Naabutan ni Elenor si Asora sa isang pumo habang nakasandal at habol ang hininga nito. Hindi niya aakalain na tumakbo nga ito nang pagkabilis-bilis at pagkalayo-layo. Napabuntong hininga si Elenor, saka tinapik ang babae sa balikat. Ganoon na lamang ang gulat ni Asora.
“s**t naman, Elenor! Ginulat mo ako! Muntik na akong mahimatay!” galit na sigaw nito habang masama ang tingin na ipinupukol sa kanya.
Napatawa si Elenor saka umiling-iling. Hindi niya aakalain na ganito ang magiging reaksyon ng kasama matapos ang mga pangyayari. Hindi niya aakalain na may mga kanya-kanyang tinataglay ang mga kaibigan ni Randal.
Tumingin ito sa kanyang likuran, na bakas ang kaba at takot sa mukha nito maging sa mga mata.
“Nasaan na ang humahabol sa atin?” tanong nito kapagdaka.
Siyempre, kailangan niyang magsinungaling. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa babaeng ito, na sinunuog niya ang babaeng bungi. Hindi rin niya pwedeng sabihin ang totoo, na siya ang may gawa no'n at may kakayahan siyang gawin iyon. Kailangan niyang gumawa ng aliby kung hindi baka mabisto siya.
“Niligaw ko siya. Bilia, umalis na tayo rito at baka maabutan pa niya tayo,” sagot niya saka anyaya sa babae.
Tumango naman si Asora saka sumunod na kay Elenor. Kahit man may pagdududa siya kay Elenor wala na siyang magawa kundi ang magtiwala na lamang dito. Lalo na at iniligtas siya nito mula sa babaeng bungo na kanina pa habol nang habol sa kanya. Sana nga nailigaw ito ng kasama, nang matapos na ang problema niya. Kanina pa niya habol ang hininga, mukhang ilang oras na lamang at papanawan na siya ng ulirat kung hindi pa dumating si Elenor.
Napalingon pa siya sa kanilang likuran ng mga oras na iyon, sinisigurado na wala nang humahabol sa kanilang likuran. Ganoon nga at tama siya, wala na. Sa mga oras na yaon, naging kampante siya sa kanyang kaligtasan kasama ang babae na misteryosa pa para sa kanya, kay Elenor.
**
Kanina pa naghihintay sila Randala t Deco kay Elenor. Nag-aalala na rin si Randal para sa mga kasama. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero iisa lang ang gusto niya, maging ligtas silang makabalik sa Witches Academy.
Isa pa, kanina pa siya nawe-weirduhan sa kasamang lalaki na ito na nagpakilalang Deco. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling, wala siyang maalala na kasamang Deco. At paano naman nakilala ito ni Elenor? Saan ito nagmula? Nakulong din ba ito rito sa gubat?
Dahil sa dala ng kursyodad. Tinanong niya ang lalaki. Hindi talaga siya matatahimik kung hindi niya malalaman. “Oy, ano mo si Elenor? Saka saan ka galing? Hindi ka naman taga Witches Island, a?” tanong niya.
Lumingon sa kanya ng lalaki. Nakangiti pa rin ito na parang timang. Hindi ba ito napapagod na ngumiti? Kanina pa ito ngiting-ngiti. Wala namang nakatutuwa sa sitwasyon nila, at mas lalong hindi nakatutuwa ang itsura niya.
“May nakatatawa ba sa itsura ko ha? May nakatatawa ba sa sitwasyon natin? Kanina ka pa nakangiti diyan na parang timang,” pansin niya rito.
Kumibit-balikat si Deco. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Hindi niya ito pagkakatiwalaan, wala siyang tiwala rito. Maliban kay Elenor na kakakilala pa lang niya kanina. Hanggang maaari, magpapanggap siya bilang isang weirdo. Wala naman siyang dapat na ipakita sa lalaki. Kailangan niyang mag-ingat sa panahon ngayon, marami pa namang nagkalat na mga hindi mapagkatiwalaan. Lalong-lalo na ang lalaking ito. Kung makapagsalita sa kanya nang masama 'oy' wala nang respeto.
Humugot ng malalim na hininga si Randal. Wala talaga siyang mahihita na impormasyon sa kasamang lakaki. Puro ngiti lamang ang binibigay nito sa kanya, na naka-a-asar na. Hindi niya aakalain na makakasama niya ang isang weirdo na tulad ng isang ito. Mukha lang siyang nagsasalita sa isang baliw.
Nahirapan din kaya si Elenor na makipag-usap dito kanina? O, nagkaintindihan naman ang dalawa? O, sadyang hindi lang talaga siya nito pinapansin?
“Ang tagal naman ni Elenor, ano ba ang sabi sa iyo?” muli niyang untag sa kasama.
Tulad kanina, kibit-balikat lamang ang natanggap ni Randal kay Deco. Kating-kati na siyang kaltukan ito sa ulo, dahil sa mga akto nito. Paano niya matutulungan si Elenor kung hindi nito sasabihin?
