Itinatago din ng mga mabubuting tao ang kanilang maling gawain, ngunit tapat silang magbubukas kung kinakailangan, sa mga taong may karapatang malaman ang kanilang mga nakaraang pagkakamali.
Everyone holds dark secrets.
Mga sikretong minsan binabaon na lang sa limot. May mga tao rin handang mag hinganti dahil sa pinsalang nagawa. Gamit ang maitim na sikreto.
Maraming tao sa Gym hall ng Dela Rosa. Katulad ko ay nag tungo rin rito para sa kaonting tulong. Inayos ko ang hanggang balikat kong buhok. Dahil talagang daig mo pa ang dinadaing sa dami ng tao sa gym.
“Gusto mo ng palamig?” Si Glenda na nakatingin sa cart na may masasarap ng libreng palamig.
“Tubig na lang ang sa akin, kapag nag tungo ka ruon at kumuha.” Ako.
“Haysss! Di naman malalaman ni Tita Cass, kukuha kita para katikman mo.”
“Saka, ngayon lang naman ito Andra, at di na mauulit bukas.” Iritable niyang sabi at umalis.
Napanguso lang ako. Gustong gusto niyang lahat ng kinakain niya ay natitikman ko. Wala narin akong masabi sa kabaitan nitong si Glenda, masasabi kong mag kapatid na nga kaming dalawa.
Ilang sandali pa ay nag kagulo na sa labas ng gym hall. Sunod sunod ang mga magagadang kotse na nag datingan.
“Jusmiyo nanjan na!”
“Sawakas naman jusko, mapapatingin ko na ang mata ni Bernard.” Ani ng katabi kong matanda. Habang hawak ang Rosario niya.
Katulad ko ay talaga umaasa lang rin sa ganitong mga pagtulong lalo ngayon. Mahirap ang pera. Kaya’t kahit anong pag pila o kahit pa walang katapusan o kasiguraduhan kung aabutin ka ng tulong, hindi mo talaga iindahin iyon. Dahil ang nasa isip mo lang ay ang mapagamot ang sarili mo o ang mahal mo sa buhay.
Natanaw ko sa malayo ang pag baba ni Mr, Zeus Calderon. Halos masigawan na ang matatanda at mag kagulo ng lumabas ito ng kotse. Suot ang itim na tuxedo niya, at ang halos nag niningning nitong relo.
Kumaway ito sa lahat ng nakangiti. Tulad ng inaasahan ay talaga natural ang kagwapuhan ng matandang Mr, Calderon. Katulad ng anak niyang si Persues. Pero tingin ko ay mag kaiba sila pag dating sa ugali.
Magaspang ang kay Persues. Ang kay Mr. Zues naman ay hindi.
Hinaplos ng babaeng matanda ang mukha nito. Kaagad hinarang iyon ng mga guards na nakapaligid sa kanya. Ngunit itinaas lang nito ang kanang kamay niya upang hayaan ang matanda.
“Tulongan niyo po ang asawa ko Mr, Calderon!” Nanghihinang sabi ng matanda.
“Lahat po ng narito ay pamilya ko na. Kaya’t lahat po rito ay maabot ng tulong medikal.” Aniya niya sa lahat.
“Huwag po kayong maalala. Matutulungan namin ang asawa niyo.” Aniya na tila siguradong sigurado.
Nag si upo ang lahat ng mga kasama kong matatanda. Nang mag tungo ito sa podium, at kumaway sa lahat at inayos ang necktie nito bago nag salita.
“Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako’y natutuwa na makabalik na dito sa dulo ng Dela Rosa.”
“Five years ago, we launched a transformation of our century-old behavioral health system. Today, that effort is resulting in dozens of new facilities opening throughout the Dela Rosa that offer more kinds of care in more places for more people. Kahit hindi ako nakaluklok sa pwesto ay ginawa ang lahat at ng Calderon Corporation. Upang matugunan ang libreng medical para sa lahat ng na ngangailangan.”
Masibagabong nag palakpakan ang lahat sa sinabing iyon. Kaya’t ako rin at napapalakpak dahil sa pag hangan sa kanya.
Ang iba ay nagigilid pa ang luha.
“Ngayon, bayan ng Dela Rosa. Kinakailangan ko ang tulong niyo sa pag papalago ng mga libreng istraktura para sa mga taong may mental health issues. Sana’y katulad ko ay matulungan niyo rin ako ipanalo ang tagumpay upang ang maiahon ang dulo ng ating bayan at makasabay sa modernong mundo!”
Sigaw nito. At malingawngaw ang hiyawan ng mga tao.
Matapos ang speech niya ay naging abala ito sa mga taong nais lumapit sa kanya.
Kaagad akong tumayo upang mag tungo sa direksyon ni dating Gov. Calderon. Gusto kong personal na manghingi ng tulong sa kanya para kay Mama. Ayaw ni Mamang lumabas at di ko alam kung paano ko siya madadala sa mataong lugar na ito, nang hindi nag ta-tantrums.
Siguro’y personal ko siya papakiusapan na ang doctor na lang ang mag tungo sa bahay namin. Oo alam kong sobra na iyon. Pero wala akong pag pipilian. Gusto ko lang rin mag baka sakali.
Hinabay ko ang pagitan namin dalawa, kahit pa maraming taong gustong makuha sa atensyon niya. Kagaad ko siyang nilapitan kahit ang iba guards ay todo ulak sa akin.
“Gov. Gusto ko rin pong manghingi ng tulong para sa Mama ko!” Malakas na sabi ko. Ngunit hindi niya iyon napansin.
Kaya’t kahit siksikan ay nag sumiksik ako lalo, hanggang sa makarating ako sa harap niya.
Nahanap ko ang mga mata niya. Nag tama ang tingin namin. At nag paunlak ako ng ngiti.
Pero ang kay tamis na ngiti nito sa labi ay nawala, nang pinag masdan niya ako. Kasabay ng pag ngiti ko ang pag kabura rin ng akin.
Lumakas muli ang tilian ng mga nasa loob. Tingin ko ay di na iyon mga matatandang babae. Kundi mga dalagang tila binudburan na ng asin.
Nanatiling nakatitig sa akin si dating Gov. Calderon. Habang ang tingin ko naman ay napunta sa kanyang likuran.
Perseus Riley Calderon, remained standing behind his father, Zeus Calderon.
“A-anong.. pangalan mo Hija?” Tanong sa akin ng Ama niya, ng tinuon kong muli ang tingin sa kanya Ama.
“Andra Mira Alvarez po, my mother’s name is Cassiopin Alvarez. Ang nanay ko po ang may kailangan ng tulong.” Puno ng pag mamakaawang sabi ko.
“What is your mother’s illness, Hija?” Tanong muli nito.
“She needs mental therapy... Gov. Pakiusap kaylangan ko po ang tulong niyo..” nag mamakaawang sabi ko. Kahit pa ang malamig ang tingin sakin ng anak nito. Halos mahina ang binti ko. Dahil sa ipinamamalas niyang titig sa akin.
Nangako ang dating Gov. Calderon na mag tutungo sila sa bahay namin. Nang matapos ang talumpati. Ngunit inabot na ako ng alas singkot ng hapon. Walang doctor at walang Gov. Calderon na dumating.
Inayos ko ang pag kakaupo sa silya habang nakaupo sa harap ng gate. Baka kase bilang mag tungo sila rito at di makita ang bahay namin. Kaya’t nag hintay talaga ako. Inabot na nga ako ng dalawang oras ngunit ni anino ay wala.
“Diyan naman magaling ang mga nangangampanya na yan!”
“Ang mangako! Namapapako hanggang sa huli.” Aniya.
“Malay natin sa ibang araw?” Di ko ko alam kung patanong ang tono ko. Pero di ako nawawalan ng pag asa.
Naupo ako ng maayos at pinag masdan si Glenda na mainit ang ulo sa nangyayari. Pumameywang ito at humarap sa akin.
“Alam mo Andra. Ang mga katulad niya ay di dapat iboto, dahil magaling lang siyang mang uto ng tao! Palibhasa ay gagamitin niya ang anak niya na....”
“Oo ang anak niya.. teka nakita mo na ba iyon?” Tanong niya sa akin. Ramdam ko ang kilig sa tono niya.
Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Ayokong sirain ang maganda niyang pag puri sa binatang anak ni Gov. Calderon, dahil kung sasabihin kong magaspang ang ugali nun. Tiyak di niya ako paniwalaan tiyak.
“Para siyang modelo sa brief, hot papa rin ang isang yun eh!” Aniya at humagalpak ng tawa.
Humagalpak rin ako ng tawa sa sinabing iyon ni Glenda. Halos di ako makahinga kakatawa. Pero lahat ng tawa namin dalawa ay na bitin sa ere.
Perseus stood in front of the two of us... Napanganga si Glenda sa nakita at unti-unting natukop ang bibig.
Habang ako ay di pa nakakabawi, hawak niya ang isang box na tingin ko ay mga gamot.
Tamad itong nag taas ng kilay sa akin. At pinag masdan ako.
Kumalabog ang puso ko sa mga titig niya. Tumambad sa amin ni Glenda ang angelic face niya. Mayroon siyang medyo kulot na buhok.
Itim na itim iyon na binabagayan ng makapal niyang kilay, mahahabang kalukap ng pilik mata. At perpektong panga.
Napakatangkad niya. At may makisig na katawan, bakat iyon sa black polo sleeve niyang suot. Angat na angat ang maputi niyang kulay at medyo pinkish niyang labi.
I desire to ask them what good on earth did you do to deserve or get such flawless looks.
Parang isang modelo sa ibang bansa ang dating niya. At di mo paniniwalaan na nasa harap mo ang ganito kagwapong lalaki.
“Where do I put this stuff?” Aniya. Napasinghap kaming dalawa ni Glenda ng mag salita ito.
“Ak—.” Glenda cut me off. Siya ang kumuha nun at ipinasok sa loob.
“A-ako na sir.” At mabilis kinuha iyon kay Persues.
Tinapunan ako ni Glenda ng puno nang kahihiyang tingin. Tila nag sisi sa sinabi niya kanina.
Naiwan kami Persues sa labas. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Sa kanya ba o sa lupa. Parang gusto kong kainin ng lupa na lang.
“Do you have work tonight?” He asked. Sobrang casual ng tanong niya.
“Y-yes Sir... S-salamat nga pala sa Daddy mo.. sa mga gamot na ibinigay niya.” Halos mangapa ako ng sasabihin.
Umawang ng kaonti ang labi niya. Pero napalitan din iyon ng pag tikom at pinag masdan akong mabuti.
Lalo ako napayuko sa ginawa niya.
“I’m sorry last night.” Aniya. Napatingala ako sa kanya. Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. Hinanap ko ang asul niyang mata. Pero siya naman ang nag iwas ng tingin.
“S-sir?” Ani ko. Para klaruhin ang aking narinig.
“Do I need to repeat that?” Iritableng sabi niya.
Bahagya akong tumawa at nilalaro ang daliri ko. Gusto kong pagaanin ang hangin saming dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay parang malayo iyon. Malayong mangyari.
“You don’t need to apologize Sir... Ayos lang iyon.” Ako.
“Ganun siguro mag laro ang mayayaman.” Wala sarili kong sabi. Nag katinginan kaming dalawa. Dapat pala ay sinampal ko na pang ang bibig ko at hindi na nag salita.
“Andra...” Malambing niyang sabi. Kilabutan ako sa ruon. Pakiramdam ko ay nag taasan ang balahibo ko ng tawagin niya ang pangalan ko.
Bakit niya alam ang pangalan ko?
Ay Oo, sa name tag ko.
“I am not playing with you... I’m really sorry last night.”
“Pag kakamali ko iyon.” Marahan niyang sabi.
Nag iwas ako ng tingin. Upang ibaling ang luhang nag babadya. Kapag naiisip ko ang gabing iyon. Kinakaawaan ko ng mariin ang sarili ko.
Hindi ko siya maintindihan ngayon, isa ba ito sa mga laro niya? Pakiramdam ko isa nga ito sa mga yun. Nakakatakot kung tatanggapin ko ang sorry niya.
Kumikirot ang puso sa dahilang hindi ko alam. Ang isang mayamang katulad niya, anak pa siya ng magiging gobernador ng lungsod.
Hihingi ng tawad sa katulad ko mababang mamamayan? Oo siguro dahil hinihingi niya ang boto ng ama niya.
Kaya siya ganito.
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang mata niyang puno ng awa. Pakitang tao lang niya ito.
“Gusto mo ng makakain o tubig? Sir kukuha ako!” Masayang sabi ko. Para lang maiwasan ang tila bato sa pagitan namin dalawa.
“No, there is no need.” Aniya at hinawakan ang pulso ko para mapigil ako.
“F*cking sh*t!” He murmured.
Mabilis niya iyong nabitawan tila napaso sa aking balat. Ganun rin ang naramdaman ko ng hawakan niya ako tila ba napaso kami sa isa’t isa. Mabilis siyang umalis at iniwan ako.