Ipinaliwanag nila ang nagiging trabaho ko bilang isang waitress. Simple lang naman ang ginagawa, at tingin ko naman ay kakayanin iyon ng katawan ko.
Providing food and beverage service to club guests. Ganun lang iyon napakasimple 20,000 ang sweldo ko sa isang buwan. Sakto na iyon para makakain kami ni Mama at makabayad ng utang at mga pangangailan namin.
Medyo mahal kase ang gustong pagkain ni Mama. Puro iyon mga gulay letus, carrot mga ganun. Yun daw kase ang diet meal ni Mama nuong model ito. Kaya’t yun lang rin ang nakalakihan kong pag kain.
Wala akong ibang kinakain na pagkain kundi ang lahat ng gusto lang ni Mama. Mahigpit niya ako binawalaan sa lahat ng pag kain puwedeng makasanhi sa aking upang tumaba. At mahigpit na ayaw ni Mama ang tumaba ako. Sa akin ay walang problema kung mataba o hindi ang katawan ko. Ngunit ang desisyon sa aking katawan ay talaga si Mama ang nasusunod.
“Kamusta ang pag hahanap mo ng trabaho?” Si Glenda na kasabay kong namimili ng gulay.
“Natanggap na ako, pero di ko pa alam kung paano mag paaalam kay Tita Nida, para makapag simula.” Sabi ko. Habang tinitingnan ang sariwang kamatis sa aking harapan.
“Ewan ko. Tingin ko kay Ate Nida na papagod na rin yon. Minsan kase umaalis si Tita Cass, na tutungo sa labas para mag libot.” Si Glenda.
Napatingin ako kay Glenda sa sinabi niyang iyon, wala naman kase sinasabi si Tita sa mga ginagawa ni Mama, pag wala ako.
“Hindi mo alam?” Tanong niya.
“H-hindi... Walang sinasabi si Tita.” Ako.
Napailing ito sa akin.
“Sabagay di niya iyon sasabihin. Dagdag pa kase sa isipin mo.”
Nahihiya narin ako kay Tita. Dahil sa tuwing aalis ako ay siya ang sumasapo sa mga responsibilidad na dapat ay ako ang gumagawa.
“Ang mabuti pa mag pakbet kana lang masarap yan presko ang mga gulay ngayon.” Aniya at kumuha rin ng kamatis.
“Pakbet?” Tanong ko.
Umasim ang mukha nito at tumingin sa aking muli.
“Pakbet... Eto yung pinagsama sama yung gulay at lalagyan mo ng tinapa, para mas masarap!” Tila isang mahika niyang sabi.
“ahhh.... Ayaw ni Mama niyan.” Ako at kumuha ng petchay baguio.
“Ewan ko ba sayo, puwede ka naman kumain ng kahi ano. Pero mas sinusunod mo si Tita.” Si Glenda.
“Masunurin kase akong anak!” Biro ko.
Napanguso lang ito at namiling muli.
Ilang minuto lang ang itinagal namin sa pamimili at umuwi na rin kami. Nang tingnan ko ang phone ko ay mag aalas singko na. May oras pa ako para makapag luto at saing.
Kaylangan ko narin ba linisin si Mama. Upang pati ako ay makapag ayos. Unang gabi eto ng trabaho kaya’t kung nararapat. Ayokong malate na kahit isang minuto man lang.
“Dadalhan kita ng pakbet pag kaluto ko ha! Kainin mo yun.” Si Glenda na hanggang pag uwi ay pakbet ang nasa bibig niya.
“Oo... Sarapan mo ang pag luluto kase first time ko na kakain ng ganun.” Aniya ko.
“Ano kaba! Oo naman ingat Andra!” Paalam niya sa akin.
Kababata ko si Glenda, halos kapatid na ang turingan naming dalawa. Hindi na siya iba sa akin. Ang Mama Nelly, niya ang minsang tumutulong sa amin kapag nag wawala si Mama. Kaya’t malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya niya.
Hinabay ko ang papasok sa gate namin. Nakita kong nakakandado ang pintuan nito. Tingin ko ay nauna nang umuwi si Tita at di na ako nahintay.
Pero bago kunin ang susi ay ilalim ng halamanan. Makalas na sigaw ang nag patalon sa akin.
“Rapist!! Rapist!”
“Parang awa mo na!”
“Maawa ka sa akin!”
“Ahhh! Ahhh!”
“Mga walang hiya kayo! Walang hiya ka!”
Sa sobrang lakas ng iyak ni Mama. Halos masira ko ang pinto dahil sa mabilis na pagbubukas. Nang mabuksan ko ang pinto nakita ko si Mama. Nakaharap ito sa TV at iyak nang iyak.
“Ako si Zeus Calderon. Gagawa ng hakbang para ang lungsod ng Dela Rosa ay mas maging maunlad na mamayan!”
Ang dating Gobernador ay tatakbong muli. Dati na siyang gobernador ng lungsod. Pero dahil sa issue niya noung matagal na panahon na. Bumaba daw ito sa pagkakaluklok. At ngayon ay tumatakbong muli si Zues Calderon.
