Nakasunod lamang si Deco kay Elenor ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung magtitiwala ba siya sa babae o hindi..alam niyang kwkaiba ang babae na ito sa lahat ng nga witches na nakikala niya. Maging ang ilang sitwasyn ay malaman niya rin.
Lumingon si Elenor kay Deco ng mga oras na iyon. Mabait naman ang lalaki, at wala namang masamang intensyon laban sa kanya. Naiiintindihan naman niya na kinailangan lang nitong protektahan ang kanilang tungkulin, at kailangan lang sundin na maging masama sila. Nang sa ganoon hindi pasukin ang gubat na iyon ng mga ilang witches na naroon sa Witches island.
“Hindi ka naman masama, hindi ba? Wala ka naman sigurong balak na gawing masama laban sa akin?” tanong ni Elenor dito na nakataas ang kilay.
Kumibit-balikat si Deco saka tumango. “Hindi naman ako masama, ganoon talaga ang gawain namin. Kailangan lang namin gampanin ang tungkulin namin na itinalaga sa amin ng pinuno, kung ayaw namin na maparusahan.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Elenor. “Kung ganoon, kapag makita ka nila na nabuhay muli. Handa ka ba kung ano ang iyong sasagutin sa kanila, sakali?”
Nag-isip saglit si Deco. Hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong na iyon ni Elenor. Does he have a choice? Wala naman. Kailangan niya yatang gumawa ng kwento sa harapan ng lahat oras na tanungin siya kung bakit siya nabuhay muli, gayung patay na siya.
He is thankful to Elenor. She made him alive again, even if it was only last for a month. At least ma-e-enjoy niya pa ang mga araw na ipinagkait sa kanya. Magagawa na rin niya ang mga naudlot niyang balak gawin noong bago siya nanatay.
“You have to be reasonable and make a story, Deco,” biglang suhetsyon sa kanya ni Elenor nang malansin siguro ng babae na natahimik siya sa tanong nito.
Tumango siya bikang sagot saka napakamaot sa kanyang batok. “Yes, ako na ang bahala na gumawa ng kwento kung sakali mang itanong nila sa akin. O, baka naman may mahika ka na makapagpapawala ng kanilang memorya na namatay na ako?”
Nilingon siya ni Elenor saka tiningnan ng masama. Mukhang hindi yata nagustuhan ng babae ang kanyang suhetsyon na iyon. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok.
“Hindi dapat ganyan ang gagawin mo, Deco. Hindi sa lahat ng oras ay may mahika na magagamit gamit sa iyong mga problema. Minsan kailangan mong gumawa ng aksyon para magtagumpay sa buhay. Huwag mo palagi i asa sa mahika. Mahirao na angganyang gawain,” pangaral ni Elemor kay Deco.
Tumango si Deco bilang tugon sa babae. Hindi niya aakalajn na pangangaralan siya nito. Noong oras lang siya nakatagpo ng gaya ni Elenor. Nakikita niya ang kanyang nakatatandang ate dito. Alam niya na wala na siyang pamilya, bago siya namatay. Kung bakit sila namatay nang ganoon na lamang at naiwan na lamang siyang mag-isa.
Isinantabi na lamang iyon ni Deco, at hindi na lamang pinansin pa ang mga isipin. Wala na dapat siyang paghinayangan sa mga bagay-,bagay. Nangyari na ang dapat na nangyari, hindi na niya maibabalik pa ang lahat. He is done with it, and now he is alive again, he will do everything just to fulfil his unfinish business. Malaki talaga ang tulong na ito sa kanga ni Elenor, and he will make sure that he will protect the woman in his own way. Wala siyang maipapangako pero gagawin niya ang makakaya niya. Bilang utang na loob sa babae.
Tumigil sa pagkalakad si Elenor, kayat napatigil din siya. May natanaw silang isang lalaki na palinga-linga sa paligud habang wala itong tigil sa pagsigaw ng mga pangalan. Kilala niya ang lalaki na iyon— si Randal. At alam niyang isa ito sa mga kasama ni Elenor papasok sa gubat na iyon.
“Hinahanap niya kayo, hindi mo ba siya lalapitan?” tanong niya kay Elenor, habang nakamaywang siya at pinagmamasdan din ang lalaki na papalalit nang papalapit sa kanilang direksyon.
Kitang-kita nila ang nangyayari sa palgid, dahil sanay naman na siya sa makapal na usok. Kayat hindu jto magiging problema sa kanya na makita at manood sa mga nangyayari sa paligid.
“Hayaan mo siyang makarating sa atin. Hindi ako ang lalapit sa kanya. Ang lakas pa naman ng apog ng lalaking iyan sa sarii.”
Napatawa siya sa sinabi ni Elenor. Nakikitaan niya ng inis at pagkabagot ang babae. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti at umiling.
“Ano ang plano mo sa kanila?” tanong ni Deco kay Elenor nang mapansin Ng babae na kanina pa tahimik at nagmamasid sa kawalan.
Kanina pa hanap nang hanap si Randal sa babae, pero wala man lang ginagawang hakbang ang kasama. Napailing si Deco, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Parangmay pumipigil sa kanya na makisali sa kung anoman ang namamagitan sa dalawa.
“Hayaan mo siyang matagpuan ako, huwag kang gagawa ng kahit anong ingay riyan, Deco.”
Wala nang nagawa pa si Deci kundi ang tumahimik na lamang. Wala rin naman siyang sasabihin, kung anoman ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay wala na siya roong pakialam.
Napatingin si Elenor sa kinaroroonan ni Randal. Malaki ang ngisi niya habang pinapanood ang lalaki. Hindi niya aakalain na ganito pala kasaya ang paglaruan ang mga magkakaibigan. Akala niya siya ang paglalaruan, pero nagkabaliktad ang lahat. Alam niyang may masamang balak ang mga magkakaibigan, pagdating pa lang niya kanina ay masama na ang kutob niya.
“Elenor! Nasaan na kayo!” muling sigaw ni Randal sa kawalan. Hindi alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.
Huminga nang malalim si Elenor. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Sadyang masarap sa pakiramdam na pahahanapin ang isang nilalang naparang takot na takot ito.
“Puntahan mo na siya, Elenor. Malalagot kayo sa pinuno kapag nalaman niyang naririto kayo,” turan ni Deco na nasa kanyang likuran.
Wala nang nagawa pa si Elenor kundi ang tumango. Di niya alam kung bakit bigla rin siyang kinabahan sa maaaring kaparusahan na ibibigay sa kanila ng pinuno. ayaw pa niyang mapaaga ang pagpapaalis sa kanya sa Witches Academy. Hanggang maari ay panatilihin niya iyong matagal, hanggang sa mahanap na niya ang mga magulang.
“Oh siya, lapitan mo siya. Dito lang kayo pagkatapos. Hahanapin ko ang ilan sa kanila,” pagpayag niya sa sinabi ni Deco.
Alam naman niya kung saan matatagpuan ang lima. Hindu iyon mahirap gawin, lalo na at nabasa na niya sa itim na librong walang pamagat, ang tungkol sa gubat na ito. Kaya alam niyang pinaglalaruan lang siya ng mga nilalang na katulad ni Deco. At alam niya rin kung paano iyon lalabanan. Lalo na ngayon, nagamit na niya kanina kay Randal. Nakita niya ang lalaki sa hindi kalayuan. Samantalang ito ay hindi sila nakikita.
Nagsimula na siyang maglakad at iniwan si Deco na puntahan si Randal. May tiwala naman siyang hindi siya pinaglaladuan ni Deco, kung mangyari man iyon, papatayin niya ulit ito at hindi na mabubuhay pa. Kahit na maging bungo ito ay ipagkakait niya. Susunugin niya ito ng pino.
Kumuha ng isang bato si Elenor sa lupa at inihagis iyon sa pagkalayo-layong lugar. Kapag sino ang matamaan no'n, ibig-sabihin nandoon ang isa sa mga hinahanap niya. Sa pangalaaa niyang hagis narinig niya ang maliit na boses. At sigurado siyang iyon ay ang isa sa mga kasama nila, si Asora.
Sa panglima niyang hagus, narinig niya ang boses ni Adoe, sa pang-anim ay ang boses ni Harvy. Sunod ay ang kay Damien at ang panghuli ay kay Hilbert.
Napangiti si Elenor. Agad niyang inisa-isa ang mga lugar na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Randal. Naabutan niya si Asora na parang nawawala. Palinga-linga ito, katulad ni Randal kanina. Sigaw ito nang sigaw, habang may babaeng bungo na nakasunod dito. Nabigla ito nang makita siya, saka napaiyak.
Agad na yumakap sa kanya si Asora, saka pumujta ito sa kanyang likuran nang lumapit sa kanila ang bungo na babae.
Ngumiti si Elemor. This shows must be over later. She needs to pretend that she save them from danger. Sa ganoon na paraan, makukuha niya ang mga loob nito.
“Hey, monster. I don't think we can fight. We are only had an hour left. Hindi namin iyon sasayangin sa pananakot mo lang. It's better to leave us and go back in your work.”
Tinitigan lang siya ng babaeng bungo na tila hindi siya nito naiintindihan. Nakalimutan niya na hindi pala ito nagsasalita tulad nang kay Deco kanina.
“Naiintindihan niya ba tayo, Elenor?” tanong sa kanya ni Asora, habang nakatago pa rin sa kanyang likuran.
Tumango siya bilang tugon dito. Naiintindihan nga siya ni Deco kanina, e. Oras na para gumawa siya ng eksena sa Witches Island. Hindi pwedeng wala siyang magawa, kailangan niyang pabanguhin ang pangalan niya nang sa ganoon mapadali sa kanya ang lahat.
Ganoon kasi sa mundo ng tao. Kailangan ng isa sa nakatira roon ay pabanguhin ang pangalan sa mga manmayan para makilala ng mga buhay pa.
“Hindi ko alam kung ano ang tinutugon mo sa akin, pero sana naiintindihan mo ako, sana lubyan mo na kaming dalawa kung ayaw mong maging abo nang tuliyan,” matapang niyang banta sa babaeng bungo, pero hindi nito gusto ang sumuko nang ganoon na lamang.
Huminga si Elenod nang malalim. Nagtaas pa ng dalawang kamay ang bungo at tila hinahamon siya nito sa isang labanan. Alam niyang isang kimpas lang ng kamay niya si Elenor ay tuluyan nang maging abo ang babaeng bungo. Pero hindi niya iyon gagawin. Ayaa niyang masaksihan iyon ni Asora, at ibalita sa lahat na nagtataglay siya ng isang makapangyaring itim na mahika.
Alam niyang walang alam doon ang pinuno ng mga witches na si Arora. Kaya't pakaiingatan niya iyon hanggang maaari. Iyon ang lihim niya na hindi dapat maibunyag kanino man. Iyon ang alas niya sa mga kalaban na paparating, and she is sure, her life is in danger if everyone knows about it.
Iyon marahil ang pinangangalagaan ng mga magulang niya noon pa man. Kaya siguro isinakripisyo ng mga ito ang misyon, maprotektahan lang siya. But she need more answer, alam niyang may malalim pang dahilan ang lahat, at hindi lang ang misyon na iyon.
That is why she is her to find the answers. At kapag nahanap na niya, gagawin na niya ang lahat para mapag tagumpayan ang plano na matagal na niyang pinaghandaan. Kapag dumating ang tamang araw, alam niyang mapagtatagumpayan niya iyon, sana nga. Sana hindi iyon mabulilyaso.
“Asora, umusod ka nang kaunti. Naghahamon ng away ang isang ito. Humanda ka, dahil ilang sandali lang makakalaban na natin siya,” bulong niya kay Asora ng mga oras na iyon.
Hindi naman nakaligtas sa kanya ang panginginig ni Asora dahil sa sinabi niyang iyon. Gusto niyang batukan ang babae na hindi dapat ito matakot sa mga oras na iyon, pero hindi naman niya magawa. Wala siyang karapatan na saktan ito, lalo na at wala naman itong ginagawa na masama sa kanya.
Huminga nang malalim si Elenor. Ibinaling niya ang atensyon sa babaeng bungo. Hindi niya nagugustuhan ang panghahamon nito sa kanya.
“Kaya ba natin siya? Baka gawin tayong katulad niyan sa kanya. Nakakatakot, wala pa naman akong alam kung paano gamitin ang kapangyarihan ko, Elenor,” takot na takot na wika ni Asora.
Bumulong muli si Elenor sa babae. “Tatakbo tayo, kung mabilis kang tumakbo pwede. O kaya gamitin mo ang magic broom,” suhetsyon niya.
“Hindi gumagana ang magic broom!” sigaw nito. Dahilan para mapatingin sa kanila muli ang babaeng bungo.
Napatampal na lamang si Elenor sa kanyang mukha dahil bistido na silamg dalawa ng kalaban. Ngumiti siya rito saka itinaas ang dalawang kamay. Wala dapat siyang ipag-alala, kung siya lang mag-isa. Pero kasama niya si Asora. Kailangan hindi ito mawala sa tabi niya, dahil kapag mangyari iyon, hahanapin niya ulit ito.
“Kung ganoon, kailangan na talaga nating tumakbo ng mabilis,” mahinahon niyang pagtatapos ng usapan.
Aangal pa sana si Asora pero agad niya itong pinatahimik. Napatango na lamang si Elenor, saka hinula na si Asora papalayo sa babaeng bungo.
“Bilisan mo! Mahuhuli na tayo! s**t!” sigaw nang sigaw si Asora ng mga oras na iyon.
Gusto niyang sakalin ito at patahimikin sa kakasigaw nito, pero hindi niya magawa. Alam niyang wala naman iyong saysay lalo na at ganito ka nerbyosa ang kasama niya. Naturingan pa namang black witch ang babae na ito at natatakot din sa mga ibang nilalang.
Hinayaan niyang makalayo si Asora, saka ginawa ang kanyang pakay. Tumigil ang babaeng bungo sa kanyang harapan. Ngumisi si Elenor saka pinitik ang kanyang dalawang daliri— ang hinlalaki at ang hintuturo. Sa isang iglap nasunog ang babae at naging abo.
Napangisi si Elenor. Ngayon, may apat pa siyang hahanapin sa mga oras na iyon.