Hindi nagsayang ng oras si Elenor at nilapitan niya ang lalaki na alam niyang impostor. Wala naman siyang gagawin dito. Gusto niya lang itong maka-usap. Gusto niyang itanong kung nasaksihan ba nito ang paglibing sa kanyang ina at ama noong araw na mamatay ang mga ito. Kaso hindi niya alam kung makakukuha siya ng magandang sagot mula sa nilalang na ito.
Nararamdaman niya kasi na malakas ang enerhiya na nagmumula rito. Isang masamang nilalang na naninirahan doon sa gubat na iyon. At alam ni Elenor na ito ang may pakana kung bakit nagkahiwa-hiwalay silang pito. Hindi na niya alam kung saan ang mga kasama. Tama nga siguro talaga ang hula niya na ilan sa kanila ay hindi makalalabas ng buhay, o siya lang ang mag-isang magkalalabas.
“Excuse me, pwede bang magtanomg kung hindi nakaabala sa iyo?” tanong niya rito sabay tapik sa balikat nitong buto na.
Lumingon sa kanya ang bungkay. Hindi malaman ni Elenor kung ano ang klaseng emosyon nito na binibigay sa kanya ng mga oras na iyon. Pero alam niyang galit ang emosyon na namamayani sa lalaking bangkay na ‘to. Huminga siya nang malalim, habang inaalala kung ano ang dapat gawin sa mga ito.
Alam niyang nabasa na niya sa librong walang pamagat ang tungkol sa nilalang na ito. Kitang-kita pa nga niya ang pagkaka-ukit sa nilalang. Kaya alam niya na ito at ang nasa libro ay iisa. Kailangan niya lang patunayan kung ano iyon. Kung ano ang tawag dito.
Alam din ni Elenor na may kahinaan ang mga ito. Hindi niya lang maalala kung ano. Gusto niya sanang kunin ang libro na nakalagay sa loob ng kanyang suot na cloak pero hindi niya magawa. Baka makaagaw pansin iyon sa mga nilalang at maagaw pa sa kanya. Hindi niya iyon hahayaan na mangyari. Aalalahanin na lamang niya ang lahat kung paano ang mga ito tatalunin, o, kung ano ang kahinaan nito.
Napahinga nang malalim si Elenor nang hindi man lang sa kanya sumagot ang bangkay na lalaki. Kanina pa siya navhihintay sa sagot niti, pero mukhang wala yatang balak na sagutin siya. I
Tumulhim siya ng ilang beses pero hindi pa rin ito sumasagot.
“hello? Kiakausap kita, huwag kang bastos diyan,” muli niyang untag dito. “Ayaw mo ba ng isang mahika na nakabubuhay ng isang buhay?” enganyo niya pa rito.
Pero siyempre hindi niya naman ibibigay rito ang ginawa niyang magic poison. May paglalaanan siya para roon. Kapag patay na talaga ang mga magulang niya, iyon ang gagamitin niya sa mga ito, para muling mabuhay. But it no last forever, it just takes a decade. Para kay Elenor, ayos na iyo. At least, makasama niya nang matagal ang mga magulang. Iyon lang naman ang gusto niya, ang mapunan ang mga taon na hindi niya ang mga ito nakasama.
Tinitigan lang siya ng lalaki. Mukhang hindi yata nagsasalita ang isang nilalang na ito. Wala na siyang pagpipilian kundi gamitan ito ng Dead and Alive poison. Siyempre isang patak lang para madali rin itong mamatay. One drop of that poison, is equivalent to 1 month of living. Kapag matapos na ang oras at bisa ng magic na iyon, mamatay ulit ang paggamitan no'n. Pareho rin kapag buhay ang isang tao, mabubuhay ulit siya kapag mawala na ang bisa ng mahika na iyon.
Talagang pinag-isipan niyang gawin pinaghirapan, mapagtagumpayan lang ang mahika na iyon. Ilang taon siyang gumugol para lamang maperpekto ang mga steps.
Sigurado naman si Elenor na hindi naman masama ang nilalang na ito. Hindi naman ganoon kasama. Malakas ang kutob niyang mapapasunod niya ito sa mga sasabihin niya. Mukha naman kasi itong iwan sa paningin niya.
“Hey, papatakan lang kita nito ha? Tapos huwag kang ma-ingay. Kundi ako mismo ulit papatay sa iyo. Hindi ko alam kung ba't naawa ako sa iyo, e. Ang hirap mo kasing kausap. Mukhang wala kang alam sa mundo.”
Kinuha niya ang kanyang magic poison na nakatago sa kanyang pointed hat. May kapangyarihan iyon na makapagtatago ng mga gamit, at tanging siya lamang ang makakukuha mula sa loob. Hindi iyon gumagana kapag sa iba.