Kung aalis naman siya, pinipigilan siya nito. Hinahawakn siya sa balikat at hindi pinapaalis. Hindi na alam ni Randal ang gagawin sa mga oras na iyon.
Kailangan na niyang kumilos at tulungan si Elenor na hanapin ang iba pa nilang kasama. Hindi siya makapapayag na ito lang ang makaliligtas sa mga kaibigan niya. At baka mamaya, siya pa ang sisihin ng mga kasama. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay roon, wala rin naman siyang ideya kung nasaan ang mga kasama. At baka siya pa ang mawala, iyon na naman ang ayaw niya. Baka mamaya, makasalubong na naman niya ang babaeng bungo o ang lalaking bungo sa dinadaanan.
Napatingin ulit si Randal kay Deco. Nakatitig lang ito sa kanya, habang nakangiti. Siya na lamang ang umiwas ng tingin. King hindi siya nagkakamali, baka may gusto sa kanya si Deco at type siya nito. Pero hindi! Lalaki ito at llaki rin siya! Imposible! Nakakapanindig balahibo naman ang pumasok sa isipan niya!
Makaraan ang ilang minuto. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan dahil natanaw niya si Elemor kasama si Asora. Papunta ang dalawang babae sa kanilang pwesto.
“Elenor! Asora! Mabuti na lamang at ligtas kayong nakarating dito!” salubong niya sa dalawa nang nakangiti.
Hindi siya pinansin ni Asora at bumaling ito sa lalaking kasama niya. Nakakunot ang noo ng babae, habang binibigyan ng isang masuring paningin si Deco.
“Sino siya? Bagong kita ko lang sa kanya, a? Kilala niyo siya?” tanong ni Asora kay Randal.
Kumibit-balikat naman ang lalaki bilang sagot sa kaibigan. Ni maski nga siya walang alam sa lalaki, kahit tanungin niya pa ito, wala rin namang sinasagot.
Biglang simingit si Elenor, para masagutan na ang katanungan sa kanilang isipan. “Siya ang tumulong sa akin kanina na sagipin ako mula sa mga humahabol sa akin. Sa hinuha ko ay nandito na siyang nakulong sa loob ng gubat at hindi nakalabas.”
Nanlaki ang mga mata nina Randal at Asora sa narinig. “Hindi nakalabas?! Ibig sabihin, hindi rin tayo makalalabas? Dito na tayo forever?” histerya ni Asora, habang maiyak-iyak na.
Sinamaan ito ng tingin ni Randal. “Hindi, makalalabas tayo rito. Kailangan lang natin humanap ng paraan, at lagusan kung paano makalabas. Pero bago iyon, hanapin natin ang mga kasama.”
Tumango-tango naman si Elenor, bilang sang-ayon sa sinabing iyon ni Randal. “Tama si Randal, makahahanap tayo ng lagusan sa tulong ni Deco. Pero bago iyon, kailangan muna nating hanapin ang ina pa nating kasama.”
Bumaling si Elenor kay Deco na tahimik lamang sa isang tabi habang nakikinig sa kanilang usapan. “Deco, tulungan mo kaming hanapin sila. Alam kong alam mo kung ano ang pasikot-sikot sa kagubatang ito. Kailangan namin ang tulong mo."
Walang salita na tumango si Deco sa kanya. Timapik niya ito sa balikat bilang pasasalamat.
Napabaling naman ang atensyon nila kay Randal nang bigla itong magsalita. “Kanina ko pa 'yan kinakausap, ni hindi man lang nagsasalita. Mukhang hindi na talaga.”
Napatawa na lamang si Elenor ng peke sa mga oras na iyon. Pero may pagkatotoo naman, dahil natutuwa siya sa pagiging tahimik ni Deco. Tama nga iyon, para hindi agad mabunyag ang kanang sekreto. Mahirap na at baka bigla na lamang madulas ang lalaki at mabesto na silang dalawa.
“Tara na, hanapin na natin ang natitira. Nandito lang sila niyan sa paligid. Ikaw na ang mauna Deco, susundan ka namin,” anyaya ni Asora, na may seryosong mukha na nakatingin sa lalaki.
Hindi naman na nag-aksaya pa ng oras si Deco at nagsimula nang maglakad. Sinundan naman nila itong tatlo, habang nagkatinginan sa isa't isa.
**
Malayo na ang kanilang narating nang mamataan nila si Damien na nakasabit sa ibabaw ng isang sanga ng punong-kahoy. Nakabitin ito ng patiwarik, habang pilit nitong makawala sa pagkakatali mula sa mga paa.
Biglang sumenyas si Deco na tumahimik silang lahat, at itinaas nito ang kamay na mag-iingat sa kanilang mga inaapakan at sa paligid. Hindi sila sigurado at baka may patibong na pala sa kanilang kinatatayuan.
Tahimik naman si Elenor na nakikiramdam sa paligid. Natahimik naman si Randal at si Asora.
