Isaac: Don’t forget, 10 AM meeting. See you.
Binasa ko ulit ang mensahe, paulit-ulit, parang baka sakaling magbago ‘yung pangalan sa dulo. Pero hindi. Nando’n pa rin—Isaac.
Yung lalaking sinasabi ni Zihan na dalawang taon ko raw na “karelasyon.”
Yeah, right. As if.
Kung may nagawang kasalanan ang future self ko, ‘yun siguro ‘yon—ang ma-fall sa lalaking may ngiti pa lang ay gusto mo nang sampalin.
Napailing ako habang nakatingin sa cellphone. “Meeting agad? Aba, demanding si kuya.”
Pero dahil wala akong ideya kung ano ang ginagawa ko sa buhay na ‘to, wala akong choice kundi sumabay sa agos.
Tinungo ko ang closet at muntik ko nang malaglag ang panga ko—puro branded na damit, puro neutral tones, parang wardrobe ni Elsa sa Frozen pero walang kanta.
“Wala bang kahit isang T-shirt dito?” bulong ko. “Yung may kulay man lang? Parang pang-mortal?”
Wala.
Kaya kahit ayaw ko, sinuot ko ang unang nakita kong simpleng blouse at pencil skirt. Parang mag-iinterview ako sa bangko.
---
Pagbaba ko sa bahay, mas lalo akong nataranta. Ang laki. Parang mansion ni Tony Stark, pero walang kaluluwa. Tahimik, malamig, parang laging galit.
Kung dito ako nakatira, hindi nakapagtataka kung bakit parang nagbago si Zihan.
Nagkakape pa ako nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Bumukas ang pinto.
At ayun na nga siya—si Isaac.
Tall, nakangiti, maayos manamit. Too neat. Too perfect. Pero may kung anong hindi tama sa mga mata niya—parang laging may kalkulasyon sa bawat tingin.
“Yumei,” bati niya, sabay lapit at isang yakap na parang matagal na kaming magkakilala.
Pero ako? Nanigas. Hindi ako makagalaw.
“Uh…” Pinilit kong ngumiti. “Hi?”
Huminga siya nang malalim, bahagyang natawa. “You’re so formal today. Something wrong?”
“Wala naman. Bagong gising lang.”
Yuck, bakit ang fc niya. Bakit parang peke ‘yung ngiti niya rin?
“Let’s go. You don’t want to be late for the meeting.” Hinawakan niya ako sa balikat, marahan pero may bigat.
Gusto kong alisin ‘yung kamay niya, pero baka makahalata.
---
Sa loob ng kotse, puro siya salita.
About business, about “our” project, about how Zihan is being “unreasonable.”
Ako naman, tahimik lang. Pinag-aaralan ko siya, bawat kilos, bawat tono ng boses.
“So,” sabi niya habang nagmamaneho. “Zihan talked to you about the divorce, right?”
Napatingin ako sa kanya. “Yeah. Medyo… binanggit niya.”
“Good. It’s the right thing to do, Yumei.”
Ngumiti siya. Pero hindi ‘yung ngiting nakakagaan ng loob—ngiting parang ahas na nagsusuot ng balat ng tao.
“Right thing?” tanong ko. “Bakit naman?”
“Come on,” natawa siya nang marahan, pero ramdam ko ang pang-uuyam. “You’re unhappy, aren’t you? You’ve been saying that for months.”
Months?
I frowned. “Ah… oo?”
He nodded, satisfied, as if confirming a script he wrote himself. “Exactly. Zihan doesn’t understand you anymore. You deserve peace. You deserve me—”
“Wait.” Napatawa ako, pero sarcastic. “Ikaw? Weh, seryoso ka?”
Saglit siyang natahimik. “Why not? We’ve been through so much—”
“Hindi ko nga maalala kahit isang ‘through’ na sinasabi mo,” sabat ko. “At tsaka, kung mag-a-advise ka tungkol sa marriage, dapat may sense ka. Hindi ‘yung divorce agad. Para kang YouTube ad na ‘Skip Relationship Problems, Go Premium with Isaac.’”
Napatitig siya sa akin—may halong pagtataka at inis.
“Wow,” sabi niya, ngumisi pero ramdam kong may ngitngit sa ilalim. “You’re being… feisty today.”
“Lagi naman akong ganito,” balik ko, nakataas ang kilay. “Hindi lang siguro ako ‘yung Yumei na gusto mong utuin.”
Tumahimik siya. Pero sa gilid ng mata ko, ramdam kong napapadiin ang kapit niya sa manibela.