Walang pag-aalinlangan niyang pinatakan ang lalaki ng Dead and Live poison. Mabilis na gumalaw-galaw ang lalaki na tila pa binabawian ng buhay ng mga oras na iyon. Natumba ito sa kinatatayuan, hanggang sa binalot ng isng ulay berdeng usok hanggag sa iba-iba nang kulay. Ganoon ang epekto ng mahika sa isang patay na witch katula niya.
Ang ikinaganda lang ng magic poison na iyon ay hindi iyon tumatalab sa kanya. Kahit ilang beses pang patakan o ibuhos sa kanya iyon ay hindi. Ginawa niya iyon para maiwasan kung sinoman ang nagbabalak na patayin siya, tulad ng pagpatay sa mga magulang niya ilang taon na ang nakararaan.
Pinagmasdan ni Elenor ang lalaki na unti-unti nang nilulubayan ng makukulay na usok. Ibig sabihin, kompleto na ang epekto ng mahika sa lalaking bangkay.
Nang tuluyan nang mawala ang usok. Sumalubong kay Elenor ang lalaki na may pula at itim na damit. Nakasuot ito ng cloack. Mukahang kasing tandan niya rin ang lalaki. Maputi ang kutis nito, matangos ang ilong, makapal ang kilay ag mga pilik-mata, at ang pula pa ng mga labi. Perfect combination for the ideals of girls— like in the human world.
Hanggang doon lang naman ang oaghanga ni Elenor sa kagwapuhang taglay nito. Madali siyang maka-appreciate, at madali rin iyon mawala. Tulad ng mga pras na iyon, ang sagwa na ng istura ng lalaki para sa kanya.
Yumukod siya para tapikin ito sa pisngi. “Hey, gumising ka na diyan.” tawag niya rito.
Ilang ulit pa ang nagawa niyang pagtapik sa lalaki hanggang sa magising na ito. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. Black at brown ang kulay ng mga mata ng lalaki. Hindi nito nilubayan ang titig niya. Sinalubong din niya ang titig nito.
Tinanong niya kung ano na ang pakiramdam nito. “Ayos ka na ba? Pwede ka nang tumayo diyan and enjoy your dayof living. Yu have only 30 days,” ani pa ni Elenor nang pinapatayo ang nilalang.
Itinago na niya ang magic poison sa kanyang pointed hat, saka tinulungan niyang tumayo ang lalaki. Mahina nga ang enerhiya nito, ngaykng buhay na ito. Hindi na lamang niya ito paggamitan ng kanyang kapangyarihan, mas mabuti na ang tanungin na lamang niya ang lalaki sa mga bagay-bagay at gawin niyang utusan.
Titig na titig sa kanya ang lalaki nang tuluyan na itong makatayo. Napabuga nang malakas si Elenor saka umirap sa kawalan.
Hindi ba talaga ito nagsasalita?
“Sabihin mo sa akin kung ano kang klaseng nilalang,” utos niya rito.
Napakamot naman ang lalaki sa batok nito na tila nahihiya sa kanga. “Ako nga pala si Deco, ang isa sa mga bantay rito sa gubat ng patay. Anong ginagawa mo rito at nakapasok ka? Ipinagbabawal na makayuntong ang mga tulad niyo rito.”
Tumango-tango si Elenor sa sinabi ng lalaki. Makwento nga ang isang ito, hindi siya nagkamali.
“Salamat nga pala sa pagbuhay sa akin, pero bakit mo iyon ginawa? At paano mo nagawa ang mahikang iyon?” tanong pa nito.
Hindi siya sumagot. Hanggang maaari, walang makaalam sa proseso ng paggawa niya ng mahikang iyon. Tanging siya lamang ang makaalam, kahit mga magulang niya ay hindi niya pwedeng sabihin sa mga ito. Nag-iingat lang siya. At sigurado naman siyang alam ng mga magulang niya ang paggawa sa mahika na iyon.
“Wala, ginawa ko lang. Isa pa,may utang na loob ka sa akin. Kaya tutulungan mo ako sa gusto kong gawin at malaman. Okay lang ba?” sagot at tanong niya sa lalaki na si Deco.
Hindi naman nag-alinlangan na sumaglt sa kanya si Deco at agad na pumayag sa gusto niya.
“Kung ganoon, alam mo ba na namatay ang mga magulamh ko? Iyong mga witch na nagligtas sa Verdona mula sa masamang witch ng Arasor. Kailangan ko lang silang makita,” ani niya habang naglalakad na sila.
Agad namang sumagot ang lalaki sa tanong niya ng isang tanong din. “Sino ba ang mga magulang mo? Sa ganoong paraan, malalaman ko kung saan sila inilibing."
“Si Aida ang aking ina at si Benjo naman ang aking ama. May nalalaman ka ba sa pagkamatay nila?” sagot na tanong niya kay Deco.
Tumigil ang lalaki sa paglalakad na agad namang napansin Elenor.
“Kung ganoon, nagkamali ka ng iyong pinuntahan. Walang inilibing dito na Aida at Benjo ang pangalan. Sa tagal ng panahon ko na rito, at ilang taon nang naglilibing ng mga patay ay wala akong nailibing na mga magulang mo.”
Kung ganoon, tama ang hinala niya na buhay pa ang mga magulang, at nasa ibang dimensyon lamang ang mga ito. Iyon ang kailangan niyang malaman. Hindi pwedeng mapunta sa wala Ang lahat, nandirito na siya kaya kukunin na niya ang pagkakataon.
“Sa tingin mo, buhay pa sila?”
“Hindi ko alam, hindi ko masigurdo.”
Tumango-tango si Elenor. Kung sabagay, isa lang itong tagalibing, hindi pa yata ni Deco nagagamit ang kanyang kapangyarihan, kaya iguro ito rito ipinatapon sa gubat. Mas mabuting tulungan niya rin itong magbago ang buhay.
“Makalalabas ka ba sa gubat na ito?” tanong niya kapagdaka.
Kumunot ang noo ni Deco sa tanong na iyon. Bumabaktas pa rin sila sa gitna ng mga patay na nasa lupa na.
“Bakit mo naitanong? Kung may binabalak kang ilabas mo ako rito ay huwag ka nang mag-asa ng oras at panahon.”
Siya tuloy ang napakunot ng noo. “Kung ganoon, ang mga nilalang na makapapasok dito sa loob ay hindi na makalalabas ng buhay?”
Umiling agad si Deco. “Hindi, makalalabas naman. Iyon lang kung malalagpasan ng isang nilalang ang isang maze na matatagpuan sa gitna ng gubat na ito. Kung hindi, mananatili siya rito habang buhay. ”
Kahit ano pa ang sabihin ng lalaking ito sa kanta, hindu siya natatakot. Makalalabas pa rin naman siya ng buhay kahit na hindi siya sumali sa maze.
“Alam kong kakaiba ka. Makakaya mong lumbas dito nang buhay, pero ang mga kasama mo, hindi nila kakayanin.”
“Wala akong pakialam sa kanila. Kakikilala ko lang sa kanila. At wala akong oras para hanapin sila sa napakalaking gubat na ito.”
Hindi na komontra pa si Deco nang mga oras na iyon. Nanatili na lamang siyang tahimik, habang pinapasadahan ng isang mapanuring tingin si Elenor. Kahit na hindi siya magsalita, alam niyang isang makapangyarihang nilalang ang babae at hindi niya kaya itong labanan.
Mamatay na lang yata siya sa kamay ng babae. Saka isa pa, masaya siya dahil muli siyang nabuhay, kahit na isang buwan lamang kanyang ikatatagal.
***
Takbo nang takbo si Randal. Hingal na hingal na siya at hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Alam noyang hindi na nakasunod sa kanya ang babae na bungo. Pero kailangan niyang mag-ingat at baka anong oras lang at bigla na lamang itong lumabas mula sa kung saan at gulatin na lamang siya.
Ang inaalala niya ngayon at kung paano niya mahahanap ang mga kasama. Kailangan na ba niyang isigaw ang mga pangalan ng mga kaibigan, o kung ang manahumik na lang para hindi siya matunton ng babae na iyon.
“s**t naman, bakit pa kasi ako sumama dito sa loob,” tanong niya habang kumakamot sa kanyang noo dahil sa konsuminsyon na nararamdaman.
Wala na siyang magaaa kundi ang piliing manahimik na lang habang lilinga-linga siya sa paligid. Sana mahanap niga ang kanyang mga kasama sa pamamagitan no'n.
Patay na talaga sila sa kanilang professors. Oras na maabutan sila ng hanggang bukas at hindi pa rin nakauuwi. Nadagdan tuloy ang problema niya nang maisip si Elenor na isang baguhan at ito rin ay nawawala. Paano na lamang kung hindi niya ang mga ito makita? Kinakabahan na siya habang hindi alam ang gagawin.
Pinagpatuloy ni Randal ang kanyang paghahanap. Bahala na kung maabutan siya ng bukas. Ang importante sa kanya, mahanap niya agad ang mga kasama. Kahit na nakababaliaw ang humahabol na babaeng nilalang sa kanya.
Nappadyak ng kanyang paa si Randal dahil sa mga isipin. Sana nga ay madali lang ang lahat, nang sa ganoong hindi siya ganito ka weak.
“Saan na kayo? Dito na ako, hayst. Kung bakit ba kasi kayong lahat nawala at ako ang natira? Naman kasi kung bakit ako pa ag sumama! Nakakainis naman! Cargo ko pa tuloy ang lahat nang suliranin ngayon sa buhay! Patay na talaga ako nito sa pamilya ko.