Araya
Sinuri ko ang paligid habang hindi pa kami nakakapasok sa pinagdalhan niya sa akin na lilipatan naming bahay.
Napakatamik na subdivision. Malayo sa kalsada ang bahay namin dahil sa pinakadulo na kami. Malalaki rin ang bawat bahay na pare-pareho ang desenyo maliban lang sa pintura.
Mate grey ang kulay ng bungalow house namin. May dalawang garage sa front door. Hindi rin kataasan ang bakod sa kalsada pero gawa iyon sa semento.
Bumukas ang main door at iniluwa no'n ang isang may kaedaran na babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ito ni Yaya Olly.
Nakangiti siyang lumapit sa amin.
"Good morning Sir, James." Magalang niyang bati kay James. Binalingan din ako nang tingin.
"Good morning po, Manang." James smiled back at her. Lumingon sa akin si James. "Si Araya Belle. My wife." Pormal niyang pakilala sa akin sa kanyang kasambahay.
"Magandang umaga rin sa'yo Iha. Ikaw pala ang asawa niya?" sabay baling kay James. "Napakaganda mo naman." Puri niya habang hindi nawawala ang gumuguhit na ngiti sa kanyang mga labi.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya lalo na't nakatitig sa akin ang lalaking ito.
"Salamat po. Manang."
I almost glared at James when he keep staring at me.
"O, siya halina kayo sa loob. Nasa kusina lang ako. Maghahanda ako ng tanghalian ninyo."
Nauna ng pumasok sa amin si Manang. Sa tingin ko ay talagang abala siya sa ginagawa. Gusto ko sana tumulong kaso wala naman akong alam sa kusina. Baka maging kumplikado pa kapag sinubukan kong tumulong.
"Let's go inside."
Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay iginala ko ang paningin sa malawak na sala. Ang mamahaling ng mga desinyo na sa tingin ko ay lahat 'yon bago. Pasekreto akong akong namangha.
May fashioned din pala siya pagdating sa home designing. Buong akala ko nga ay puro patay na kulay ang mga gusto niya. Kung hindi grey ay black and white dahil gano'n ang nakita ko sa condo unit niya. Pero ngayon ay makulay na ang mga desinyo. May golden frame sa wall ng sala at mate grey naman ang kulay ng sofa pero may mga ibat-ibang desenyo.
"Do you like our new home?" He asked.
"Not bad," mahina kong sagot. Hindi ko siya nilingon.
"There are 3 bedrooms upstair." Ulit niyang sabi, "One is your room, at ang isa ay puwede mong gawing designing room mo."
Mangha akong napalingon sa kanya.
"Really?" Mangha kong tanong.
I'm amazed of what he just said. Gustong gusto ko pa naman na magkaroon ng sariling kuwarto para sa mga binabalak kong designs.
Ngumiti siya sa akin at tumango. Namula ang pisngi ko. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay siyang nagdadagdag ng kaba sa nararamdaman ko.
Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Naghalikan na nga kami eh at hindi lang iyon. Lumantad pa sa kanya ang dibdib ko sa unang gabi ng kasal namin.
"Thank you."
Hahihiya akong nagpasalamat sa kanya. Kahit minsan man lang Araya ay magpakabait ka ng kaunti.
"Anyting for you. Wife."
He licked his lip while staring at me. He looked straight in my eyes. I couldn't cut it off. Para bang may gayuma ang mga titig niya.
Humakbang pa siya palapit sa akin. Kinabahan ako dahil napakatalim na ng mga titig niya. Para akong natutunaw sa kinatatayuan ko ngayon. Saka pa siya tumigil sa paghakbang nang isang dangkal lang ang pagitan namin.
I almost stop breathing when I smell his fresh breath. Tila nanoot iyon sa buo kong sestima. Mabini niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi. Bigla akong napalunok.
Napapikit ako sa sobrang init ng dalawang palad niyang humahaplos sa magkabila kong pisngi.
Hindi ako gumalaw. Inangat ko ang mukha ko sa kanya. Our eyes met. Tumitig ako pabalik. Tumatama na sa ilong ko ang mabango niyang hininga.
Bumaba ang mukha niya kasabay ng paghalik sa akin ng mabilisan sa labi. Hinaplos niya ang labi ko gamit ang kanyan hintuturo.
He kissed me again. Same speed at first. Nagulat ako dahil nasa kalagitnaan kami ng sala.
"James!" Gulat kong tawag sa kanya sabay linga sa paligid at baka mamaya ay may makakita sa amin.
"Hmm." He grained. Hindi pa rin niya binibitawan ang pisngi ko kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.
He manly chuckled. Siguro ay napansin niya ang pagka-ilang ko.
"Take off your hands?" Utos ko.
"I won't. " Mas ngumisi pa siya sa akin.
"Now!?" asik ko. I glared at him.
Kumunot ang noo niya at nag-iba ang templa ng aura niya. Ang boung akala ko ay bibitawan na ako pero laking gulat ko na lang nang bumaba ulit ang mukha niya at siniil ako ng maalab na halik.
Bumaba ang isang kamay niya sa baywang ko at mas lalo akong inilapit sa kanya. I can feel his hard body bumping on me. He didn't stop kissing me. Tila ako kinakapos ng hininga sa paraan ng paghalik niya.
I kissed him back.
Muli kaming nakulong sa mainit na halikan.
Una akong bumitaw. Tumingkayad ako para silipin ang mukha niya. This time he was staring at me while he's gasping for air.
Inilapit niya ang mukha sa tainga ko at bumulong.
"It's enough for a morning kiss, my wife."
Nakangisi na sa akin pero ang kabilang braso ay hindi pa rin bumibitaw sa aking baywang.
Agad kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Tumawa siya ng mahina.
"Why? Feeling shy. Pag-aralan mo na ngayon, because everytime I had a chance hahalikan at hahalikan pa rin kita." Sabay kindat pa sa akin.
Hindi ako halos makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Ang bold niya naman.
"Iwan ko sa'yo." Inirapan ko siya.
"Get rest. May gathering tayo tonight with our parents," mahina niyang sabi.
Nag-angat ako ng mukha sa kanya. Nakapagplano na pala siya. Mas nauna pa siya sa akin. Balak ko nga sana na sabihin sa kanya ngayon ang pagbisita namin sa mga magulang namin pero naunahan na pala ako. Impressive naman itong asawa ko.
"Naunahan mo pa ako." Bulong ko sa sarili.
Kumunot ang noo niyang humarap sa akin.
"Anong sabi mo?"
Nagkibit balikat ako at tumikhim ng mahina.
"Wala, samahan mo na ako sa kuwarto ko dahil hindi ko alam kung saan banda."
Tumango siya sa akin. "Okay, let's go."
Binitbit niya lahat ang gamit ko paakyat sa taas. Para tuloy akong amo niya. Nakasunod lang siya sa akin at kahit 'yong hand bag ko ay siya na rin ang nagdala.
Namangha ako at napasinghap ng mahina nang makapasok na kami sa loob ng sinasabi niyang kuwarto ko. King size ang bed na may golden bed sheets. That was my favourite color and there is crystal long lampshade next to my bed. Mayroon rin golden vanity mirror sa gilid ng kama. May walk in closet rin. Doon niya tinuloy ang mga maleta ko.
Sinilip ko ang banyo. Nakakamangha. It was so simple but I like the way they design it. I'm satisfied with my room.
"Are you fine with your room?"
Nakapamaywang itong nakatingin sa akin.
"Very satisfied." Wala sa sariling sagot ko.
Ngayon ko pa na realised ang sinabi ko kaya medyo nahiya ako ng kaunti. Nagkibit balikat ako at hilaw na ngumiti sa kanya.
He smiled."Get rest. I'll be in the next door kapag may kailangan ka."
Tumango ako sa kanya at nagpasalamat.
"Thank you."
Tahimik siyang lumabas sa kuwarto ko. Paglapat pa lang ng pinto ay agad akong dumapa sa kama ko. Oh, heaven. Nakahinga ako nang maluwang nang mawala na siya sa paningin ko.