kabanata 1
Bagsak ang balikat kong umuwi ng bahay. Habang hawak ko sa kanang kamay ang résumé na mag hapon kong hawak.
I graduated with a bachelor of science. Ngunit kahit isang trabaho o tawag ay wala ako nakuha sa mga apply na ginawa ko.
Napabuntong hininga ako ng pinoproseso ang pagod na tinamo ko mag sa hapon. Kita ko ang patawag ni Glenda sa aking basag na cellphone, pero hindi na ako nag abalang sagutin pa iyon. Dahil hindi sapat ang kikitain ko kung sa tindahan ako ng tiyenelas mag ta-tarabaho.
Pag pasok ko pa lang sa kahoy na gate ay sinalubong na ako ni Auntie Nida.
“Oh jusmiyo! Nariyan kana pala ang Nanay mo nag wawala na naman!” Si Tita Nida.
Kaagad akong sumunod kay Tita na nag mamadaling lumakad. Inihanda ko na ang sarili ko bago pa man ako makapasok ng bahay.
Pag bukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang gulo-gulo namin gamit sa bahay. Ang mga damit na luma ni Mama ay nakasabog sa lapag. Lahat ng iyon ay tingin ko basa ng tubig.
Nakita ko siya nakasalampak sa malamig na sahig. Gulo ang buhok at naka makeup, nang pulang lipstick na poborito niyang kulay.
“Maiwan na kita rito, Andra.” Ani sa akin ni Tita ay mabilis na pumihit ng alis. Alam niya kase ang mangyayari sa tuwing ganitong nag wawala si Mama.
“S-sige po salamat ko sa pag babantay kay Mama.” Ani mo. Ngumiti lang ito sa akin at pumihit ng alis.
Kinuha ko isa-isa ang mga damit niyang nag kalat. Ngunit naramdaman ko ang mabibigat niyang yabag sa aking harapan.
“Hindi ba’t sinabi ko nang wag kang aalis ng bahay ito!?”
Bumalot ang ingay ng boses niya sa maliit naming bahay. Tingin ko ay pati ang nangungupahan sa kabila ay narinig ang malakas niyang bulyaw.
Napapikit na lang ako ng isigaw niya sa pag mumuka ko ang tanong na iyon. Nag patuloy ako muli sa pag dampot ng damit.
Pero mabilis niya sa aking kinuha ang mga damit sa aking kamay. At isinabog muli iyon sa lapag.
“M-ma, nag hanap po ako ng trabaho.” Gusto kong maiyak. Pero pilit kong pinipigil iyon sa harap niya.
Pero nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa akin. At kinuha ang timbangan at ang medida sa cabinet at ibinagsak iyon sa harapan ko.
“Kumain ka ha!? Kumain kaba ng kung ano ano habang wala ako sa tabi mo ha?!”
“Kaya kaba umalis sa bahay? Dahil kumain ka?!” Duda niyang sinabi at hinila ako upang maiapak ko ang aking paa sa timbangan niya.
Napapikit na lang ako. Habang wala akong ginawa kundi pag masdan si Mama, na tinitingnan ang kilo ko kung dumagdag ba iyon.
“Dumagdag ito Andra! 109 lbs lang iyan, ngunit pag labas mo ay 110 na!”.
“Sinungaling ka talaga bata ka!”
“Ma, uminom po ako ng tu—.” Hindi ko na natapos iyon ng mabilis lumipad sa pisngi ko ang kamay niya.
Halos indahin ko ang sakit sa ang pisngi ko. Ngunit di pa man ako nakakabawi ay kaagad na niya ako naitulak mula sa pag kakatungtong ko sa kilohan. Dumulas ako duon ay malakas na lumagapak sa sahig.
Hinang hina akong napatitig kay Mama. Nag aapoy ang mga tingin niya sa akin. Kasabay nun ang unti-unting pag tulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Pagod na ako. Pagod na pagod na.
“Hindi ka kakain ng kahit ano ngayon gabi! Kahit pa tubig ay hindi ka iinom! Pag tumaba ka ay hindi kana makukuhang modelo katulad ko.” Natatawang sabi nito sa akin.
Gamit ang medida tinitingnan niya ang sukat ng akin braso, likod, tiyan.
Sa pagkakataong ito isinakal niya sa akin ang medida ng makita niya ang pasa ko sa aking braso.
“Letche ka! Ano to? Ano to?!!” Halos mamalat na ang boses niya kakasigaw.
“Nadulas po ako Mama!” Ako. Halos mabasag ang boses ko
“Nadulas ka? Paano na ang balat mo pag pinabayaan mong ganyan? Paano ka magiging modelo?!” Gigil na singhal nito.
Siya ang gumawa ng pasang iyon. Hindi niya alam. Dahil wala naman talaga siyang alam at pakealam.
Napayuko na lang ako. At hinayaan ko siyang mag sukat ng mag sukat. Ngunit mabilis nitong kinuha ang buhok ko at pinatingal sa kanya.
“I-i... don’t.. want to be a model... Ikaw lang ang may gusto ng bagay na iyan Ma!” Ani ko habang nakatingala at pumapatak ang luha.
Nag tagis ang bagang niya at mabilis niya akong pinaghahampas. Hinayaan ko sa ginagawa niya hanggang sa mapagod ito.
Pag dilat ko ay madilim na sa bahay. Kung saan ako bumagsak kanina ay sa lugar narin ako na iyon nagising.
Narinig ko sa kuwarto ni Mama ang malakas niyang pag tawa at pag iyak. Napayakap na lang ako sa aking tuhod ay mataimtim na umiyak.
My mom was a rape victim. Sabi ni Tita ni Nida ay isang sikat na modelo ang Mama ko nuong kapanahunan niya. Sobrang sikat siya at maraming nag kakagusto sa kanya. Kahit pa ang iba ay taga ibang lahi. Nabibighani sa aking niyang kagadahan. Pero kalaunan may isang mayamang lalaki raw ang nag kagusto kay Mama. A powerful man.. isinama daw si Mama ng lalaki.. ngunit sa ilang buwan niyang pagkawala. Bigla na lang daw si Mamang iniuwi ng mga tauhan ng lalaking iyon. Naiuwi si Mama kina Tita Nida na wala na sa sariling katinuan.
She was raped and drugged... Sabi naman ng iba ay kabit daw ang Mama ko kaya’t nabaliw ng iwan ito ng lalaking iyon.
Matapos iyon ay nalamang buntis si Mama.... Buntis siya sa akin... Pero ni isa ay walang makapagturo kung sino ang aking Ama.
Nang mag simula akong mag hanap ng trabaho. Tila pinag lalaruan na ako ng tadhana.
“Naku Hija, hindi kami hiring ngayon. Sa iba kana lang mag apply.” Ani ng may ari ng mini resto na pinapasukan ko.
Napatingin ako sa dingding kung saan nakasabit ang hiring for helper nila. Kaagad nabaling ng tingin ruon ng lalaki at mabilis itong tinggal sa pag kakasabit.
“Wala na. Nakakuha na kami kanina pa, nalimutan ko lang tanggalin ito.” Aniya. Kahit pa ang totoo ay tingin ko ayaw niya talaga akong kunin.
Tumango lang ako at ngumiti. Pero bago ako umalis at dinukot ko ang kapirasong papel at kinuha ko ang aking ballpen upang isulat dun ang numero ko.
“Eto po ang numero ko. Puwede niyo po akong tawagan kapag nangangailangan kayo.”
“Kahit pa dishwasher lang or taga tapon ng mga basura.” Ani ko. At pinunit ang kapiraso ng papel at iniabot sa kanya.
Napangiwi lang siya sa akin. At kinuha iyon, umalis siya sa aking harapan. Dahil tingin ko ay nauubos ko na ang oras niya. Nakita ko ang pag tapon niya ng papel sa dustbin.
Kinagat ko lang ang labi ko. At inayos muli ang sarili ko. Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob, kung malungkot man ako dahil sa napakadaming rejection na inabot ko sa araw na ito. Malulungkot lang ako ng mga ilang oras at pupulitin kong muli ang sarili ko.
Wala ako karapatang panghinaan. Kung pati ako ay manghihina wala nang pundasyon ang masasandalan ni Mama. Bukod sa lungkot ay magugutom kaming dilat parehas.
Hinabay ko ang buong syudad ng Dela Rosa. Pero katulad kahapon ay wala parin. Pero hindi ako pinanghinaan muli ng loob ng makita ko ang isang food court.
Hinaplos ko pa ang Rosario ko sa loob ng bag, bago ako pumasok sa isang kilalang Mall rito sa Dela Rosa.
Sakto ang pag pasok ko. Dahil naruon ang manager. Ang manager na tila may itinuro sa waiter na kausap nito. Kaagad ako lumapit ruon at naagaw ko ang atensyon niya.
“Hello Sir... Hiring pa po kayo?” Tanong.
“Hello Mam, yes hiring kami.” Aniya.
Inaya niya ako sa isang maliit na opisina. Naupo itong sa isang maliit na swivel chair. Kaya’t naupo naman ako sa upuan sa tapat ng lamesa niya.
“We are hiring mam janitress. Anyway Mam, may experience kana ba nuon bilang isang janitress?” Tanong niya na nakangiti sa akin.
“W-wala po Sir. Pero—.” Pinutol niya ako.
“But if you really want to work as a janitress but you don’t have experience, there is no need to be discouraged.”
“Your lack of experience doesn’t necessarily mean that you won’t be able to get hired as a janitress.” Segunda pa niya.
“Talaga po?” Nag liwanag ang ngiti ko na tanong sa kanya. Dahil talagang hindi ako makapaniwala sinabi niya.
“Yes Mam, asan po ang résumé niyo?” Tanong niya sa akin.
Inayos ko ang kaonting lukot sa papel na hawak ko bago ko iniabot sa kanya.
“Andra Mira Alvarez..” basa niya.
Pero nawala ang ngiti nito sa labi ng basahin ang pangalan ko sa résumé na inabot ko sa kanya. Kaagad itong tumawag sa telepono malapit sa kanyang desk.
“Yes mam, ohh are we not hiring anymore? Yes mam.” Ani ng manager.
“Mam Alvarez, we are very sorry... Pero hindi na po hiring ngayon.” Aniya.
“Po? Bakit po?” Nalilitong tanong ko.
“May nakuha na kami ngayon. Pasensya na Mam..” kita ko ang awa sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Ganun po ba.. pero eto po ang numero kung sakali na nag hahanap po kayo muli. Maari niyo akong tawagan.” Ako. Napilit binubuo ang boses.
Dahil sa tuwing mag a-apply ako ay sa una. Tila ba makukuha ko ang trabaho pero sa huli ay mauuwi lang iyon sa rason, na hindi na sila hiring at manakuha nang iba.
Tumayo ako na bagsak ang balikat. Kinuha kong muli ang résumé ko na lukot na, halos dahil sa paulit ulit na apply. Pati yata ang résumé ko ay pagod na rin sa rejection.
“Salamat po.” Ani ko. At yumuko at umalis.
“I have a job that I want to recommend to you.” Ang manager. Bago mahawakan ang siliyador ng pinto.
Napahito ako. At kaagad na pumihit ng harap dala ang walang katibagan na ngiti.
“Talaga po?!” Masayang sabi ko. Kita ko ang pag hila niya sa maliit na drawer ng isang flyer.
“Eto Mam.” Aniya at siya mismo ang lumapit saakin at iniaabot ang isang...
“Sa club po?” Ako na di makapaniwala.
“This is not a cheap club. This is one of the famous clubs in Dela Rosa, waitress ang hanap nila at tingin ko ay pasok sa lugar na iyan.” Aniya.
Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung iniisulto niya ako. Ngunit di ko na iyon pinansin.
Kinuha ko ang flayer at umalis sa harap niya. Pag labas ko ay pinag masdan kong mabuti ang Flayer. Base sa itsura ng club at tingin ko isang high end ito. Nakikita ko kase sa isang commercial ang club na ito. At di ko inaasahan na i-rerecomenda ako rito.
Hindi na ako nag sayang ng oras. Sumakay kaagad ako sa tricycle.
Tinungo ko ay ang isang Underground Lounge. Yun ang pangalan ng Club na iyon. Pag pasok ko pa lang ay tumambad sa akin ang isang maganda club. Wala pang tao sa lugar dahil karaniwan sa mga club ay gabi.
“She’s here!” Bulong ng isang babaeng nasa wine counter.
Kaagad lumabas ang manager na lalaki sa counter. Alam kong siya ang manager dahil sa nakadikit sa dibdib niya ang pangalan at posisyon niya.
“Andra Mira Alvarez, Right?” Bungad sa akin at nag lahad ng kamay. Napakunot kagaad ang nuo ko.
Bakit kilala niya ako, hindi ko pa naman binibigay ang résumé ko.
“Y-yes... Balita ko ay hiring daw po kayo?” Tanong ko.
“Yes. Hiring kami puwede kanang mag simula sa trabaho.” Aniya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.
“Maribel! Kunin mo ang uniform niya para makapag simula siya mamayang gabi.” Utos nito sa nasa counter na si Maribel.
“Eto po yung résumé ko.” Inabot ko iyon. Halos matawa ito ay kinuha iyon.
“Ohh I almost forgot.” Bulong niya sa kawalan.
“Andra Mira Alvarez? Daughter of Cassiopin Alvarez right?” Gulat na tanong nito.
“Ohh gosh!” At nanlalaki ang matang napatitig sa akin. At pinagmasdan ako. Tila gulat na gulat ang itsura niya. Habang ang mga mata ay di maalis sa aking mukha.