“Oh, so how older you?” Si Khairro naman ang nag tanong. Kita ko ang pag tuon ng pansin ng buong lamesa sa akin. Kahit pa ang pamilyar sa akin na mga lalaking modelo at mga babaeng artista, ay natuon ang pansin sa akin sa pag tatanong ng dalawa.
“20 na po ako Sir.” Ako.
“You’re too young to work here. Maliban dito, do you have any other work?” Tanong ni Aiden sa akin. Habang napangising tumingin sa kay Mr. Calderon.
“W-wala na po...” Nahihiyang sagot ko. Hiyang hiya nako, gusto ko na lang ay matapos na ang pag tatanong nila upang makaalis ako ng nila table.
“Ohhh, you should work with Perseus. He needs a personal assistant tho..” si Aiden na mas binaling ang tingin sa akin. Nakita ko ang pag hawak ng babae sa biceps niya. Pero hindi niya iyon pinansin.
“Puwe—.” Pero na putol iyon.
“Why would I hire that girl?”
“Nor does she know anything about modern life. In short masyado mababa ang katulad niya para maging personal assistant ko.” Matigas na sabi ni Persues Riley Calderon. Sa akin.
He stares at me intensely. Pakiramdam ko matutunaw ang binti ko dahil sa pinamamalas niyang mga tingin. Puno iyon ng disgusto at panghuhusga.
“Y-yes.. po hindi ako siguro qualified para sa trabahong iyon.” Napayuko ang ulo ko. Pakiramdam ko nag iinit ang sulok ng mata ko sa akin narinig.
“Do you have anything else to order sir?” Ako na nakayuko parin at di makatingin.
“Is this your proper way to ask a customers here?” Kastigo niya muli.
Hinilig niya ang likod niya sa pula sofa. At binuksan ang dalawang bottones ng kanyang polo sleeve na suot gamit ang isang kamay. He licked his lower lip and closed his eyes as if he’s trying to control himself.
I bit my lower lip. Pakiramdam ko tumatagos sa puso ko ang bawat sinasabi niya. Kaya’t itinaas kong muli ang ulo ko at ngumiti sa kanila na parang walang nangyari.
“D-do.. you have anything else to order sir?” Magalang na tanong ko. Habang siya naman ay tila natutuwa sa ginagawa ko.
Ganito ba mag laro ang katulad niyang mayaman. Ganito ba nila katuwaan ang katulad namin.
For the average person, life is often unfair. Mababa na nga ang tingin namin sa sarili namin. Dahil sa mahirap lang kami. Pero mas lalo pa iyong pinapababa ng mga katulad niya.
“Ohhh gosh wait!” Segunda ng babaeng katabi ni Aiden. Familiar siya sa akin. Tingin ko ay isa itong artista, nakikita ko sa mga lipstick na commercial.
Bumilog ang pula nitong labi at pinag masdan akong mabuti.
“You look familiar.” Maarte nitong sabi. Habang kinikilatis ako. Nakita kong bumaba ang mata nito sa name tag na nasa dibdib ko.
“Are you the daughter of former famous model Cassiopin Alvarez?” Tanong niya.
“Y-yes Mam...” Ako.
“Oh.. kaya pala... Kasabayan ng Mommy ko ang Mama mo nuon.. bilang modelo!”
“Ang sabi ni Mommy ay nabaliw ang Nanay mo.” Walang prenong sabi niya.
Tumikhim si Aiden at Khairro sa narinig. Si Persues naman ay tahimik na nakatingin sa akin. Pakiramdam ko hinihintay nila ang magiging sagot ko.
“Y-yes.. nawala sa pag iisip ang nanay ko... Pero sana’y huwag na lang natin pag usapan... Dahil masyado po iyong sensitibo.” Ako. Sa tuwing may nag sasabing nabaliw ang Mama. Kahit pag nakalakihan ko na. Minsan ay nasasaktan parin ako. Lalo kung siya ang pinag uusapan at kung paano si Mama na baliw.
“Do you still have an order?” Tanong ko muli.
“No, wala na.” Si Khairro na ang nag salita. Ngumiti ito sa akin, kaya’t sinuklian ko iyon.
“Hey.”
Tumalikod na ako at nag lakad muli. Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko. Malamig na boses na ni Persues muli ang nag pahinto sa akin.
“Here’s your tip.” Matigas na ingles niya. Humarap akong muli para tangihan.
Hawak niya ang isang lilibuhin na pera. Napaka kapal nun. Tingin ko ay one hundred thousand iyon. Ibinagsak na iyon sa lamesa. At puno ng panunuya akong tiningnan habang nakataas ang isang kilay na tumingin sa akin.
“P-pasensya na Sir, ngunit hindi ako tumatanggap ng tip sainyo.”
“Masyadong malaki ang tip na iyon, para tanggapin ko.” Ako.
Kita ko ang pag iling ni Khairro sa sinabi ko. at napatingin ito kay Aiden na nakangisi ngayon.
Matapos niya ako husgahan, tingin niya ay ibaba ko ang sarili ko sa kanya? Ano ba ang tingin niya sa sarili niya panginoon? Oo’t marami siyang pera, pero ang ugali niya mas masahol pa sa halimaw o mas mabaho pa sa basura.
Pakuwatro ang upo nito. At bahagyang nakangisi sa akin. May tumabi pa sa kanyang magandang babae at hinaplos ang dibdib niya. Nag iwas kaagad ako ng tingin.
“You don’t want it?” Tanong niya. Tumayo ito sa pag kakaupo ay kinuha ang perang nilapag niya sa mesa.
Halos sinundan ng kababaihan ang naging galaw niya. Tamad nito tinanggal sa pag kakatali ang pera.
Pero nanlaki ang mata ng sinabog niya iyon sa ere. Halos nag kagulo sa ibaba at napatingin sa amin sa taas. Dahil sa pag sabog ng lilibuhin na pera sa kawalan.
Lumapit ito sa akin. Pakiramdam ko nanlamig ang buong sikmura ko sa matinding niyang titig.
“The money slipped out of my hand.”
“Can you take it for me?” Aniya. Habang nakatitig parin siya. Nanatiling baba ang aking mata sa lapag. Pakiramdam ko sinampal ako ng reyalidad sa ginawa niya.
“O-opo.. Mr. Calderon.” Nanghihinang sabi ko.
Lumuhod ako sa harap niya para damputin ang pera isa-isa. Habang pinag mamasdan ako ng buong mesa nila.
Naupong muli ito sa sofa at pinag masdan akong kuhanin ang perang dumulas sa kamay niya. Kundi ko gagawin ito ay baka kinabukasan itapon na ako sa trabaho. Pakiramdam ko wala na akong makukuha kung pati sa Club na to matatanggal pa ako.
Matapos iyon ay inilapag ko sa mesa nila ang perang nakuha ko. Kaagad akong tumalikod. Upang walang makapansin na pumapatak ang luha ko.
Umalis akong hindi nag bigay ng tingin kaynino man.
Nakatingala ako sa malaking bilog na orasan na nakasabit sa dingding ng bahay namin. Maaga akong nagising linggo ngayon at walang trabaho. Iniisip ang mga gagawin ko ngayon araw.
Pinag masdan ko si Mama nakaupo ito sa sirang sofa namin. Habang walang tigil na sinusuklay ang buhok. Tahimik lang ito at bulong ng bulong. Minsa’y tumawa tawang mag isa.
“Ma, gusto mong manuod ng TV?” Tanong ko kay Mama. Nang tumigil ito sa pag susuklay at tumingin sa akin.
“Sige, sige! Makikita mo anak ang mga endorsement commercial ko.” Ipinagmamalaking sabi ni Mama. Kaya’t binuksan ko kaagad ang TV ng malibang siya.
Pumapalakpak ito habang abala ang mga mata sa TV, ako naman ay inayos ang susuotin niya. Gusto kong ipasyal siya kahit sa park lang na pang bata. Gusto ko lang malibang si Mama.
Besides natutuwa rin siya kapag nakakalabas. Hindi naman makulit si Mama kapag ako ang kasama niya specially kapag nasa labas kami. Sumusunod naman siya sa akin.
Gusto ko rin mag unwind at ibaling sa ibang bagay ang nangyari sa trabaho ko. Ayoko nang maalala pa ang panget na alalaalang iyon. Kaya’t mabilis ko iwinaksi ang isip ko sa bagay na iyon.
May kaonting pera pa ako. Dahil binigay na ni Manager Paul, ang paunang kalahati ng sweldo ko. Binabalak ko rin ipacheck up si Mama kapag nakaluwag at nakabayad na kami sa mga utang namin.
“Walang hiya ka!!!!”
“Mga walang hiya kayo!”
“Mga walang hiya!!!”
“Rapist!!! Rapist!! Tulong pakiusap!!”
“Parang awa mo na!! Maawa ka sakin!!”
“Pakiusap!!”
“Halimaw wala ka! Wala kang awa!!” halos mapaos ang boses ni Mama, kakasigaw.
Napapikit ako ng inabutan ko si Mama na nagsisigaw, halos nahulog na ito sa maliit na sofa. Habang hawak ang dalawang tenga. Habang walang tigil sa pag sigaw. At ang mga mata ay puno ng takot na nakatuon sa TV.
“Satingin ko ay ako ang kaylangan ng mamayan ng Dela Rosa na mag likod para sa bayan. At walang sino man ang makakakuha at makakapalit sa position na iyon.” Si Mr, Zeus Calderon. Habang iniiterview ito sa isang sikat na estasyon.
“Anak halimaw! Ayan ang halimaw!” Nag wawala parin si Mama. Habang ang daliri ay nakatutok sa TV.
Napapikit na lang ako at mabilis ko iyong pinatay. Kaagad ko siyang niyakap habang ang naririnig ko ang mga hikbi ni Mama. Parang tinatarakan ng libo-libong punyal ang aking puso.
I don’t know what Mama went through. Ayoko siyang husgahan base sa mga sinasabi ng tao. Na karma ang nangyari sa kanya dahil nag lalaro siya apoy ng kapusukan.
Namuhay kami ni Mama ng kaming dalawa lang ang nag kakaunawaan sa mundong ito. Namulat ang kaisipan ko na ganito siya. Purong haka-haka lang ang lahat ng mga sinasabi ng tao. Walang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanya.
Niyakap ko ng mahigpit si Mama sumiksik ito lalo sa aking dibdib. Rinig ko parin ang paghinga niya ng malalim.
Gusto kong itanong sa kanya kung sino ba ang Ama ko. Ngunit ang sagot na gusto kong malaman ay mananatili na lang isang tanong. O pala- isipan. Lagi niyang sinasabi na halimaw. At iniwan siya.
Paulit ulit ang tanong at paulit ulit lang rin ang nagiging sagot.
Si Tita Nida ay wala ring alam sa nangyari kay Mama. Ang sabi ni Tita ay may karelasyon raw nuon si Mama.
Pero kahit siya ay di makumpirma kung sino ang lalaki sa buhay ni Mama. Kaya’t nuon pa man ay nawalan na ako nag pag asa na malaman kung sino iyon.
Wala ako balak na manghingi ng tulong sa Ama ko, kung sakaling makilala ko siya. Pero nais kong itanong kung bakit niya iniwan si Mama, sa mga oras na kaylangan ni Mama ang tulong niya.
“Alis na tayo rito po... Sinusundan nila ako Andra.” Nakikiusap na sabi ni Mama sa akin. Habang takot na takot ay umiiyak.
Pinahiran ko ang luha niya na patuloy sa pag landas. Kinakapos ako ng hininga sa tuwing nakikita kong ganito ang nagiging sitwasyon niya. Sa tuwing natatakot siya. Paano kung wala ako sa tabi niya?
Paano ang ginagawa niya para kumalma siya?
Iyak lang ba siya ng iyak hanggang sa mapagod?
“S-saan niyo po gusto Ma?” Tanong ko.
“Sa masayang lugar! Sa hindi nila ako mahahanap. Sa walang mga halimaw...” Aniya habang ang hintuturo ay nasa labi. Tila sinasabing wag akong maingay.
“Makakapag hintay kapa naman Ma, di ba?” Masuyo kong sabi. Balak ko umalis sa tirahan naming ito. Medyo hindi maganda ang lugar na ito para sa kanya. Tingin ko ay kung nasa tahimik kaming lugar ay matatahimik rin ang buhay namin.
“Opo... Hihintayin ng Mama si Andra!” Isip bata nitong sabi.
Hindi kami nakaalis ni Mama ng linggo. Naubos ang oras sa pag papakalma ko sa kanya. Siguro’y sa ibang araw na lang. Marami pa naman ang susunod.
Nang makatapos kaming kumain ng hapunan na paulit-ulit na vegetable salad. Naupo ako sa harap ng bahay namin. At pinagmasdan ang mga taong nag lalakad sa gabi.
“Hoy Andra!” Sigaw ni Glenda sa gate na kahoy. Kaagad itong pumasok sa loob at iwinagayway ang dalawang maliit na stab.
“Tanga ka wala ka man lang balita sa mag hapon!” Sermon niya sa akin at iniabot ang stab na maliit.
“Para saan to?” Tanong ko. Dahil hindi ko talaga alam ang stab na ito at kung paraan ang parang ticket na ito.
“May libreng check up bukas, palibre iyon ng dating Gobernador na si Zues Calderon. Naisip ko, kaylangan iyan ni Tita Cass.” Aniya at naupo sa tabi ko.
“Naku, salamat rito. Kaylangan nga ni Inay ang check up dahil taon narin ng huling pa check up niya.” Ako.
“Alam mo na. Maraming pakulo na ganyan ngayon lalo’t mag hahalalan. Pero malaking tulong rin iyan.” Aniya.
Malaking tulong talaga ang mga ganito lalo sa tulad naming salat sa buhay. Mabuti nga ay mayroon libre ang Mr. Calderon na iyon. Tingin ko ay mabait ito kaysa sa halimaw niyang anak. Hindi iyon na mana ng Persues Riley Calderon na iyon sa kanyang ama.
Pinilig ko ang aking ulo. Nang maalala ko na naman ang itsura niya, hindi ko alam kung inis o matinding galit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari na iyon.