Lumabas ng kanyang silid si Elenor sala bumaba sa second floor. Dala-dala niya ang kanyang magic broom at pointed hat. Gaya nga ng sabi sa kanya ng isang sugo, matatapuan niya ang mapa sa kabinet at naroroon nga. Iyon ang tinitingnan niya sa mga oras na 'yon. Lilibutin niya ang buong academy sa tulong ng kanyang magic broom para hindi siya mapagod.
Bumaba siya sa first floor saka nagpalinga-linga sa paligid. Maramkng mga pinto ang sumalubong sa kanha. King ganoon, nasa dorm siya ng academy na iyon at hindi pa sa mismong silid kung saan sila nag-aaral.
Tumingin siya sa mapa at nakita roon kung saan ang main campus ng Witch Academy. Tama nga ang hinala niya, nasa dorm lang siya ng mga babae.
Pinakita niya sa kanyang magic broom ang mapa at su.akay rito. Mabilis na lumipad ang kanyang magic broom kaya napahawak siya rito nang mahigpit.
“Libutin natin ang buong akademya. Nang sa ganoon ay maging pamilyar tayo at hindi maligaw kung sakali,” ani niya habang kinaka-usap ang mga ito.
Ramdam niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala na naririto ulit siya sa Witches Island. Hindi niya rin inaasahan na papayag siyang pumasok sa Witch Academy. Nasira ang mga sinabi niya noong umalis siya sa mundo ng mga tao. Hindi talaga, mapaplanuhan at madidiktahan ang kapalaran.
“Hindi ka ba natatakot na maligaw, miss?” tanong ng isang baritonong boses na nagmula sa kanyang likuran.
Napabagal ang lipad ng kanyang magic broom at lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Namukhaan niya ang lalaki. Ito ang ang isa sa hallway kanina na humarang sa kanya.
Kumunot ang noo ni Elenor saka ito tinalikuran ng paningin. Bumaling siya sa unahan. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya rin pabalik.
Tumawa ito nang marahan. “Naglilibot din ako sa buong academy. Saka tungkulin ko ito bilang isang gwardya,” sagot naman nito sa kanya.
Umiling na lamang siya. Sa pagkakatanda niya ang pangalan Ng lalaki ay Randal, kung hindi siya nagkakamali.
Binilisan niya ang pagpapalipad sa magic broom para hindi na sumunod sa kanya ang lalaki. Pero mabilis naman itong sumunod sa kanya.
“Bago ka lang dito, ano? Saan ka galing? Ngayon lang kasi kita nakita, hindi ka naman taga-rito? Galing ka ba sa mundo ng mga tao? Half-human at witch ka ba?” sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
Hindi siya sumagot dito. Binalewala niya ang lalaki. Pero nakasunod pa rin ito sa kanya. Pinag-iisipan ni Elenor kung ano ang gagawin para mapaalis ang lalaki na nakasunod sa kanyang harapan.
“Hindi ka ba talaga feeling close? Snobber mo naman,” sunod pa nitong litanya.
Nilingon na miya ang lalaki, habang hinibigyan ito ng isang matigas na anyo. “Alam mo, ayaw ko sa maingay. Kaya pwede ba, lubayan mo ako? Gusto kong maglibot nang mag-isa.”
Tumawa na naman ang lalaki habang iiling-iling na nakatingin sa kanya. Imbes na matakot ito sa sinabi niya, mas lalo ngang sumunod ito sa kanya at sinabayan pa sa kanyang paglilibot.
“Kung alam mo lang na matagal na itong Tower saka Witches Academy. Alam mo bang maraming gusto na makapasok dito na mga witch? Maski nga ang mga Witch sa Arador hinangad na mapasakanila itong academy, e. Mabuti na lamang at hindi sila nagtagumpay.”
Napatingin si Elenor kay Randal nang mga oras na iyon. Kung ganoon, may alam itong lalaki sa buong Witches Island, at sigurado rin siyang may makukuha siyang impormasyon dito. Sa pamamagitan no'n mas mapapadali ang paghahanap niya ng katotohanan, kung ano ang totoong nangyari sa kanyang mga magulang.
“Tapos alam mo ba, kung hindi dahil sa dalawang bayani, siguro ngayon wala na ang Witches Island at nasakop na ito ng mga nilalang mula sa Arador.”
Lihim siyang nakikinig sa kwento nito. Hindi kumikibo si Elenor, hinahayaan niya lang ang lalaki na magkwento nang magkwento sa kanya.
Pwede niya pala itong kaibiganin saka gamitin sa mga impormasyon ma kanyang gusyong malaman mula sa Witches Island.
“Anong pangalan mo?” tanong niya kapagdaka, inignora ang kwento nito, kahit na gustong-gusto niyang makinig.
