bc

Back at Eighteen

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
time-travel
second chance
powerful
heir/heiress
drama
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Yumei Jones is a 24 years old woman who had a husband— Zihan Jones, a multi-billion aire tycoon man in a business world. They’ve been married for five years but in the past two years after giving birth to their son named Ruan Jones, everything changed.

Yumei fell inlove with someone else and want to file a divorce.

But an unexpected day happened, a 24-year old Yumei suddenly vanished, and was replaced by an 18-year old Yumei.

May pag-asa pa kayang maayos ang relasyong malapit nang mawasak? O tuluyan na ngang matatapos ang isang pamilyang nag-uumpisa pa lamang na mabuo?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
"Zihan!" Tawag ko kay Zihan matapos ang graduation event namin ng Senior Highschool. Finally, graduate na kami at panibagong journey na naman ang tatahakin namin. And I wanna take this opportunity to confessed my feelings with my long time crush- well, hindi nga ako sigurado kung crush pa nga ba 'to. Because I admire him since we were kids, kahit na frienemy kami ay hindi ko inaasahan na mahuhulog pa rin ako sa kanya. When I called Zihan, kasama niya ang mga tropa niya at mukhang pinag-uusapan kung saan sila magka-college. My parents went home, pinauna ko na sila kasi didiretso ako sa house party ng bestfriend ko. Ang parents ni Zihan? Ayon, mas mahalaga ang pera sa kanila kesa sa achievements ng anak nila. Mabuti na lang nga at wala nang pakialam si Zihan. Nang makalapit ako ay kinunutan ako ng noo ni Zihan. Makaano naman 'to, akala niya aawayin ko na siya agad. "Let's talk. I have something to tell you." Casual kong ani sa kanya kahit na nilalamon na ako ng kaba ko. "Ano ba 'yon? Why don't you just tell me here?" He asked. "Eh, ayoko nga, bilis na kasi. Ang daming arte." Pagmamaldita ko bago siya hinatak palayo sa mga kaibigan niya. "Hoy, Yumei! Graduate na tayo. Huwag ka nang maging domestic violence sa tropa namin!" Sigaw ni Sean pero tinaasan ko lang siya ng middle finger ko nang hindi sila nililingon. Nagtungo kami sa park ng school kung saan kami madalas magpataasan ng grades namin. Tahimik kami habang naglalakad. Ramdam ko ang bawat t***k ng puso ko-parang gusto nang kumawala. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa katotohanang ilang sandali na lang ay sasabihin ko na ang matagal ko nang kinikimkim. Pagdating namin sa park, walang masyadong tao. Marami na sigurong umuwi o nagpa-party kasama ng mga kaibigan nila. Ang mga ilaw sa paligid ay malamlam, pero sapat para makita ko ang mukha ni Zihan-kalma, pero nakakunot pa rin ang noo niya. "Ano bang sasabihin mo?" tanong niya habang nakasandal sa poste, nakataas ang isang kilay, gaya ng lagi niyang ginagawa kapag inis o curious siya. Huminga ako nang malalim. "Relax ka nga muna, Zihan. Hindi naman kita kakainin." "Eh kasi naman, parang ang seryoso mo. May utang ba 'ko sa'yo?" Napairap ako pero ngumiti rin. "Wala kang utang. Kung meron man, siguro oras. Kasi matagal mo na 'kong pinag-aaksayahan ng inis." Natawa siya. "Wow, ikaw na. So ano nga 'yon?" Pinilit kong ngumiti, kahit ramdam ko na nanginginig na ang mga kamay ko. Nilagay ko sa likod ng uniform jacket ko para hindi niya mapansin. "Zihan," mahina kong sabi. "Naalala mo ba 'yung grade five tayo, nag-away tayo dahil hindi mo ako pinahiram ng ballpen mo?" "Ha? 'Yun ba 'yung sinabuyan mo ako ng tubig sa canteen?" natawa siya ulit. "Of course, how could I forget? Lahat ng kaklase natin akala magjowa tayo kasi araw-araw tayong nag-aasaran." "Yeah," napangiti ako. "At hindi ko alam kung kailan nagsimulang hindi na lang basta asaran 'yon para sa akin." Tumigil siya sa pagtawa. Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "Anong ibig mong sabihin?" Huminga ako nang malalim. "I mean... I liked you. No- I like you. Since then, I guess." Tahimik. Parang biglang nawala ang hangin sa paligid. Tanging tunog ng mga kuliglig at malayong tawa ng mga estudyanteng nagdaraan ang naririnig ko. Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin, parang nagpa-process ng narinig niya. "Wait, Yumei..." napakamot siya ng ulo. "You're joking, right? Kasi baka prank 'to-" "Hindi 'to prank!" medyo malakas kong sabi. "Zihan, seryoso ako." Natahimik ulit siya. Napayuko ako, pinaglalaruan ang laylayan ng toga ko. "Ang tagal kong tinago 'to kasi... ewan, ang gulo mo kasing tao. Akala ko dati, gusto lang kitang patunayan na mas magaling ako sa'yo. Pero habang tumatagal, every time na ngumiti ka, o kahit asarin mo 'ko, may kung anong kumikiliti sa dibdib ko. Ang corny no?" Natawa ako sa sarili ko kahit gusto ko na talagang maiyak sa kaba. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Zihan..." tawag ko ulit. "Sige, kung ayaw mong maniwala, okay lang. Hindi ko naman inaasahan na gusto mo rin ako. Gusto ko lang sabihin, kasi... gusto kong mag-move on sa college na walang tinatago." Bumuntong-hininga siya. Ilang segundo pa bago siya lumapit sa akin. "Yumei," mahina niyang sabi, halos pabulong. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napatingin ako sa kanya. "Ha?" "Bakit ngayon mo lang sinabi, eh kung alam mo lang-" natigilan siya. Tumawa ng mahina, parang pilit. "Never mind." "Zihan, ano 'yung 'kung alam mo lang'?" tanong ko agad, nagtataka. Umiling siya. "Hindi, wala. Kalimutan mo na lang." "Hoy, 'wag kang ganyan. Sabihin mo." Tumingin siya sa langit, tapos sa akin. "Kung alam mo lang, Yumei... ilang beses din kitang gustong sabihan noon. Pero tuwing mag-aaway tayo, tuwing tinititigan kita habang nagagalit ka, naisip ko-imposibleng magustuhan mo 'ko." Nanlaki ang mga mata ko. "So... you liked me too?" Umiling siya nang may ngiti. "Maybe. I did. Pero bata pa tayo noon. Akala ko lilipas lang." Napangiti ako kahit may kirot sa dibdib. "At lumipas nga ba?" Hindi siya agad sumagot. "Ewan. Siguro." Tumalikod siya sandali, saka humarap ulit. "Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang dami nang nangyari. Magkaibang unibersidad tayo pupunta, magkaibang daan na. Hindi ko alam kung okay pa ba akong maging part ng ganyang confession mo." Nanginig ang labi ko. "So... ayaw mo?" "Hindi naman sa ayaw," aniya, "pero baka hindi na ngayon. Ang timing mo kasi eh, Yumei. Parang sinabihan mo 'kong gusto mo 'ko, tapos aalis ka rin." Tahimik ako. May punto siya. Pero hindi ko rin alam kung kailan ko sasabihin. Lagi naman kaming nagbabangayan noon; walang tamang oras para umamin. "Gano'n talaga siguro," sagot ko sa wakas, pilit na kalmado. "Hindi lahat ng feelings may happy ending. Minsan kailangan mo lang ilabas kasi mabigat na." Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, hindi na siya nagbiro. "You're brave, Yumei. I wish I could've said the same before." Ngumiti ako. "So this is goodbye?" "Hindi naman," sagot niya. "Maybe just a pause. Malay natin, sa college, magkita ulit tayo." Napatawa ako kahit nangingilid na ang luha ko. "O baka magka-asaran ulit." "Mas malamang 'yon," sabi niya sabay ngiti. Naglakad kami pabalik sa gate ng school. Tahimik lang, pero hindi na awkward gaya kanina. Parang pareho naming tinanggap na may mga bagay talagang dumarating pero hindi kailangang pilitin manatili. Bago kami maghiwalay ng daan, huminto siya. "Yumei." "Hmm?" "Thank you," sabi niya, nakangiti. "For liking me. Kahit na hindi ako deserving minsan." Ngumiti rin ako, kahit gusto ko nang umiyak. "Thank you rin. For being my frienemy. Kahit pa minsan gusto na kitang sampalin." Natawa siya, lumapit, at bahagyang tinapik ang ulo ko. "Take care, ha? Huwag mong gawing sandata 'yung pagiging matapang mo. Minsan, okay lang maging vulnerable." Hindi ko alam kung bakit pero 'yung simpleng tapik na 'yon-parang tanda ng ending at beginning sa parehong pagkakataon. Nang tuluyan na siyang lumakad palayo, tumingin ako sa paligid ng park. Ilang taon din naming ginugol dito sa pag-aasaran, sa kompetisyon, sa tuksuhan. Pero ngayong gabing 'to, ito na ang naging saksi ng isang pagtatapos-hindi lang ng high school, kundi ng isang lihim na tago ng puso ko. Habang naglalakad ako papunta sa bahay ng bestfriend ko, tinawagan ko siya. "Uy, papunta na 'ko," sabi ko. "Sa wakas! Anong nangyari? Umamin ka?" tanong niya agad. "Yeah," sagot ko. "And he didn't say yes... pero hindi rin no." "Eh ano 'yon?" "Ewan," napangiti ako kahit papaano.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook