Wala nang nagawa pa si Elenor nang hilahin na siya ni Randal papunta sa field kung saan ang mga kasama nito nag-e-ensayo.
Pagkababa nila sa field, agad na napatingin sa kanya ang limang kasama ni Randal. Dalawang babae saka tatlong lalaki. Binati agad ni Randal ang mga ito, nang makita silang dalawa. Nanatili siyang nakatayo sa likuran ng lalaki habang pinag-aaralan ang galaw ng bawat isa.
“Pare, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay,” ani ng lalaking may mahabang buhok hanggang balikat. Napatingin ito sa gawi niya, sabay kunit ang noo. “Saka sino iyang babae na kasama mo? Mukhang baguhan,” dugtong na tanong nito.
Ngumiti si Randal saka bumaling ito sa kanya. Inakbayan siya nito sa balikat, pero agad naman siyang umiwas. Kumamot na lamang ang lalaki sa batok. “Siya nga pala si Elenor. Bagong estudyante ng Witch Academy. Sinabihan ko nga siya na sumali sa grupo natin.”
Napatingin si Elenor sa gawi ng dalawang babae na ang sama kung makakilatis sa kanya ng nga oras na iyon. Nakataas ang kilay ng isa na may dilaw na buhok, hanggang balikat. Samantalang ang babae naman na may itim na buhok hanggang baywang ay matalas ang ibinibigay sa kanya.
“Maligayang pagdating sa Witch Academy, Elenor. Huwag kang mahihiyang magtanong sa amin, kung may gusto kang malaman,” ani ng babae na may dilaw na buhok.
Tumango si Elenor saka ngumiti siya ng peke sa mga ito. Pero hindi niya pinahalata na hilaw ang pinapakita niyang pakikitungo sa mga ito. Pakisasama lamang ang tanging paraan niya para makakuha ng impormasyon. Kung kinakailangang babaan niya ang pagkatao niya'y gagawin niya. Malaman lang kung buhay pa ba ang mga magulang niya.
“Ako nga pala si Asora, ito naman si Adoe.” Pakilala ni Asora sa sariki at kasama nitong babae na may itim na buhok.
Bumaling naman ang babae sa tatlong lalaki na kanina pa nakatingin sa kanya. “Ito naman si Gilbert, Damien at Harvy. Mag kagrupo kaming anim. Kung pipiliin mo ang grupo namin, ibig sabihin makasasama ka na naming anim sa labing dalawang miyembro ng hat. Makikilala mo rin ang iba bukas, natutulog na siguro sila sa mga oras na ito.”
Tumango siya sa mahabang litanya nito sa kanya. “Masaya akong makilala kayo. Huwag kayong mag-aala kung papipiliin ako, iyong grupo niyo ang sasabihin ko.”
Napapalakpak si Randal saka nakipag-apir ito sa tatlong lalaki na nasa kanilang harapan.
“Huwag kang mag-alala, masama lang talagang umutot itonh si Randal,” biro ni Damien sa kanya.
Nakitawa na lamang siya sa mga ito, kahit hindi naman siya natatawa sa sinabi nito.
“Sasama ka ba sa amin ngayon? Kung gusto mo?” biglang tanong sa kanya ni Harvy habang seryoso pa rin ang titig nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “Saan?” taka niyang tanong. Hindi naman niya kasi alam kung ano ang tinutukoy nito at kung saan sila pupunta.
Inakbayan siya ni Randal. Narindi siyang kunin iyon sa balikat niya. Pero wala siyang balak na kunin iyon. Baka mamaya, ma-offend niya ang lalakia t hindi na siya isama sa grupo nito.
“Sa gubat na lagim, kung saan ang ipinagbabawal ng mga professor na papasukin. Alam mo na, curious kami kung ano ang naroroon kaya lihim naming papasukin ang gubat na iyon,” sagot ni Randal..
Tumango-tango siya. Mukhang na curious din siya sa mga oras na iyon. Pero kailangan niya ulit magpanggap. “Hindi kaya baka mahuli tayo at parusahan?”
Agad na komontra sa kanya si Adoe. “Hindi nila malalaman, kung walang magsusumbong.”
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Kung ganoon, sasama na rin ako. Para malibot ko rin itong Witch Academy.”
Pumalapakpak ang anim saka sumigaw sila ng sabah-sabay na '‘yon!'
Napangiti na lamang si Elenor nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung totoo pa ba ang emosyon na kanyang nararamdaman, o sadyang blanko na talaga ang lahat para sa kanya?
Mabilis na lumipad silang pito papunta sa Witch Forest. Marieinig agad ang mga iba't ibang kakaibang huni ng mga insekto, habang papalapit pa lamang sila sa lagusan.
Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Elenor nagtaasan ang dugo niya sa buong katawan. This give her excitement to witness what is behind that dark forest. Hindi niya alam, kung tama ba ang nakikita niyang emosyon sa mata ng mga kasama, o, guni-guni niya lamang 'yon?
Kung anoman iyon, wala na siyang pakialam. Hindu niya lang sigurado, kung makalalabas ang anim niyang kasama na buhay sa kagubatang iyon. Gayong ramdam na ramdam pa niya ang mga isang malakas na enerhiya na nagmumula sa loob.
“Sigurado ba kayong papasok kayo sa loob?” paninigurado niya sa mga ito.
Kasi may pag-asa pa ang mga itong hindi na magpatuloy. Nang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga ito.
“Hindi, sigurado na kaming papasok. Ikaw, pwede ka namang magpa-iwan dito, kung natatakot ka,” ani Asora sa kanya, saka na itong nagsimulang lumakad papasok ng kagubatan.
Napatingin sa kanya ang lima. Kumibit- alikat na lamang siya. Isa-isang sumunod kay Asora ang mga kasama nito. Nahuli pa siya sa kanilang lahat, havang hindi mawala ang ngisi sa kanyang mga labi.
Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ang mga kakaibang nilalang sa loob ng gubat na iyon. Hindi lang pala silang mga Withces ang naninirahan sa Witches Island, kundi mayroon pang mga kakaibang nilalang.
Bigla tuloy siyang na-curious kung anong klaseng mga nilalang iyon.
Pagpasok sa loob, nababalot ng itim na usok ang buong paligid. Lalong lumakas ang tunog ng uwak, at nag-iingitan ang mga patay na sanga ng punong kahoy. Para silang nasa libingan ng mga patay.
“Hindi naman pala ito gubat, kundi gubat ng mga patay. Kaya pala ayaw tayong papasukin dito,” biglang turan ni Harvy na sumisipat-sipat sa buong paligid.
Biglang napanting ang taenga ni Elenor sa narinig. Kung ganoon, maaari niyang matagpuan ang puntod ng kanyang mga magulang dito sa loob.
Luminga-linga siya sa paligid. Nagbabakasakali siyang mamataan niya ang pangalan ng mga magulang. Kahit papaano ay mabigyan niya ang mga ito ng basbas, hanggang sa makalabas na sila sa gubat na iyon. O, siya lang na mag-isa ang makalalabas na buhay?
***
MASAMA ang pakiramdam ni Randal sa mga oras na iyon, habang naglalakad sila sa loob ng gubat. Hindi niya alam, pero kanina pa siya nakararamdam ng kakaiba sa paligid. Kanina lang niya binabalewala dahil baka guni-guni niya lang. Pero hindi, malakas talaga ang kutob niya na may kakaibang naroroon.
Tumabi siya kay Damien na tahimik ding nagmamasid sa paligid. Makapal pa naman ang usok sa paligid, hindi niya na tuloy makita ang ibang kasama kung nasaan na. Si Damien na lamang ang nanatili sa tabi niya ng mga oras na iyon.
“May nararamdaman ka bang kakaiba?” tanong niya dito, pero inignora lamang siya ng kasamang si Damien.
“Damien, hoy! Narinig mo ba ang sinabi ko?” kulit niya pa rito.
Nilingon siya ni Damien. “Hindi ko nga alam. Wala naman akong nararamdaman. Saka nasaan na ba ang mga kasama natin?”
Kumibit-balikat siya. “Hindi ko nga rin alam. Bigla na lang silang nawala.”
“Hanapin natin sila kung saan na sila. Makapal na ang usok sa gubat na ito. Ang ingay pa ng mga uwak,” ani Damien habang lilinga-linga sa paligid.
“Kung ganoon, dito ka sa kabila. Dito naman ako sa kanan, para madali natin silang mahanap.”
Agad namang tumango si Damien sa sinabi niya. Wala na ring nagawa si Randal kundi ang maghiwaly silang dalawa ng kasama.
Paghakbang palang niya, hindi na niga nakita si Damien nang lingunin niya ito. Mukhang nilamon na ng makapal na usok.
“Naman oh, sana hindi kami abutin hanggang bukas sa paghahanap,” bulong niya sa kawalan.
Ilang beses pa siyang lumingon-lingon sa paligid para makita ang mga kasama pero hindi na niya ito nakita. Makapal ang usok sa paligid, kaya't nahihirapan siyang hanapin ang mga kasama.
Huminga siya nang malalim. Sana hindi sila maabutan hanggang bukas sa paghahanap sa bawat isa.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang may makita siyang isang bulto ng babae. Sigurado siyang si Elenor iyon, pero agad napakunot ang noo niya nang marinig na parang umiiyak ang babae.
Agad niyang nilapitan ang babae. Tama nga ang hinala niya na si Elenor nga iyon. Tinapik niya ang babae sa balikat. At ganoon na lamang ang gulat niya nang lumingon ito.
“s**t! Monster!” bigla niyang naisigaw nang makitang bungo ang babae na akala niya si Elenor.
“Elenor! s**t!” sigaw niya habang tumatakbo. Nakalimutan na niya ang kanyang magic broom. Nilingon niya ang kanyang likuran kung humahabol pa ba sa kanga ang babaeng bungo pero hindi na.
O kung hindi niya lang makita dahil sa sobrang kapal ng usok sa paligid?
Bahala na, basta tatakbo na lang siya! Hindi na niya alam kung paano gagamitin ang kanyang kapangyarihan sa mga oras na iyon.
***
NAPATIGIL sa paglalakad si Elenor nang may marinig siyang boses. Sigurado siyang mula iyon kay Randal. Ngayon niya lang napansin na mag-isa na lang pala siyang naglalakad.
Pinakinggan niyang muli ang paligid. Pero wala na siyang narinig na boses. Hindi na lamang niya pinansin ang pangyayari sa mga oras na iyon.
Nagpatuloy siya sa paghahanap ng pangalan sa mga puntod. Hindi niya alam kung nasaan na siya naroroon, pero alam niyang hindi siya mawawala sa mga oras na iyon, dahil may mahika siyang susundan. Ang problema na lang niya ay ang mga kasama na nawawala.
Sa kanyang paghahanap, may nakita siyang isang bulto ng lalaki. Ngumisi siya nang marahas, sigurado siyang isa iyong impostor.