wife." Sa tuwing naririnig ko ang pagtawag niya sa akin ng 'wife' ay kinikilabutan ako. But in my traitor mind I feel victory.
Naalala ko bigla ang nangyari kagabi kaya nahihiya akong tumingin sa kaniya ng deretso.
"G-good morning," nahihiya kong sagot. Pinamulahan ako ng mukha.
"I'm leaving. I have an important meeting today." Seryoso niyang salita pero may kasamang paninitig sa akin. As if like his scanning my whole body.
"Paano a-ako k-kakain?" I ask shyly. I bit my lower lip.
"There's a lot of stocks in the fridge, my wife. Free yourself." Sabay kuha sa brown envelope niya sa ibabaw ng mesa. Balak na yata niyang umalis.
Patalikod na siya para pihitin ang seradora ng pinto nang maglakas loob akong magsalita.
"Jame, sandali lang...kasi--" Nahihiya kong pigil sa kaniya. Hindi ko halos masabi ang pakay.
Kunot-noo siyang lumingon sa akin.
"Kasi...What?"
"Hindi ako marunong magluto," I bluntly said. Sa wakas na-voice out ko na rin ang weakness ko. I think I can do everything 'wag mo lang akong paglutuin.
Back in America naka-survive ako dahil kay Jane. Siya madalas ang nagluluto para sa amin. Kulang na lang ay subuan niya ako. Hindi naman kasi puwede na palagi na lang akong kakain sa labas.
Nahihiya kong binaba ang tingin sa mga paa ko. Para akong bata na nahuling nagnanakaw ng chocolates. At ngayon ko pa lang napansin na wala rin akong suot na pambahay na tsinelas.
Tumikhim siya. Dahilan rin nang kinaangat ng tingin ko sa kaniya. Nagbago ang seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung pinagtatawanan ba ako dahil sa hindi ako marunong magluto o dahil sa ayos ko ngayon na hindi pa ako nakakapaghilamos ng mukha.
Binaba niya ang envelope na hawak at hinubad ang black coat niya. Tiniklop niya ang white longsleeve niya hanggang siko.
Sinusundan ko na lang ng tingin ang bawat kilos niya. He get his phone on his pocket and he scroll the screen. I think his calling someone.
"Tell them that I'll be late in hour." Narinig ko na lang na sanabi sa kabilang linya.
Dumertso siya sa kusina at nagsimulang gumalaw ang mga kamay. Sa tingin ko ay magluluto siya. Nakamasid lang ako sa kaniya habang hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at huling-huli niya ang paninitig ko sa kaniya. Damn! Nag-init ang pisngi ko.
"What do you want for breakfast? " tanong niya sa akin.
"Anything," nahihiya kong sagot.
"You can go shower now. I will prepared your food." Hindi na ito nakatingin sa akin naka-focus na ito sa kan'yang ginagawa.
Pumasok ako ng mabilisan sa kuwarto ko at madalian akong naligo at nagbihis. I don't want him to wait long dahil alam kong may trabaho pang naghihintay sa kaniya.
Paglabas ko ng kuwarto ay agad na nanoot sa ilong ko ang masarap na amoy ng pagkaing inihanda niya. There's a fried egg with sausage and sandwich. Pero bakit isang hain lang? Hindi ba siya nag-aalmusal sa umaga?
Tahimik akong lumapit sa mesa at umupo.
"You want coffee?" tanong niya sa akin. Tinititigan niya ang suot ko.
I was wearing a dress above my knees kaya litaw na litaw sa kaniyang paningin ang mapuputi kong mga hita.
Pati balikat ko ay nakalanlad na rin dahil off shoulder ang suot ko. Bigla akong nanliit dahil alam kong ayaw niya sa suot ko. Fashion designer ako. Gusto ko rin ng mga exposed na damit. And if he is seduced ..then that his problem!
"Yes please," deretso kong sagot. Wala akong pakialam sa paninitig niya sa akin.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Kumuha siya ng tasa at ini-start ang coffee machine. Anyway kompleto ang kusina niya lahat andoon kahit na maliit lang ito. Napansin ko rin na napaka-tidy. Para bang walang nagluluto doon dahil puro bago ang gamit.
Iginala ko pa ang paningin ko habang hinihintay ang kapeng ginagawa niya para sa akin.
"Here." Nilapag niya iyon sa tapat ng plato ko.
"Thanks,"
Umangat ako nang tingin sa kanya. Pero nagulat ako dahil titig na titig siya ulit sa akin na para bang kakainin ako. Hindi naman galit basta lang matalim ang mga tingin sa akin.
"What? Something wrong on my face?" I ask as I pointed my finger on my face.
He didn't voice a word. Instead, he licked his lower lip. Napatitig ako doon na para bang nakakaakit.
Suddenly I remember what happened last night. Biglang namula ang dalawang pisngi ko. I didn't move. Umiwas ako ng tingin.
Bigla niyang hinawakan ang magkaiba kong pisngi at siniil ako ng halik sa labi. Napakapit ako sa isa niyang braso dahil sa pagkagulat.
Malalim ang paraan ng paghalik niya. Mas diniin pa niya ang labi niya sa akin. Napaungol ako ng wala sa oras. We both panting and gasping for an air when he finally freed my lips.
"Don't wear that dress anymore. I can't stop myself. " He whispered and sighed.
Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang ibabang labi. Binaling ko ang tingin sa pagkain ko. Napainit niya ang mukha ko dahil sa ginawa niya.
"Anyway I have to go now. 'Wag kang lalabas ng bahay ng hindi ko nalalaman. Magpapadeliver na lang ako ng food dito para sa lunch mo." Bilin niya sa akin.
Tanging tango lang ang nasasagot ko sa kaniya.
"I'll be home before dinner. Don't touch anything from kitchen that might harm you." Pagpapaalala niya sa akin. Nakikinig na lang ako dahil hindi ko alam kung paano tumingin sa kanya ng deretso.
Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan na siyang umalis para pumasok sa trabaho.
Napahawak ako sa labi ko. s**t! Iba ang pakiramdam ko. Bakit hindi ko man lang magawa ang mandiri sa kanya?
Niligpit ko ang pinagkainan ko ng matapos akong kumain. Hindi ko pa ito ikapapahamak. Lumipat ako sa sala at pinaikot ang tingin.
I didn't got a chance to examine his living room when we come yesterday. Napaka-simple ng sala niya pero elegante. Kulay grey ang sofa gano'n din ang table at carpet.
I notice a painting on the wall. It was simple but have a random words on it. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Hindi ako sigurado kung anong ibig sabihin noon. Ganito pala ang fashion niya? Walang kabuhay buhay pero napaka-elegante naman.
Balak ko na sanang pumasok sa kwarto nang masilayan ng mga mata ko ang kabilang pintuan. Dahan-dahan akong lumapit doon at pinihit ang siradora.
It's was open kaya niluwangan ko pa 'yon. Bumungad sa akin ang loob nito. Malawak ang loob may mga book sa bawat wall at may table naman sa gilid na sa tangin ko ay working table niya. May malaking sofa din sa kabila at glass table sa tapat.
Napansin ko ang nakatuping kumot sa may sofa. He sleep there last night. Binaling ko ang tingin sa isa pang maliit na pintuan. Pumasok ako doon pero nagulat ako. Ito ang closet niya. Means dito nakalagay ang mga damit niya habang sa kabila naman ang kwarto niya kung saan ako natulog kagabi. Ang gulo ng condo niya.
May malawak rin na banyo. Napapailing ako. Ano bang pakialam ko? Hindi ko naman 'to bahay.
When I done examining the room, I walk out and went back to my room.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil nagkulong ako maghapon sa kuwarto ko. Lumabas lang ako kanina nang dumating ang delivery kong pagkain sa tanghalian.
Narinig kong bumukas ang pinto sa labas. Kinakabahan akong napatayo. He is home. Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama. Dumaan ako ng mabilisan sa tapat ng salamin at sinuri ang sarili. Hindi na ako nag-abalang magsuklay ng buhok, ginamit ko na lang ang mga daliri ko para ayusin.
Sinalubong ako ng mapupungay niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Alam kong pagod siya basi sa nakikita ko sa itsura niya.
Nahihiya akong lumapit sa kanya. Hinubad ang coat niya at inilatag sa sofa.
"Are you okay here?" Mahina niyang tanong.
Tumango ako.
"Yeah,"
"Bored?"
"Kind of," sagot ko. Ang dalawa kong kamay ay nilagay ko likod.
"I'm sorry for leaving you." Oh, damn! Ang lambing ng pagkakabigkas niya no'n.
"Okay lang," sagot ko. Tumikhim ako sabay kagat ng labi.
Nilampasan niya ako at dumeretso siya sa kusina. I followed him. Nakikiramdam na lang ako sa mga galaw niya. Kumuha siya ng baso. Binuksan ang ref at kumuha do'n ng malamig na tubig.
Sinalinan niya ang baso. "Do you want some?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.
Umiling ako. "No, thanks!" Umupo ako sa tapat niya.
Pinagmamasdan ko ang paghihiwa niya ng karne. Those captivated eyes na pinakagusto ko ay napagmamasdan ko ngayon. Pinagsawa ko ang sarili sa pasikritong paninitig sa kanya.
Ang mapupula niyang mga labi. At ang mga muscles niya na kahit may suot pa siyang longsleeves ay nakikita mo pa rin ang pag-uyog nito dahil sa bakat na bakat sa suot niya.
Oh no! Pinagpapantasiyahan ko na ba siya? Napailing ako at minura ang sarili sa isip. Napapatingin siya sa akin minsan. Pero kapag tumatagal umiiwas na ako. Tipid ko siyang nginingitin sabay iwas kaagad.
We enjoyed our dinner made with my caring husband.