Chapter 16

2040 Words
Ngumisi nang malaki si Elenor habang hinuhintay ang sagot ng matandang babae sakabyang harapan. Nanatiling hindi nakakilos ang matanda, na wari bang pinag-iisipan nito kung ano ang gagawin. Kung papayag ba ito sa kanyang kondisyon o hindi. Pero sa huli nagsalita naman ang matanda habang seryoso nang nakatingin sa kanya. “Sige, payag na ako. Ano ang kondisyon mo , Elenor?” matapang na tanong sa kanya nito. Kunyari siyang nag-isip nang malalim, para pag-aralan niya pa nang mabuti ang mga bagay-bagay at ang kanyang dapat na gawin. Ganoon na lamang ang paghinga nang malalim ni, Elenor nang matapos na niyang analisahin ang lahat. “Sabihin mo kung ano ang nalalaman mo tungkol sa pagkawala ng mga magulang ko. Gusto kong malaman ang buong katoyohanan, alam ko na alam mo kung ano ang totoong nangyari sa kanila. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin, mahal na pinuno,” banta niya sabay titig niya rito nang masama. Kita ni Elenor ng oaglunok ng laway ng matanda na nakatingala pa rin hanggang ngayon sa kanya. Wala itong kakilos-kilos sa kinatatayuan habang nakatitig pa rin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Sa susunod talaga, kapag gumawa siya ng panibagong magic poison, ang iimbntuhin niya ay ang makapagbabasa siya ng isip kahit saglit lang. Sa ganoong paraan malaman niya kung sino ang nagbabalat-kayo o hindi, kung sino ang nagsasabi ng totoo at hind. “Ano mahal na pinuno? Hindi ko gusto ang naghihintay nang matagal, mabilis aking mainip,” ani niya habang nakataas ang kilay. Tumikhim ang matanda saka tumango. Indikasyon na pumapayag ito sa kondisyon niya. “Kung ganoon, sabihin mo na sa akin ngayon ang buong katotohanan,” utos niya na tila nga nagmamadali. “Isa itong mahabang kwento, Elenor. Maupo ka muna at ikukwento ko sa iyo ang lahat.” Pinakawalan siya nito sa pamamagitan nv lack magic, sa pamamagitan no'n nakagagalaw na siya at may boses na ring lumalabas sa kanyang bibig nang mga oras na iyon. Tinanggal na nga ng matanda ang mahika nitong ginamit sa kanya. . Tumungo siya sa sofa at naupo roon. Hindi niya aakalain na matapos ang ilang taon ag malalaman na rin niya ang buong katotohanan. Pero hindu siya maniniwla nang lubos sa matandang ito na nsa kanyang harapan. Hindi siya lubusan na magtitiwla kahit kanino man. “Sabihin mo na sa akin, hindi ko ugali ang mahintay sa oangalawang beses,” kulit ko pa sa kanya nang nanatili pa rin siya roong nakaupo habang nakahalukipkip. “Noong araw na iyon. . . ipinatawag ko ang iyong Ina at ama sa isang malaking misyon na alam kong makakayanan ng iyong ama at ina. Kaya naman pinadala ko sa kanila ang sulat, para mapag-usipan nila kung tatanggapin o hindi.” “Binigyan ng misyon ang iyong ina at ama noong hindi ka pa ipinagbubuntis ni Aida. They killed one of the King of Arador, at iyon ay ipinagbunyi ng Witches Island. Ang hari na iyon ay ang pinakamasamang witch sa mundo ng Arador, he giving a curse to the human, kaya naman tinapos namin siya. Sa tulong ng iyong mga magulang.” Nanatiling tahimik si Elenor sa kanyang kinauupuan, habang pinag-aaralan ang galaw ng matanda sa kanyang harapan. Hindi alam ni Elenor kung maniniwala ba siya rito, o hindi. Nakikita niya kasi at ang sabi ng kutob niya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Kung anoman iyon, dapat nga batalaga siyang maniwala? Isa pa wala siyang naririnig na balita na may ganoong nangyari sa Witches Island. Kung nangyari nga iyon, di sana ay alam niya ito at kilala siya bilang anak ng isang bayani. Pero wala man lang nakakikilala sa kanya, bilang si Elenor. Hindi siya nagsalita at itinuon ang pansin sa matanda at nakikiramdam naman siya sa paligid. Baka mamawaya, mawili siya sa pakikinig ng kwento nito, may kung ano na pa lang itim na mahika ang ginagamit sa kanya. The queen of witch smile as she stare at Elenor. “Iyon ang pinakamasyangnangyari sa mundo ng Witches Island. We celebrated the victory of your mother and father. Pagkatapos no'n ikinasal silang dalawa at sila ay aking binasbasan. Naging masaya ang isang taon habang ipinagbubuntis ka na ni Aida. Walang gulo na sumira sa masasayang araw na iyon." . . .