Ang mga mata kong nakatitig sa TV ay napabaling kay Mama.
“Ahhh!!!! Rapist!!!” Sigaw ni Mama habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa dalawang tenga.
Lumuhod ako upang mag lebel ang tingin namin.
“Ma, narito na po ako.” Mahinahong sabi ko.
“Rapist!!! May rapist!!” Ngunit patuloy parin niyang isinisigaw ang katagang iyon.
“Ma!” Naiiyak na sabi ko na.
“May Rapist! Anak may Rapist!” Sigaw nito sa harap ng TV.
“Kita mo? Pinapanuod niya ako hanggang ngayon ang rapist!” Histeryang sabi niya.
“Ma naman! Ma!” Halos sabayan ko na ang mga sigaw niya. Nanggigilid na rin ang luha ko.
Niyugyog ko na ang balikat ni Mama. Parang ibaling sa aking ang atensyon niya. Ngunit wala iyong epekto.
“Halika mag tago ka!” Tumayo ito at hinila ang maliit kong braso para ilagay niya ako sa malaking cabinet namin.
“Ma, wala pong rapist h-hanggat na rito po ako walang makakalapit sayo...” Halos mamalat na ako. Hindi ko makayang ganito si Mama. Kahit pa simula ng iluwal ako sa mundong ito ay ganito ko na siya kinamulatan.
Nadudurog parin ang puso ko sa tuwing aatakihin siya ng takot. Na wala makapag sabi ng totoong dahilan.
Hindi ko siya matulungan. Wala akong magawa bilang anak para sa kanya.
Ilang minuto ako nasa loob ng cabinet, hanggang sa mauliligan ko ang pag kalma ni Mama, narinig ko ang pag hihiwa nito ng mga gulay sa kusina.
Nang bumaba ako sa cabinet. Naabutan ko ang mga diet vegetable na ihinda niya. Maaliwalas na ang mukha di tulad kanina.
“Let’s eat!” Masayang sabi nito. Habang hawak ang isang malaking bandehado ng gulay.
“Kain ka ng maraming gulay ha?” Malambing niya sabi sakin.
“Opo Ma.” Ako. At pinagmasdan ang inilapag niyang pagkain.
Tahimik kaming kumain na dalawa. tanging tunog lang ng kutsara at tinidor lang ang naririnig sa buong maliit na hapag.
Nang matapos ay ihinda ko na ang iniinomin niyang sleeping pills. Isang gamot na lang iyon. Siguro’y babali na lang ako sa manager ko mamaya.
“Ma, eto po.” Ako at iniabot ang isang pirasong gamot. Aprobado ng doctor ang gamot niya na iyon. Dahil kung di siya iinom ay di ito matutulog.
“Wag mo kong iiwan Anak!”
“Wag mong iiwan si Mama!”
“Baka hanapin ako ng rapist.” Aniya at kinuha ang gamot.
“O-opo... Hindi kayo iiwan ni Andra!” Masayang sabi ko. Kahit ang boses ay nanginginig na sa panghihina.
Napatingin ako sa screen ng aking cellphone, habang hinahabol ang oras. Hinintay ko pang makatulog si Mama. Bago ako nakaalis.
“Dito na lang oh Manong!” Pag para ng makarating ako sa tapat ng Underground Lounge Club. Ibang iba ito ng mag punta ako ngayong gabi.
Dito tulad sa umaga na ang tahimik. Pero ngayon sobrang ingay nito at ang mga ilaw ay malilikot at patay sindi. I wonder who owns this Club. Kaagad lang ako nakapasok sa lugar na ito, na hindi ko kinailangan ng mga interview na katulad sa may tipikal na trabaho. Hindi ko maiwasan na hindi mag taka. Pero sakabila nun. Ayos na rin iyon.. tingin ko naman ay pumabor ang trabahong ito sa akin.
Kaagad akong nag tungo restroom upang makapag palit ng damit, may nakasabay rin ako sa loob na dalawang babae na siguro’y kakarating lang rin para mag bihis.
“Sana ay ako ang mag reserve ng inuman nila!” Bulong bulo iyon sa restroom.
“Malabo iyon, tingin mo ba tatapunan ka ng tingin ng mga taong ganun. Syempre hindi.” Mapaklang sabi pa ng isang kasama nito.
Napanguso ako ng tingnan ko ang size ng suot kong mini skirt. 25 iyon samatalang ang beywang ko ay 24 lang. Kinuha ko ang maliit na clip sa akin bag. Saka ko iyon inilagay sa gilid.
Puwede na siguro ito. Tatahiin ko na lang pag uwi ko ng bahay. Hindi ko kase ito sinukat. Nang makauwi ako dahil naubos na rin ang oras ko dahil sa pag wawala ni Mama.
Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang dalawa. Ngumiti ako sa kanila. Pero napawi lang iyon ng ismiran lang nila akong dalawa at iwan.
Binaliwala ko iyon.
Tingnan ko ang itsura ko sa salamin. Nag lagay ako ng kaonting liptint sa aking pisngi at labi. Hindi ko dinamihan ang lagay. Dahil maputi ang balat ko, pakiramdam ko parang itlog na pula ako, kung dadamihan ko ang lagay. Nag lagay lang ako ng sapat.
Pinasadahan ko ng haplos ang aking suot na polo sleeve at lumabas sa restroom.
Sumabog ang malakas na ingay sa buong club. Ang mga taong medyo lasing ay lalong nilalasing ng kakaibang tunong ng club. Umaapaw rin ang tao sa dance floor, lasing ang iba na nag sasayaw sa ritmo ng tutugin. Ang iba ay halos mag dikit ang buong katawan
“Two margarita and 3 bottles of wine..” pag ulit ko. Habang inililista ang nais na alak ng nasa ibabang table.”
“Add ten shots of tequila please..” ani ng babaeng umorder sa akin ng inumin.
“And again one bucket of beer!” Pahabol niyang muli.
“Alright mam.” Pag kumpirma kong sabi.
Kaagad akong dumiretso sa wine counter at inilagay ang order ruon. Kaagad rin yun pinasadahan ni Marlon ang bartender at inilagay lahat ng order sa tray upang maihatid ko ruon.
“Masyadong marami kung isahan mo itong idadala.” Aniya na nag aalala.
“Babalikan ko na lang siguro.” Ako.
“Ingat ka malalim na ang gabi masyadong ng maraming lasing. Report ka kaagad pag may nang bastos sayo ha.” Aniya at kumindat sa akin.
Dalawang balik ang ginawa ko sa isang table na iyon.
Kita ko ang pag hahanap sa akin ng manager sa dagat ng mga tao. Alam kong ako ang hinahanap niya base sa matang niyang litong lito na nakatingin sa akin.
“Hey Andra!” Sigaw nito sa akin. Kaagad akong lumapit sa kanya.
“Yes sir?” Ako.
Hinila niya ako sa bar counter at kinuha ang aking tray.
Pero bago pa siya mag salita ay napuno ng bulong bulungan ang buong Club. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo nila ng dumating ang tatlong lalaking naka White, Black at Blue polo long sleeve.
Sa entrada.
It was Aiden and Khairro. Nakikita ko sa TV ang dalawang ito at walang taong hindi makakakilala kay Aiden he’s MMA fighter. At si Khairro Fuentes naman ay kilala sa business na Banking.
“The Governor’s Son. Perseus Riley Calderon, he’s hot balita ko ay kakauwi lang niya galing state.” Sabi ng babaeng malapit lang sa akin.
“I think because of he’s Dad Zeus Calderon. Kaya siya narito.” Ani ng katabi nito.
“Yeah, I think he is here because Calderon’s Corporation.” Ani ng nauna.
“Tingin ko ay ipapamana na sa kanya iyon. Kaya’t umuwi siya rito.” Singit ng babaeng naka pulang sexy dress. Na halos sundan ang bawat galaw ng Persues na iyon.
Napatingin akong muli sa taong pinag uusapan nila ang Persues Riley na iyon. Totoo nga ang sinasabi nila. He’s hot, kahit sinong babae yata at kaya niyang baliwin.
He’s wearing a blue polo long sleeve t-shirt. Nakatiklop iyon hanggang siko. Nangingibabaw siya sa dalawang kasama niya dahil sa maputi nitong kulay. Katulad niya ay may banyagang features rin ang dalawa sa likod niya.
Halos lahat ay sinundan sila ng tingin. Kaagad silang sinalubong ng iba pang kababaihan sa itaas. VIP ang itaas kaya’t nasisiguro kong puro mayayaman ang nasa parteng iyon. Mayaman naman ang lahat rito. Pero ang presyo ng itaas ay triple pa kaysa sa ibaba.
“Kilos na!” Ani ni Sir sa akin ng makita niyang pati ako ay tulala rin.
Kaagad niya ako hinila at idinala sa counter. May ibinulong ito kay Marlon.
Nanlaki ang mata ng dalawa na napatingin sa akin. Pero nag iwas rin ng tingin.
Kaagad inilagay ni Marlon ang bote ng Scotch sa tray at nilagyan ito ng tatlong shot glass.
“Serve it to the VIP. Ang manager.
Kaagad ko iyong kinuha at nag hinabay ang dagat ng tao. I saw the three again... Si Aiden na hinahaplos ang hita ng babaeng kasama, habang si Khairro Fuentes ay may kaakbay na babae.
Habang ang Persues Riley Calderon naman ay walang emosyo na nakatingin sa akin.
Naramdaman ko ang pagsunod nila ng tingin sa akin. Nang ibaba ko ang bottle ng whiskey sa mesa nila.
Kita ko ang pag side eye ng dalawa kay Persues habang nakangisi.
“Are you new here Miss?” Tanong ni Aiden sa akin. Napatingin kay Persues.
“Y-yes sir...” Magalang ko sabi habang ang hawak kong tray ay inilagay ko sa likod ko.