Ang makngay lang ngayon ay si Damien na nakatalikod sa kanila. Hindi pa sila nito nakikita, kaya't hindi pa nito alam na naroroon sila para iligtas ito.
“Anong gagawin natin para mailigtas ang lalaking mahal ko?” tanong na pabulong ni Asora sa kanila.
Kung ganoon, sa isip-isip ni Elenor, magkasintahan sina Asora at Damien. Kaya naman pala may something siyangnapapansin sa dalawa nang papasok na sila sa gubat. Medyo ilag nga lang ang dalawa. Baka may tampuhan na naganap.
Nag-isip siya kunwari ng paraan kung paano maililigtas ang isa sa kaibigan ng kanyang mga kasama. Kung hindi lang talaga nakasalalay ang katungkulan at plano niya, kanina pa niya napakawalan si Damien mula sa pagkakasabit. Pero kailangan niyang magpanggap na mahina siya at baguhan, na walang alam.
Napatingin siya kay Randal nang bigla itong magsalita. “Kailangan nating maputol iyong lubid mula kay Damien, saka saluhin natin sa ibaba.”
Gusto niyang matawa sa suhetsyon nigo, pero hindi niya ginawa. Baka mamaya, ma-offend pa ang lalaki at hindi siya nito pansinin.
“Paano kung may patibong din pala? O, paano kung si Damien ang patibong?” ani niya, na ikinatango naman ni Asora at Deco.
Napakamot si Randal sa kanyang batok saka hindi na nagsalita. Muli silang nag-isip. Pero wala silang maisip na paraan. Sadyang hindi niya lang sinasabi ang sa isipan. Kailangan niya munang pahirapan ang dalawa, sina Randal at Asora sa pag-iisip ng paraan kung paano pakakawalan si Damien mula sa pagkakasabit.
“Walang kailangan na gawin, hintayin nating mawala ang makapal na usok. Saka tayo kikilos,” sabi naman niya habang taimtim na nag-iisip. Suhetsyon niyang hindi tama.
Kailangan niya lang iyong sabihin bilang palabas, pero ang totoo, alam niya kung paano.
Bigla namang sumingit si Deco. Itinaas nito ang hintuturo sa kanang kamay. Pinaparating nito na may naisip na itong paraan kung paano.
Muling sumenyas si Deco, pero hindi naman naintindihan iyon ni Randal at Asora. Pero si Elenor, naiintindihan niya ang nais sabihin ng lalaki. Kung bakit ba naman kasi iyon ang naisip na paraan ni Deco para hindi magsabi ng totoo? Para tuloy naghuhula si Elenor, at hirap na hirap naman ang mga kasama niya na intindihin ito.
“Jusko! Mukha yatang ako ang nababaliw, kaysa sa iyo, Deco,” reklamo ni Asora.
Aliw na aliw si Elenor na pagmasdan ang mga kasama. Nababasa niya rin sa mukha ni Deco na maging ito ay natutuwa rin sa mga pangyayari.
“Kailangan nating hintayin na kimapal ang usok, bago ang isa sa atin ay aakyat sa puno. Pakawalan si Damien at ang iba ay saluhin siya sa ilalim,” pagpapaliwanag niya sa dalawa.
Tumango-tango naman si Randal saka si Asora. Hindi nila halos maintindihan si Deco, pero naintindihan naman nila iyon dahil kay Elenor.
“Sino ang aakyat sa puno?” tanong ni Randal.
Biglang tumaas ng kamay si Deco. Tumango silang lahat. Kung ganoon silang natira ang sasalo kay Damien.
“Kung ganoon, maghintay na lamang tayo ng tamang oras para iligtas si Damien," ani Asora.
Umupo sila sa isang lilim ng patay na puno. Hihintayin nilang mas kumapal ang usok.
Napaisip sa mga oras na iyon si Elenor. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mabuti na lamang at wala siyang poproblemahin kay Deco. Tahimik naman pala ito at walang dapat na ipag-alala. Masunuring nilalang, sa isip-isip ni Elenor.
Sa ngayon, kailangan muna nilang iligtas si Damien mula sa pagkakabitin. Ang tanong ay kung hanggang kailan kakapal ang manipis na usok sa kanilang kinaroroonan, para maiwasan ang patibong?
Kung siya lang talaga mag-isa, baka napakawalan na niya si Damien. Pero kailangan niyanh makisama sa mga kasama. Mukhang kailangan niya yatang hindi gagamitin ang kanyang black magic sa pagkakataong iyon.
Napakamot na lamang sa batok si Elenor habang naghihintay. Naiinip na siya sa paghihintay, iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang maghintay siya nang pagkatagal-tagal.
Napatingin siya kay Damien. Napangiwi si Elenor, nang maisip na napakahirap ng sitwasyon ng lalaki. Mabuti na lamang at nakayanan nito. Kung siya, ewan na lamang niya. Masakit sa buong katawan iyon at ulo.