“ Naging tahimik naman ang pamumuhay natin dito sa Witches Island. Hanggang sa lumaki ka nang mga panahon na iyon. Hindi inaasahan na may anak si haring Deso na lalaki, hinanap niyaang mga magulang mo para paghigantihan. At noong mga oras na iyon, piniling labanan nila ang anak ni Deso. Simula nang araw na iyon, naiwan kang mag-isa at hindi na na sila nakabalik dito sa Witches Island.” Parang piniga nang ilang beses ang puso ni Elenor ng mga oras na iyon.hindi niya alam kung ano ang ipapakita na emosyon sa matanda. Natatakot siyang mabasa nito ang kung ano talaga ang nasa puso niya. Sabik na sabik na siyang makita muli ang mga magulang, pero hindi niya iyon ipapahalata sa kanilang matandang pinuno. Dahil kapag oras na malaman nito na apektado siya, maaring gawin nito iyong pain laban sa kanya. At iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. “Kung ganoon, iyon pala ang dahilan kung bakit ang mga magulang ko ay nawawala pa rin hanggang ngayon. Kaya pala hindi pa rin sila makita-kita dahil sa misyon na ibinigay mo sa kanila. Kung titingnan, ikaw ang may kasalanan kung bakit sila nawala sa buhay ko.” Humalakhak ang kanilang pinuno dahil sa kanyang sinabi. Kumunot ang noo ni Elenor dahil sa klase ng tawa nito. Nang-iinsulto ba ito? Hindi man lang ba ito nakonsensya sa sinabi niya? Umiling-iling ang matanda habang nagsalita. “Hindi ko kasalanan ang pagkawala nila, Elenor. Desisyon nila ang nagdala sa kanila sa misyon. May pagpipilian naman sila kung tatanggapin ba nila anv misyon o hindi. Pero sa kaso ng mga magulang mo, hindi nila ang kayanv tumanggi. Kaya tinanggap nila ang misyon na alam nilang ikamamatay nila. Kaya huwa mo sa akin isisi ang pagkawala nila. Dahil hindi ko iyon kasalanan.” Kumuyom ang mga kamay ni Elenor. Pinipigilan niyang sumiklab ang kanyang galit na namumuo sa kanyang dibdib. Baka hindi niya mapigilan ang sarili ay magamitan niya ng kanyang black magic ang pinuno ng Witches Island. Hindi alam niya alam kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi niya sa kaharap na matanda. Kung pwede lang sana na umiwas siya rito ay ginawa na niya. Pero hindi niya magawa, may impormasyon siyang kailangan dito. Kahit na mas matanda ito sa kanya ay wala siyang pakialam. Kahit pinuno pa ito ng Witches Island. Pumikit siya nang mariin saka bumuntonghininga. “Sige, payag na ako sa gusto mo. Papasok na ko sa Witch Academy. Basta masiguro mo na magugustuhan ko at hindi ako maiinip.” Pumalakpak ang matanda sa sobrang saya nang mga oras na iyon. “Bueno, kung ganoon, ipapatawag ko ang aking tatlong sugo at sila na ang bahala na maghatid sa iyong magiging silid. Bukas ulit tayo magkikita, kung saan makikilala mo ang mga makasasama mo sa Academy.” Tumango si Elenor at walang gana na tumayo sa kanyang kinauupuan. Kung ganoon, may makikilala siyang mga bagong witches. Sino kaya ng makalalaban niya at maka-close? Hindi na rin siya makapaghintay na i-break ang rules ng nasabing academy. Ramdam niya ang duging namuhay sa kanyang buong katawan, habang nakangisi nang malapad. Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Hindu na siya makapaghinty na gumawa ng eksena na ikagugulantang ng lahat ng academya. ** Gaya nga ng sabi ng pinuno ng Witches island, pinasundo nga siya nito sa tatlong sugo. Hindi na niya alam kung ano ang pangalan ng tatlo. Hindi naman na iyon importante. “Masaya kami at tinanggap mo ang offer ng pinuno, Elenor,” turan ng isang babae na may maikling kulot na buhok. Kasalukuyan na silang naglalakad ngayon sa labas ng tower habang papunta sa kabilang side nito kung nasaan ang Witch Academy. “Excited lang akong makapasok sa Witch Academy, at masaksihan kung ano ang ganap sa loob,” pagdadahilan niya na mayisang pekeng ngiti sa labi. Hindi naman niya hinayaan na mahalata iyon ng kanyang mga kasama. “Sumakay na lang tayo sa magic broom natin. Nakapagod nang