---
Pagdating namin sa café kung saan raw ang “meeting,” wala namang ibang tao kundi kaming dalawa.
Iyon na nga ba ang hinala ko.
“Meeting ba talaga ‘to o meron kang drama?” tanong ko habang nakaupo, inaabot ang menu.
Ngumiti siya ulit—yung ngiting nakakairita. “You’re funny. You didn’t use to be like this.”
“Eh baka nagka-upgrade na ako ng personality,” sagot ko. “Libre naman, hindi kailangan ng load.”
Natawa siya, pero halatang pilit. “You’re different… but I like it.”
“Hindi ko kailangan ng approval mo, thanks.”
Napatingin siya sa akin nang matalim. Sandaling katahimikan bago siya ngumiti muli, ngayon mas malambing ang tono.
“Anyway, I was thinking… can you send me the usual? Just a small amount. I’m short for the deal I’m closing.”
Napakunot noo ako. “Deal?”
“Yes. For the app we’ve been planning. You promised last week, remember?”
“App? Alam mo, wala akong maalala pero kung business partner talaga kita, bakit lagi kang kulang sa budget?”
“Yumei,” sabi niya, biglang malamig ang tono. “Don’t start this again.”
“Start what?”
“You know I’m under a lot of pressure, and you always—always—make me feel like I’m not enough. Every time I ask for help, you question me.”
Napanganga ako. “Excuse me? Ako na nga ‘yung tutulong, ako pa mali?”
Tumawa siya, mahina. “You’re impossible sometimes.”
Pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya, nagsalita sa tonong parang siya pa ‘yung nasasaktan.
“Zihan really did a number on you. He made you doubt everything, didn’t he? Even me.”
For a second, I froze.
Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong biglang sumikip ‘yung dibdib ko—hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa galit.
“Tama na ‘yang drama mo, Isaac.” Tumingin ako ng diretso sa kanya. “Kung gusto mo ng tulong, sabihin mo ng direkta. Huwag mo akong i-guilt trip.”
Tumigil siya, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“You’ve changed.”
“Kung dati nagpapauto ako sa ‘yo, oo, nagbago nga ako.”
Nakatitig lang siya sa akin nang matagal, bago niya dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.
“Yumei… I’m doing this for us.”
Tinabig ko ang kamay niya. “Ano bang us? May ‘you’ lang at ‘pera ko.’ Period.”
Saglit siyang natahimik, tapos ngumiti ulit. Pero ngayong titig niya, halatang nabasag na ‘yung pasensiya.
“Fine,” sabi niya, nakangiti pero malamig. “Maybe you just need time. I’ll give you space.”
“Salamat. Mas malaki, mas okay.”
Tumayo siya, inayos ang kwelyo, tapos lumapit sa tenga ko bago umalis.
“Don’t forget,” bulong niya. “You always come back to me.”
Kinilabutan ako.
At habang pinapanood ko siyang lumabas ng café, hindi ko alam kung ano ‘yung mas nakakatakot—yung sinabi niya, o ‘yung pakiramdam kong baka totoo ‘yun sa future na hindi ko maalala.
---
Pag-uwi ko sa bahay, naroon si Zihan sa sala—nakaupo, may hawak na tasa ng kape, at nakatingin lang sa tablet.
Hindi siya tumingin sa akin, pero nagsalita.
“Where were you?” malamig na tanong niya.
“Out,” sagot ko, casual pero kinakabahan.
“Out with him?”
Huminga ako nang malalim. “Hindi mo naman ako tinanong kung gusto kong makipagkita, eh.”
Tumingin siya sa akin, diretso, malamig. “You could’ve said no.”
Nagkatitigan kami—at sa unang pagkakataon, may nakita akong bahagyang emosyon sa mga mata niya. Hindi galit. Hindi rin lungkot. Parang… sakit na matagal niyang tinago.
Pero bago ko pa man maunawaan ‘yon, tumayo siya, iniwan ang kape, at tahimik na umakyat sa kwarto.
At ako? Naiwan, nakaupo, nakatitig sa pinto, hawak-hawak ang cellphone kung saan nakasave ang pangalan ni Isaac.
“Ginagamit ko ba talaga siya?” bulong ko.
O ako ang ginagamit?
At habang unti-unti akong nilalamon ng katahimikan ng bahay, alam kong isang bagay lang ang sigurado—
hindi ako papayag na hindi kami magkakaayos ni Zihan. Siya lang ang mahal ko. 18 man o 24 na ako, aayusin ko ang marriage namin.