Hindi naman niya mamadiliin, baka mahalata nito na may iba pa siyang intensyon kung bakit siya pumasok sa Witch Academy. Unti-untiin na lamang niya iyon, hindi niya bibiglain.
“Randal, nakalimutan mo na?” taka nitong tanong habang magkasalubong ang kilay.
Napahinga nang malalim si Elenor nang mga oras na iyon. Hindi niya aakalain na may ganito sitang matatagpuan na lalaking madaldal. Wala pa yata siyang nakakilala na lalaking mabunganga. Isa pa, wala siyang kaibigan pa mula noon, kaya siguro naninibago siya sa mga pangyayari ngayon.
“Sinisigurado lang, baka kasi nagkamali ako. Masabi mo pang nag-iimbento ako ng pangalan,” katwiran niya na totoo naman.
“Huwag ka nang gumamit ng mapa. Sasabayan na lang kitanv maglibot. Trust me, alam ko ang pasikot-sikot dito saka ang mga secret passage na ang mga nakatataas lang ang may alam. Sekreto lang natin na dalawa. Huwag kang madaldal sa iba at baka mabisto tayo,” pabulong na sabi nito, habang kumilay-kilay pa.
Tama nga ang disesyon ni Elenor. Magagamit nga niya si Randal.
“Yan, ayan ang Witches Academy Main. Diyan tayo mag-e-ensayo kapag oras na ng activities natin. May mga expert na magtuturo sa atin,” turo nito sa isang malawak na hall. May boeachers din saka isang malawak na field.
Napatingin doon si Elenor saka siya tumango-tango. Kung ganoon, doon pala sila mmagpapamalas ng black magic kung sakali at kung ano ang kaya nilang gawin.
“Pinapapili ka muna nila niyan kung ano ang gusto mong grupo. Sana piliin mo ang Hat group, doon kasi ako. Matutulungan ka namin, mababait din mga kasama ko. Hindi ka iiwan sa ere,” ani nito habang nakangiti nang malapad.
Hindi alam ni Elenor kung ano ang sasagutin sa lalaki. “Paano kung hindi ako pipili at hayaan na lamang silang mag-decide kung saan ako?”
Kumibit-balikat ito sa sinabi niya. “Okay lang,magkaibigan pa rin naman tayo, kahit na ano ang mangyari. Saka isa pa, masaya na ako na makilala ka.”
Tumaas ang kilay ni Elenor sa sinabing iyon ni Randal. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Alam mo iyong pakiramdam na parang kilala na kita. Iyong ganoon? Hindi ko alam kung bakit.”
Hindi na lamang siya nagsalita at tumango na lamang. Mahirap nang patulan ang lalaking ito kapag ganito ang pinaparating sa kanya.
“Doon naman ginaganap ang parangal sa mga mag-aaral ng Witches Academy, kapag napagtagumpayan nila ang mga task na ibinigay sa kanila. Minsan lang maganap iyon, dahil hindi naman madalas may nanalo samga activities. At minsan din ang napagtagumpayan ang mga hamon,” patuloy pa nitong kwento sa kanya, sabay turo sa isang hall sa bandang kanan ng field.
Malawak din ang sakop no'n sa ibaba, kakaiba lang dahil may bubong iyon. Hindi gaya ng field na wala.
May dalawa pang building sa magkabilaan na sa hinuha ni Elenor ay ang mga faculties ng mga magtuturo sa kanila.
Hindi naman siya nagkamali nang iyon nga ang itinuro ni Randal at sinabi nitong iyon nga ang faculty room.
Maraming nakikita si Elenor na mga witches na pagala-gala sa paligid. Wari bang nagmamasid ang mga ito, at ang ilan ay nag-aaral at nagpapasyal.
“Gusto mo bang ipakilala kita samga kaaama ko?” biglang untag sa kanya ni Randal nang makarating na sila sa dulo ng academy.
Marami pa siyang dapat na libutin, pero kailangan niya munang magpahinga at ang kanyang magic broom. sa sobrang gamit kasi nito ay nanghihina rin ang ang kapangyarihan, at kanya rin.
“Ano? Mamaya ko na lang ituturo sa iyo ang nga secret passages para makapaghinga saglit itong magic broom natin,” anyaya pa sa kanya ng lalaki.
Huminga siya nang malalim. May pagkakulit din pala ang lahi ng lalaking ito. Hindi niya matyantsya.
“Mamaya na lang,nagpapahinga pa ako. Humuhugot ako ng lakas na makilala sila,” palusot niya rito.
Hindi naman nahihiya si Elenor sa mga kasamanni Randal. Wala naman siyang pakialam naman sa mga ito, kung ano ang sabihin tungkol sa kanya. Ang mahalaga sa kanya, naririto na siya sa loob ng witch academy. Kaunting panahon na lamang, at malalaman na rin niya ang katotohanan. At mas lalo niyang mapapalakas amg kanyang black magic.