KABANATA 4

1562 Words
Isang linggo, isang linggo na akong hindi mapakali. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Via noong nagkausap kami — na niloko ako ni Isaac, at ako mismo ang nagpilit maniwala sa kanya. Gaano ba ako katanga noon? “When are you planning to talk to my lawyer about the divorce?” Napabalik ako sa ulirat nang magtanong si Zihan. Kauuwi niya lang galing trabaho, at dumiretso siya agad sa opisina niya rito sa bahay kaya pumunta na rin ako dahil may gusto akong sabihin sa kanya. I let out a sigh before sitting at the couch across his office desk kung saan ay hindi niya inaalis ang tingin sa laptop niya. “I don’t have any plan to meet your lawyer. May mga kailangan akong unahin kesa r’yan.” At ayaw ko rin talagang makipaghiwalay. Napahinto siya sa ginagawa niya at ibinigay na sa akin ang buo niyang atensyon. He stared at me blankly yet trying to read what’s on my mind. “You insisted to have divorce for f*****g months, Yumei. And now, what? What tricks are you trying to do now? Aren’t you tired? Kasi ako pagod na.” Napahinto ako sa lamig ng boses niya at sa huling sinabi ni Zihan. Pagod na siya? Gano’n na ba talaga ako kahirap patawarin? “Can you please give me another chance, please? Zihan, let’s fix this— no, k-kahit ako na lang ang aayos... Just let me prove myself na iba na ako. H-Hindi—” “I don’t wanna hear your drama. Kung hindi tungkol sa divorce ang pag-uusapan natin... for Pete’s sake, Yumei, keep yourself away from me while I’m still keeping myself sane.” Hindi ko mapigilang masaktan sa sinabi niya. And I already feel my eyes gets watery. Ang over naman ng galit niya sa akin. Tahimik akong tumayo sa kinauupuan ko at tinalikuran siya nang binalik na niya ang atensyon niya sa ginagawa niya. Ayoko rin makita niya na nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya sa akin kasi alam ko naman na ako ang may kasalanan sa nangyayari. “I— I just wanna ask you for help to stop sending a monthly money to Isaac. Kailangan kasi ng signing mo sa bank accounts ko for second authentication. Cut ties all my bank transactions kay Isaac, I already signed, yung iyo na lang yung kailangan. I’m sorry for disturbing you, magpahinga ka na rin kapag natapos ka r’yan.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at lumabas na ng opisina niya na mabigat ang loob. --- Pumunta ako ulit sa café na dati naming tambayan ni Via. Hindi ako sigurado kung darating siya, pero umupo pa rin ako sa parehong mesa. Ilang oras na paghihintay ko, dumating na rin siya — hawak ang phone, halatang ayaw akong makita pero hindi rin umalis. “Via,” mahinahon kong sabi. “Please, five minutes lang. Hindi na kita guguluhin after five minutes.” Tumikhim siya, nakataas pa rin ang kilay. “At bakit ko naman pag-aaksayahan ng limang minuto ang taong parang multong biglang bumabalik?” “Dahil gusto kong mag-sorry. Sa lahat.” Tahimik siya. Tiningnan niya ako, parang sinusukat kung totoo ba ‘yung naririnig niya. Hindi ako umiwas. “Hindi ko maalala lahat, Via,” sabi ko. “Pero alam kong may nasira ako noon. Sinaktan kita, sinayang ko ‘yung tiwala mo. Kaya kung kailangan mong sabihing deserve ko ‘yon—fine. Pero gusto ko lang malaman… ano bang nangyari talaga?” Nagtagal ang katahimikan bago siya bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong laro ‘to, Yumei,” sabi niya. “Pero kung totoo ‘yung sinasabi mong hindi mo naaalala, baka ito na ‘yung pagkakataon mo para malaman kung gaano kalalim ‘yung iniwan mong gulo.” Napayuko ako. “Sabihin mo.” Umupo siya sa tapat ko. Wala nang inis sa boses niya — pagod na lang. “Noong halos dalawang taon n’yo ni Zihan na pagiging mag-asawa, sobrang magulo na. Palagi kayong nag-aaway— lagi mo siyang inaaway. Naging cold ka na sa kanya, tapos dumating si Isaac. Nakilala mo siya sa isang photoshoot dahil ikaw ang photographer at siya ang taga-ayos ng project na ‘yon, nagustuhan mo siya, tapos unti-unti, siya na rin ‘yung nagdikta ng bawat desisyon mo.” Napalunok ako. “Si Isaac…?” “Oo, kesa ayusin ang relasyon niyo ni Zihan ay mas nakinig ka sa mga pinagsasabi niya sa’yo. Akala mo naiintindihan ka niya pero tinake advantage niya yung conflict na nangyayari sa inyo ng asawa mo. Ginamit ka niya para makuha ‘yung pera mo, ‘yung tiwala mo, lahat. Sinabi ko sa’yo noon, pero hindi ka nakinig.” Napangiti siya, mapait. “Ikaw pa nga ‘yung nagalit sa’kin at pinutol ang pagkakaibigan natin, sabi mo hindi ko alam ang totoong nangyayari. Pero kita ko lahat, Yumei. Yung pagod sa mata mo, yung paraan ng pagkasira mo pero tanga ka, eh.” Tahimik ako. Wala akong masabi. Hanggang sa marinig ko siyang mahina pero diretso. “May anak ka.” Parang huminto ang oras. “Ano?” “May anak ka,” ulit niya. “Si Ruan. Two years old na.” Hindi agad pumasok sa isip ko ‘yung sinabi niya. Anak? May anak ako? “Via, huwag kang magbiro ng ganyan.” “Hindi ako nagbibiro. Si Ruan, anak mo kay Zihan. Pinagbubuntis mo si Ruan noong nangyari ang hidwaan sa inyo ng asawa mo. Noong una hormones mo lang yung pagiging magagalitin mo dahil sa pregnant ka noon pero mas naging complicated dahil sa pangmamanipula ni Isaac sa’yo noong makilala mo siya.” “Nagawa ko pang magloko kahit buntis ako? Ang tibay ng mukha ko! Kingina.” Hindi makapaniwalang bulalas ko. “Na-confine siya sa hospital ngayon — two weeks na. Car accident.” Para akong nilagnat. Biglang nanikip ang dibdib ko, parang may kumalabog sa tenga ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi malaman ang sasabihin. Hindi ko na rin mawari ang nararamdaman ko. “Car accident?” bulong ko. “Paano nangyari ‘yon?” “May nakakita raw na sinadya. At alam mo kung sino ang may gawa?” Tahimik siya sandali bago nagsalita. “Si Isaac.” Napatayo ako. “Anong—anong ginawa niya?!” “Hindi malinaw. Pero may CCTV footage — siya ‘yung driver ng sasakyang bumangga sa kotse ni Zihan at Ruan. Pero dahil sinabi mong huwag nang kasuhan, tinigil ni Zihan yung kaso. Hindi ko alam kung anong dahilan mo, Yumei, pero pinatawad mo siya.” Nanginig ang kamay ko. “Ako ang nagsabi no’n?” Tumango siya. “Ikaw mismo. Sabi mo, ‘Isaac didn’t mean to. He just made a mistake.’” Napatakip ako sa bibig ko sa narinig. Gulantang ako sa mga nalalaman ko. Bumuntong-hininga siya. “Alam mo, halos isumpa ka ni Zihan no’n. Pero kahit gano’n, hindi ka niya sinumbatan. Siya ‘yung nagbantay sa bata, nagbayad ng hospital bills, lahat. Habang ikaw, nagkulong sa condo n’yong dalawa ni Isaac.” Napakapit ako sa mesa. Para akong masusuka sa disgusto sa sarili ko. Hindi ko alam kung mas gusto kong umiyak o masampal ‘yung sarili ko. “Nasaan si Ruan ngayon?” mahina kong tanong. “Nasa St. Floren Hospital. Stable na raw pero nasa observation room pa rin. At oo,” dagdag niya, “si Zihan ang bantay.” Hindi ko na napigilan — tumulo ang luha ko. Hindi ko man maalala ‘yung nakaraan, pero ‘yung sakit? Parang bumabalik lahat sa isang iglap. Napatakip ako sa mukha ko. Paano ako naging ganito? I understand now why Zihan despise me so much. Pinagbubuntis ko na ang anak ko pero nagawa ko pang magloko. Mas pinili ko pa si Isaac kesa sa anak ko kahit na nag-aagaw buhay na siya sa Hospital. “Yumei…” naaawang tawag sa akin ni Via. I looked at her, kahit puno ng luha ang mukha ko, kahit na ano pa ang maging hitsura ko sa harapan niya at makita ako ng ibang tao ay wala akong pakialam. No words can explain how much I despised myself, how disgusted I am. “V-Via, hindi ko na alam ang gagawin ko. Everything’s too hard for me because...” “I’m actually not that Yumei. Hindi ko alam kung paano, pero ako ‘yung eighteen-year-old na Yumei. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero nagising na lang ako dito—sa katawan niya, sa buhay niya.” Napahinto si Via. Tiningnan niya ako, parang gusto niyang tumawa pero nakita niya kung gaano ako seryoso. “Eighteen?” ulit niya. “You’re telling me... ikaw ‘yung high school Yumei? Yung laging masigla, prangka, ‘yung walang takot sa kahit sino?” Tumango ako. “Oo. At hindi ko alam kung paano nangyari ‘to. Pero kung totoo lahat ng sinabi mo, kailangan kong makita si Ruan.” Tahimik siya saglit, tapos marahan siyang ngumiti. “Doon kita dadalhin. Pero Yumei…” “Ha?” “Kung pupunta ka ro’n, harapin mo si Zihan. Dahil kung may pinaka-nasaktan sa lahat ng ginawa mo noon…” Huminga siya nang malalim. “…siya ‘yon.” Napayuko ako sa sinabi niya, at napabuntong hininga ako. “I-I know, kaya gusto kong ayusin ang relasyon namin. Hindi ako makikipag-divorce sa kanya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD