Pagkagising ko kinabukasan, parang may bumabagabag sa akin. Hindi lang dahil sa sinabi ni Isaac kagabi, kundi dahil sa paraan ng pagtingin sa akin ni Zihan—‘yung titig na parang may gusto siyang sabihin pero pinipili na lang niyang manahimik.
Lumabas ako ng kwarto at bumungad ang aroma ng kape. Naroon si Zihan, tahimik, nagbabasa sa tablet niya, gaya ng dati. Pero ngayong mas matagal ko na siyang nakikita sa ganitong bersyon, mas ramdam ko kung gaano siya nagbago. Ang dating preskong lalaki na tumatawa kahit walang dahilan, ngayon ay parang robot—lahat planado, lahat kontrolado, pati damdamin.
“Morning,” bati ko.
Tumingin siya saglit. “You’re up early.”
“Wala akong choice, e. Maingay ‘yung konsensya ko kagabi.”
Bahagyang tinaas niya ang kilay. “About Isaac?”
Napailing ako. “About everything.”
Tahimik siyang uminom ng kape, tapos nagsalita sa malamig pero mahinang tono.
“Kung napagdesisyunan mo na ang tungkol sa divorce, sabihin mo lang sa abogado.”
Ayun na naman. Divorce.
Ilang beses ko na bang narinig ‘yang salitang ‘yan mula sa kanya? Parang paulit-ulit lang akong sinasaksak sa parehong sugat.
“Bakit ba ang dali para sa’yo?” tanong ko.
“Because this marriage stopped working a long time ago.”
“Para sa’yo siguro,” balik ko agad. “Pero hindi ibig sabihin na hindi na pwedeng ayusin.”
Napatingin siya, saglit lang, pero sapat na para makita kong may kumislot sa panga niya. “You’re the one who wanted out first, Yumei.”
Hindi ako nakasagot. Kasi oo—baka nga sa nakaraang anim na taon, siya yung Yumei na gusto nang umalis. Pero ako ngayon? Yung 18-year-old na ako? Hindi ako papayag.
“Kung gusto mong umalis, ikaw ang umalis,” matapang kong sabi. “Pero ako, hindi ko pipirmahan ang kahit anong papel na maglalayo sa atin.”
Tahimik siya sandali, tapos tumawa—mahina, pero mapait.
“You think you can fix something that’s already broken?”
“Kung gusto kong subukan, may problema ba doon?”
Hindi siya sumagot. Tumayo lang siya, kinuha ang coat, at paalis na sana.
Pero bago siya tuluyang makalabas, nasabi ko:
“Hindi mo ba ako namimiss kahit kaunti?”
Tumigil siya. Hindi lumingon, pero ramdam kong kumunot ang noo niya.
“Namimiss?” mahina niyang sabi. “Ang hirap mamiss ng taong matagal nang hindi ko maintindihan.”
At umalis siya.
Tahimik. Walang kalabog ng galit—mas masakit kasi tahimik lang talaga.
---
Pagkatapos niyang umalis, dumating ang mensahe ni Isaac.
> Isaac: Hey, about kahapon. Sorry if I sounded harsh. Let’s talk again later?
Napairap ako. “Hay nako, di pa tapos ‘to.”
Pero habang tinitingnan ko ang message niya, napansin ko—may isa pa palang notification.
₱50,000 transferred to Isaac Lawson.
Nanlaki ang mata ko. “Ano ‘to?!”
Binuksan ko agad ang banking app, at doon ko nakita—hindi lang pala kahapon. Ilang beses nang nagpadala ng pera si “Yumei” kay Isaac nitong mga nakaraang buwan.
Malalaki. Regular. At lahat naka-note ng “investment.”
Pero wala ni isang resibo ng kita o project report. Wala.
“Hayop ka, Isaac,” singhal ko sa sarili ko. “Gatasan pala talaga ako.”
Kumulo ang dugo ko. Kung 24-year-old Yumei man ang niloko niya noon, hindi niya alam na ibang klase ‘tong 18-year-old ngayon.
---
Kinagabihan, nagkita ulit kami ni Isaac sa parehong café.
Naka-ngiti siya, confident, parang walang nangyari.
“Glad you came,” sabi niya. “I thought you were mad.”
Umupo ako. “Hindi naman. Pero may gusto lang akong linawin.”
“Sure, anything for you.”
Ngumiti ako peke. “Tungkol sa mga pera.”
Napakunot ang noo niya. “What do you mean?”
“Yung mga padala ko sa’yo. Ilang buwan, libo-libo. Saan napunta?”
Nagkibit-balikat siya. “You know that’s all for the project—”
“Project na hindi ko alam kung totoo?” putol ko. “Alam mo, ang galing mong magsalita. Para kang motivational speaker na may agenda.”
“Yumei—”
“Don’t Yumei me!” sabay turo ko sa kanya. “Hindi mo ako pwedeng i-gaslight. Hindi ako tanga. Hindi ako ‘yung dati mong nakakausap na umiiyak agad kapag nagalit ka.”
Tumahimik siya, pero halata kong nainis.
“You’re accusing me of stealing?”
Ngumisi ako. “Hindi. Kasi toto naman hindi ba?”
“Watch your words.” Malamig na ang boses niya. “You don’t know what you’re talking about.”
“Hindi ko alam?” Napahagikgik ako. “Kaya pala every time hihingi ka ng pera, may kasunod na drama—‘I’m under pressure,’ ‘You don’t support me,’ ‘You make me feel small’—classic manipulator script. Ginamit mo pa ang pagiging ‘mabait’ ni Yumei para lang pagkakitaan.”
Tumayo siya, halatang nagpipigil. “You’ve changed.”
“Thank you. Compliment ‘yan.” Iritableng tugon ko, hindi ko na rin napigilang irapan siya sa galit ko.
“Wala kang alam sa pinagdaanan natin.”
“At ayokong malaman. Kasi kahit anong version ng kwento mo, siguradong lugi ako.”
Umalis ako bago pa siya makasagot. Naiwan siyang nakatayo, tahimik, pero ramdam kong pinipigilan ang sarili niyang sumabog.
Pero bago pa ako makalabas ng café ay napahinto ako. Bumalik ako sa table namin at sumalubong sa akin ang pagkinang ng mata niya, at ngisi niyang pahambog na akala mo nagwagi.
“I know—”
“Pakyu! Whatever we have, I’m cutting off with you!” Galit na sigaw ko sa kanya at tinaas ang middle finger ko bago siya tinalikuran, at tuluyan nang umalis.
---
Pag-uwi ko sa bahay, napasalampak ako sa sofa. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayaring hindi ko maintindihan. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa akin.
Pero habang iniisip ko kung saan magsisimula, isang ideya ang pumasok sa isip ko—Via.
I took my phone and look at my contacts to find her name.
Pero agad akong napatigil.
Si Via.
Ang best friend ko.
Ang taong kina-cut off ko ng 24 years old na ako.
At base sa mga message history na nakita ko sa phone—oo, hindi maganda ang paghihiwalay namin.
Nag-scroll ako sa inbox.
Huling message niya months ago:
> Via: Alam mo, Yumei, minsan hindi lang puro ikaw ang nasasaktan.
Wag mong akalaing ikaw lang ang lumalaban.
Napasabunot ako sa buhok ko nang bitawan ko ang phone ko sa tabi ko.
“AAAAAAAAHHHHHH! What the heck is wrong with you, Yumei?! Nabubuang ka na ba? Pati bestfriend mo tinakwil mo?” Hindi ko napigilang pagsigaw at sermunan ang sarili ko.
---
Kinabukasan, tinungo ko ang maliit na café na dati naming tambayan. Nagbabakasakali lang na nandoon siya.
At ayun siya—si Via.
Nakita agad niya ako, at sa unang titig pa lang, alam kong hindi siya natutuwa.
“Wow,” sabi niya, malamig ang tono. “What guts do you have to show your face here?”
“Via, I just want to talk—”
“Talk?” sabat niya, nakataas ang kilay. “After what have happened? Na para akong basura na tinapon mo? Tapos ngayon bigla kang lilitaw?”
Huminga ako nang malalim. “I know I hurt you, and I just—”
“Stop.”
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. “Hindi mo ako pwedeng lapitan kapag convenient lang. Ginamit mo ako noon, tapos iniwan mo noong ayaw mo nang marinig ang totoo.”
“Via, please. Hindi mo naiintindihan—”
“Ano pang gusto mong marinig? Na si Zihan ang sinisisi mo? Na siya ang dahilan ng lahat? Alam ko lahat ‘yan, Yumei. Pero alam mo kung sino talagang nasira noon? Ikaw. Ikaw ‘yung nagpakatanga sa taong niloloko ka.”
Natigilan ako. “Ano?”
Ngumiti siya, mapait. “Oo. Niloloko ka ni Isaac noon pa. Pero pinili mong maniwala sa kanya kaysa sa akin.”
Naramdaman kong parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Kahit galit siya, alam kong hindi siya nagsisinungaling.
“Via…” mahina kong sabi. “Sorry.”
“Hindi ko kailangan ng sorry mo,” sagot niya. “Kailangan ko lang malaman kung hanggang kailan ka magpapagamit.”
At umalis siya. Walang lingon. Walang pasabi.
At ako? Naiwan sa mesa, tahimik.
At doon ko lang naramdaman nang buo—
kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng nakaraang hindi ko maalala.
At kung gaano kahirap ayusin ang buhay na hindi na pala sa’yo nagsisimula.
Gaano ba ako naging katanga noon? Niloloko na ako pero naging bulag pa rin ako? Hindi kaya ginayuma ako ng hayop na Isaac na ‘yan?