Araya
Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pinikit ko ang mga mata pero sumasakit na lang ang ulo ko sa puwersang ginagamit ko para lang makatulog.
Pagkatapos niyang magligpit sa kusina kanina ay pumasok na siya sa kabilang kuwarto. Hindi man lang ako kinausap. Gusto ko sanang magkwentuhan pa kami para naman maliban ang sarili ko.
Ang weird ng lalaking 'yon. Tila walang pakiramdam. Itinaas ko ang mga paa at tahimik 'yon na pinagmamasdan. Napakaboring ng buhay ko rito.
Dala nang pagkainip kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa ko sa sarili.
Tapos na akong maglinis sa katawan pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kung sabagay maaga pa naman.
Natauhan lang ako sa pagmumuni-muni nang mag-ring ang phone ko.
Mommy is calling...
"Hi Mommy, I miss you and Daddy." Malambing kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Iha, you're a married woman." Panunukso ng mommy ko sa akin sa kabilang linya.
I glared. Naisip ko pa. It is a sin missing your parents when you're married? Ang OA lang ng Mommy ko.
"Stop missing us a lot from now on. Focus on your future with your husband." Natatawa niyang salita sa kabilang linya.
Yes, I am a married woman now. I marry him for my plan not intended to love him. Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam ko na plano lang pala ito kaya ako nagpakasal?
Ang hirap mong intindihin sarili.
"I know, Mommy. Alam na alam ko po iyon."
Tumawa siya ng mahina sa kabilang linya. Kung kaharap ko pa siya ay baka inirapan ko na siya.
"How are you and James? Inaalagaan ba niya ng maayos ang anak ko?"
"Yeah, alam mo naman na bukod sa pag de-design ay wala na akong alam sa buhay."
My Mom laughed. Expected ko na 'yon sa kanya dahil alam na din niya na ayaw na ayaw kong gumawa ng gawaing bahay.
"Iha, you should learn something from house work. Like cooking. That would be better to pleased your husband. Sumama ka sa akin minsan. I'll enrolled you in culinary."
Uminit ang mukha ko sa sinabi ng Mommy ko. Balak yata akong gawing ulirang asawa.
Tumawa siya ng mahina nang hindi ako nagsalita.
"Okay, iha. I going to sleep now. Tulog na din ang Daddy mo. Visit us sometimes with your husband. Good night, sweetheart." Sabay halik pa sa phone.
"Goodnight, Mommy."
Pagkababa ko ng tawag ay tumayo ako at naglakad sa harap ng pintuan. Iniisip ko ngayon kong pupuntahan ko ba siya sa kabilang kwarto para sabihin ko sa kanya ang plano kong pagbisita sa mga magulang ko.
Pakiramdam ko ay nakakahiyang kumatok sa kwarto niya. Nakakapag-alangan naman itong gagawin ko. Napailing ako sabay kagat ng ibabang labi.
"Think carefully, Araya. Please think." Bulong ko sa sarili. I gritted my teeth and sighed.
Nagulat ako at natauhan mula sa frustration nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si James. He's wearing his grey pajama. Sandali akong napatitig sa kaniya. Biglang nanoot sa ilong ko ang mabago niyang amoy. What a good scent! Parang ang harut ko. Amoy pa lang 'yan.
"What are you doing at the front door?" Gulat rin niyang tanong sa akin. Pinagsalubong niya ang mga kilay at sinuri ang buong mukha ko.
"Ahm...I'm about to go out." Bigla akong nakabawi mula sa pagkatulala.
"Why?"
Damn! James. Damn! Bakit mo ako ini-interrogate ngayon? Mas kinakabahan ako sa pagtatanong mo.
"A-ahm...gusto kong kumuha ng tubig." Nauutal kong paliwanag.
Ayon sapat na sigurong palusot. Nagsalubong lalo ang mga kilay niya.
"Really? Pero bakit ang lalim nang iniisip mo kaninang pagbukas ko ng pinto?" Deretso niyang tanong habang nakatitig sa akin na para bang sinusuri ako.
"Nonsense!" mataray kong sabi. Ang hirap paliwanagan ng lalaking ito. Nilampasan ko siya para lumabas na sa kusina.
Namumula ang mukha ko habang nagsasalin ng tubig sa baso kasabay ng panginginig ng mga kamay ko. Kumuntik na 'yon huh! Muntik na talaga Araya? kalma lang, kalma! Napa-inhale-exhale ako habang umiinom ng tubig.
Binaba ko ang baso sa sink. Hinawakan ko ang pisngi ko. Ang init pa ng mukha ko.
After I drink water, I went back to my room. I cursed silently when I found James laying on my bed. Nakadapa pa ito. Sinuri kong muli ang malapad niyang balikat. Ano 'to? his going to sleep next to me? We will be sharing at the same bed? Hindi puwede 'to! Lumapit ako sa kama. Nang maramdaman niya ako ay umangat siya ng tingin sa akin.
"What are you doing?" I huskly asked.
"I will sleep next to you," kalmado niyang sagot. Napakakalmado pa ng boses niya habang ako ay nagwawalang tigre na.
"H*ll, no! Ayaw kong may katabi. Bumangon ka nga diyan at lumabas." Paasik kong sabi sa kanya.
"Is there a problem sharing bed with my wife? I think, there's not." Hindi pa rin siya nagbabago ng posisyon kung kaya't mas lumapit pa ako sa kanya.
Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Don't make me lost my patience. Matalim ko siyang tiningnan. Please James magpakumbaba kana this time. Kahit ngayon lang.
"I said, out!" Sabay turo ko sa pinto.
Bigla siyang bumangon mula sa pagkakadapa. Ang buong akala ko na ay lalabas siya ng kuwarto. Pero mali ako. Umayos siya ng upo at pinagkatitigan ako. I stared back at him. Hindi ako nagpatalo ng paninitig niya sa akin.
He rubbed his face with his palm. Hinilot pa niya ang sentido bago nagsalita.
"Look, young lady. Oh not anymore. My wife. I'm not comfortable sleeping on the sofa. I been sore last night. Would you please let me sleep here for one night, we will moved tomorrow in our new house."
Kumunot ang noo ko. Napaisip ako. New house? Ibig ba niyang sabihin ay lilipat kami at pansamantala lang pala ang paninirahan namin dito sa condo niya.
"New house?" mahina kong tanong.
He shook his head. "Yes, in our big house. So, you will be comfortable whatever you want to do."
So ngayon naintindihan ko na kung bakit hindi organise ang apartment niya dahil may balak pala siyang lumipat.
"Puwede na ba ako matulog sa tabi mo?" He sexily asked. "Ngayong gabi lang." dagdag niya.
Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa kabilang side ng kama at nahiga patalikod sa kanya.
Naramdaman kong gumalaw ang kama pero hindi ko 'yon pinansin o nilingon dahil alam kong humiga na rin siya sa tabi ko.
"Silence means...yes?" He whispered in my back.
Anakng****. Bakit kaya hindi na lang siya matulog? Nakakapanindig balahibo ang tinig niya.
"Why are you not answering me?" Ulit niya. f**k! James the more you ask, the more annoy I was.
"Araya-" Malambing niyang tawag sa pangalan ko. Ipinikit ko ang mga mata. Ayaw kong naririnig ang boses niya niya ngayon dahil nag-iinit ang buo kong katawan.
Nagulat ako at muntik pang napabangon nang hawakan niya ang balikat ko. Napalingon ako sa kanya. Agad na nagtama ang mga mata namin. Nagtitigan kami saglit. Pero ako ang unang bumawi ng tingin baka kung saan pa 'yon mauwi.
"Ano ba?!" mataray kong sabi sa kanya.
"Bakit ayaw mo kasi akong kausapin?"
Mas tinitigan pa niya ako. Para tuloy nagsiliparan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. It's tickle through my veins.
"Just sleep." mahina kong sabi sabay talikod sa kanya. Pinikit ko na rin ang mga mata at nagkunwaring tulog na.
"Good night, my wife." He whispered behind me. I didn't answer him. I heard him sighed.
Parang gusto ko siyang lingunin ulit at tingnan ang mukha niya. Sobra na yata ang pagsusungit ko sa kanya. Nagsisisi tuloy ako baka mamaya ay maubusan na siya ng pasinsiya sa akin. Pero bakit ko naman gagawin? bahala na nga siya sa buhay niya. Ano bang pakialam ko sa kaniya.
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa akin na halos hindi na ako makahinga.
I found James hugging me tightly. Nakapatong pa sa aking baywang ang malalaki niyang braso. Ang hita naman niya ay nakadagan na rin sa hita ko.
Halos lubog na ang katawan ko. Ang ulo ay dikit na dikit sa likod ng ulo ko. Nararamdaman ko pa ang bawat pagbuga ng mainit niyang hininga.
Gumalaw ako ng kaunti para makahinga ng maluwang. Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin ng mahigpit upang makawala sa kanya.
Hindi ako nagtagumpay na alisin ang braso niya mula sa baywang ko. Huminga ako nang malalim pero hindi siya gumalaw. Pinakiramdam ko na lang siya sa katawan ko habang hindi pa ako ulit dinadalaw ng antok.
Marami akong tanong sa isip ko. Bakit sa tuwing malapit siya sa akin ay nawawala ako sa sarili? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako apektado sa tuwing iniisip ko na plano ko lang ito? Hindi ko alam ang sagot pero nasasaktan ang puso ko.
Bumuntonghininga ako at wala sa sariling hinaplos ang braso niyang nakayakap sa akin. Mariin akong pumikit para pilitin ang sarili na makatulog ulit.