maglakad sa lapad ng kaharian,” turan naman ng isang babae na may mahabang itim na buhok. Ganoon na lamang ang pagtawa ng dalawa nitong kasama sa sinabi nito. Samantalang siya ay nanatiling tahimik habang ino-obserbahan ang mga ikinikilos nito. “Oo, nga. Bakit ngayon mo lang naisip iyan?” ani naman ng babaeng may katamtamang haba ng buhok. “Ikaw, Elenor? Gusto mo bang maglakad o ang lumipad?” tanong naman nito sa kanya. Kumibit-balikat siya saka tumango. “Sa inyo, kung ano ang gusto niyo. Sasama lang naman ako.” Malawak ang kaharian ng Witches Island. Marami rin ang mga witch na gumagala sa itaas at sa ibaba. Marami na ring pamamahay sa hindi kalayuan na nagsisilbing bayan ng Witches Island. Malayo pa ang kinaroroonan nito mula sa tower. Pero kung liliparin lang naman ng magic broom, ay mabilis kang at malapit. Marami na ring mga puno na patay sa paligid. Walang araw sa kanila kundi palaging gabi. Madilim at nag-uusok sa palgid, marami ring mga uwak na nakahapon sa patay na sanga ng mga puno. Ganoon ang itsura ng kanilang kaharian, mistulang takot sila sa araw, pero hindi. Dahil nakalalabas naman sila sa Witches Island. Lumipad nga ang tatlo papunta sa Witches Academy kaya't sumama na rin siya sa mga ito. Maraming nagtinginan sa kanilang pagdating sa Academy. Sinalubong ng mga asirant witches ang tatlong sugo ng pinuno, at napatingin ang ilan sa kanya. Taas-noo siyang lumakad habang nakasunod aa likuran ng tatlo. Hindi maiwasan ang pagtingin na ipinupukol sa kanya ng mga babaeng witches at mga lalaking witches. Maganda ang Witch Academy. Matutulis ang roof sa itaas, habang may three storey naman ito. Malapad ang loob, tulad ng mga disenyo sa tower ay ganoon din sa academy. Walang pinagkaiba, parang hinulma lang doon dito. “Huwag kang maiilang sa kanilang mga tingin, Elenor. Normal lamang iyan kapag may bagong dating dito sa Academy.” Tumango lamang siya saka nanatiling tahimik. Hindi siya muna magsasalita ng kahit ano. Mananahimik muna siya at mananatiling mag-obserba sa paligid. Tumungo sila sa corridor ng second floor. Dito marahil ang magiging silid niya Huminto sila sa pang walong silid. Lumingon sa kanga ang tatlo na nakangiti. Binuksan ng may mahabang buhok ang silid na iyon saka siya iginiya papasok. Inilibot niya ang paningin sa loob. May malaking kama, may isang kabinet, may isang study table at lamp shade sa itaas, may isa namang pinto na sa hinuha niya ay banyo. May isa ring bintana kalapit ng kabinet. Hindi naman maliit at hindi naman ganoon kalaki. Sakto lamang sa iisang tao. “Ito ang magiging silid mo simula ngayon hanggang sa matapos ka na sa pagte-training.” Tumango siya sa sinabi ng isa sa tatlo. “Maraming salamat sa paghatid sa alon hanggang dito.” “May mapa sa loob ng kabinet kung gusto mo maglibot-libot sa buong akademya kung matapos ka nang mamahinga. Bukas ang simula ng iyong klase,” ani naman ng babae na may kulot na buhok. Tinapik siya nito sa balikat saka na lumabas. Naiwan siya sa silid na iyon na nag-iisa. Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad, habang ino-onserbahan ang buong paligid. Inilapag niya ang kanyang magic broom sa kama at ang kangang pointed hat. Tumungo siya sa bintana saka dumungaw roon. Maraming mga withces na naglalakad sa hallway ng academy. Nakikita naman niya kahit madilim, dahil sa liwanag ng buwan at sa mga apoy na nakasindi sa paligid. “Ma, pa. Nagbalik na ako sa Witches Island. Mahahanap ko na rin kayo pagkagapos ko makakalam ng impormasyon. Hintayin niyo lang ako, pupuntahan ko kayo kung saan kayo naroroon,” sambit niya habang nakatitig nang seryoso sa kawalan. Kinapa niya ang kanyang dibdib saka dinama ang paligid. Pakiramdam niya'y may kung ano ng nakayakap sa kanya ng mga oras na iyon. Iyon pala ay ang kanyang magic broom at pointed hat. “Maghanda na kayo sa bago nating adventure. Hahanapin natin ang katotohanan sa likod ng pagkawala nila mama at papa,” bulong niya sa mga ito saka rin niyakap niya pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD