Kabanata 5

2067 Words
Malalim na ang gabi. Ngunit kahit isang trabaho ay wala parin sa aking inuutos si Marlon. Habang ang lahat naman ay abala sa mga foods,beer and whiskey na halos balik balik para makakuha sa stock room ng Club. Napatingin ako sa aking. Pulso, hinaplos ko iyon at napapikit ng mariin. Shit! Simula ng dinala niya kaninang hapon ang mga gamot ay lagi siyang gumugulo sa isip ko. Ayokong isipin ang itsura niyang iyon. Oo't gwapo nga siya pero ang isipin ko pa siya hanggang ngayon ay talagang sobra na. "May masakit ba sayo Andra?" Tanong ni Marlon habang ginagawa ang margarita. Napatingin ako sa kanya ng nag tataka. Ibinaba nito ang bote ng margarita na isinasalin niya sa maliit na shot glass,at itinuon ang pansin sa akin. Matapos dumating si France para ito ang mag hatid sa table. "W-wala naman..." Ako. "Your cheeks are red... Lalo kang gumaganda.. hinahaplos mo kase ang pulso mo.. tingin ko ay iyan ang masakit sayo." Aniya. Lalo ako namula ng mapansin niya iyon. Nag iwas kaagad ako ng tingin at inabala ang sarili sa mga taong nag sasayaw sa dance floor. Habang ang DJ ay lalo silang nilalasing sa tugtugin. Pero hindi pa nakuntento si Marlon. He walked in front of me and caressed my cheek. kaagad akong nag iwas ng tingin ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko. "W-wala.. ito." Ako ay tumayo upang ayusin ang sarili. Na gulat ako sa ginawa niya at di pa nakakabuwelo. "Gusto mo ba munang mag pahinga na lang?" Nag aalalang tanong niya at nilapitan akong muli. Napaatras na ako sa naging kilos niya. Ngunit nahila niya nag pulso ko upang makapalit sa kanyang muli. Hindi ko minamasama ang pag aalala niya. Ngunit sa puntong ito. Talaga hindi ako komportable sa mga ikinikilos niya. Hindi ko minamasa ang pag aalala niya. Ngunit imbes na maging komportable, mas lalo lang akong natakot sa naging kilos niya. Lumayo akong muli. Nang subukan niyang hawakan ang pulso ko muli. Pero bago pa man ako makalayo ng tuluyan. Naramdaman ko na ang malaking bulto ng lalaki sa aking likod. Ang pamilyar na mabangong amoy niya ang nag puno sa aking sistema. Para akong nabingi ng humarap ako sa lalaking nasa likod ko. It was Persues Riley. He threw me a sharp, cold look as he looked at me. Pakiramdam ko kaylangan kong mag paliwanag sa kanya. Ngunit nag taas ito ng isang kilay sa akin. Nag karerahan ang mga sasabihin ko. Ngunit napawi iyon ng makita ko ang babaeng kasama niya. Famous actress Mara Pineda. Sinong hindi makakakilala sa katulad niya. Pinasadahan nito ang kanya mahabang buhok at kumapit sa braso ni Persues. Mara is wearing black spaghetti straps. Takaw pansin ang magandang hubog ng katawan nito. Halos lahat yata ng nasa bar ay napatingin sa kanilang dalawa. "C'mon on!" Aniya ni Mara. At hinila si Persues. Kasama ang iba pa nitong kaibigan. Nandun rin si Aiden. Ngunit wala ruon si Khairro. Napangisi lang sa akin si Aiden ng makita ako. Binigyan ko siya ng ngiti. Hindi na nakahingi ng pasensya kay Persues. Dahil kaagad itong nag patangay kay Mara. "I'm sorry. Natakot ba kita?" Tanong ni Marlon sa akin ng kami na lang. "H-hindi... Sorry rin." Ako at nag iwas ng tingin. Nang dumating sina Persues ay kaagad rin akong inutusan ni Marlon na ako ang mag hatid ng inumin sa VIP. Inayos ko ang sarili ko bago idala ang bote ng Scotch at beer na order mula sa itaas. Naabutan ko ruon ang iba pang kaibigan ni Persues. "Here's the order Sir." Ako at inilapag ang beer at whiskey. "Are you new here?" Tanong ng lalaking di kalayuna kay Persues. Kita ko ang pag salin ni Persues ng whiskey sa kanyang shot glass. Habang abala si Mara na bumubulong sa kanyang tenga. "Yes sir." Matipid kong sabi. "Ohhh, kaya pala ngayon lang kase kita nakita rito!" Aniya at inilapag ang isang libong piso. "Here's the tip." Ani ng lalaki sa akin. Inlagay niya ito sa tray ko. "Thank you sir!” masayang sabi ko at ngumiti. "Sit besides me." Si Persues. Kita ko ang pag halakhak ni Aiden sa sinabing iyon ni Persues. Kumurapkurap pa ako, dahil baka nag kakamali lang ako kung sino ang gusto niyang paupuin sa tabi niya. "Sir? Tatawag po ako ng—." He cut me off. "I will pay you with a higher price." "Tip." Aniya. "Hindi po ako entertainer.. waiter po ako." Ako. Pilit kong binuo ang boses na sabi ko. Mapakla itong natawa "Yes, you are. Tell me how much you are?" Aniya at inilapag ang blackcard sa lamesa. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon. At hindi naka buwelo. Hindi na ako nakapalag ng siya mismo ang nag upo sa akin sa sofa. Kaagad ni Aiden isinalin ang laman ng Scotch sa aking harapan. "Take a shot." Si Aiden. Na nakangisi sa akin. Wala akong choice. At kinuha iyon. Pero bago ko pa man malagok ang matapang na alak. Kinuha na sa akin iyon ni Persues. At siya ang umubos. "Protective brothe—." "Shut up Aiden." Si Persues, na binigyan si Aiden ng masamang tingin. Nang makabuwelo ito. Kaagad nitong hinila ang pulso ko. Halos mapaso ako sa hawak niya sa akin. Ang malaki niyang kamay ay nasakop ang aking maliit na pulso. "I will take you home." Aniya, kita ko ang gulat ni Mara sa mga ikinikilos ni Persues. Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Pero nag dilim rin ito kaagad at kinuhang muli ang pulso ko. "Bayad ko ang buong gabi mo Andra." Madiin niyang sabi. Habang ang kamay niya at madiin rin na nakahawak sa akin. "Iuuwi na kita." Puno ng babala niyang sabi. Napakunot ang nuo sa mga ikinikilos niya. Ano bang problema niya? Kanina lang ay ang bait niya ng nag tungo siya sa amin. Ngayon naman ay tila halos mapigtas ko ang pasensya niya sa di ko malamang dahilan. “Hey Riley!” Ani ni Mara, nang kaladkarin ako ni Persues pababa ng hagdan patungo sa ibaba ng club. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya. Hindi niya binigyan pansin ang pag tawag ni Mara. Nag patuloy ito sa pag hila sa akin. Hanggang sa makarating kami ng labas sa parking lot ng club. “Ano ba?!” Inis na tanong ko. Dahil talagang hindi ko na siya maintindihan. “Is this what you want, huh. Ang maging bayaran?” Inis na sambit nito ng bawiin ko ang kamay kong hawak niya. He’s handsome pero... Ang pagiging arogante ang sumisira sa maganda niyang imahe. Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay kay baba talaga ng tingin niya sa akin. Nag pakahirap ako para makuha ang trabahong ito. Tapos ay mamaliitin niya lang ako. Dahil lang sa tumanggap ako ng tip sa iba. Ano ba ang gusto niya? Sa kanya at tumanggap habang minamaliit niya ang buo kong pagkatao? “Ikaw ang nag paparamdam sa akin ng bagay na iyan!” Segunda ko. “Sa halagang isang libo Andra? Seriously?” Iritableng tanong niya sa akin. “Ano pakealam mo!?” “Trabaho ko ito. Ni hindi kita kilala at bakit nakikialam ka sa buhay ko. Sino kaba sa tingin mo?!” Ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dahil sobra na talaga ang ugali niya. Kita ko ang pag hinga niya ng nalalim sa sinabi ko. Umangat ang kurba ng labi niya at madiin niya akong tinitigan. “Resign from this bullshit job.” Aniya. Di ko alam kung utos iyon o sabi lang niya. “Tingin mo ay susundin ko ang gusto mo?” “Hirap na hirap akong mag hanap ng trabaho. At eto lang ang trabahong maluwag akong pinapasok. Ngayon ay gusto mong umalis ako dahil gusto mo lang?!” Puno ng iritasyon na sabi ko. Nanggigilid na rin ang sulok ng aking mata. “I said resign this goddamn club, Andra!” sigaw nito. Bumuo ng malakas na ingay ang malaki niyang boses sa parking lot. “No.” Matigas kong sabi. “You want me to shut down this whole f*****g club, para lang mapalayas ka rito, huh?” Naninimbang na sabi niya sa akin. “Who do you think you are!?” puno ng inis na tanong ko sa kanya. His cold stare burned like fire. Kita ko ang pag bukas ng niya namumula niyang labi. Tila may gustong sabihin ngunit napipigil lang niya iyon. “Who do you think I am. In your eyes?” Malamlam niyang sabi at kinain ang distansiya naming dalawa. Kumalabog ang puso ko ng pulgada na lang ang lapit namin dalawa. Ngayon ay mas natatanaw ko lalo ang mala angelic nitong mukha. Maamo iyon pero puno ng kadelekaduhan. Pakiramdam ko ay oras na pasukin ko ang mundo niya, lalabas ako wasak at hindi alam kung paano pa makakabangon. “Kung isa ito sa mga laro mo. Pwes wala ako panahon sayo Sir.” Madiin kong sabi. “Tingin mo ay nakikipag laro ako sayo?” “Kung isa ito sa mga laro ko. Unang kita ko pa lang sayo, ginawa ko na dapat miserable ang buhay mo.” Kastigo niya. “Bakit nang ipahiya mo ba ako? Di mo pa ba pinaramdam sa akin iyon?” Matapang na segunda ko. Gusto ko nang tumakbo ay iwan na lang siya. Ngunit ang mga binti mismo mo ang ayaw makinig sa akin. Dahil pakiramdam ko bawat hagod niya ng titig sa akin ay purong panunuya lang. “Ihahatid na kita Andra.” Aniya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ayaw kong makita niya ang luhang pilit na kumakawala sa akin. Mabilis akong tumalikod sa kanya at umalis sa harapan niya. Wala na akong pakealam kahit ang suot ko ay ang pangtrabaho. Ang gusto ko na lang ay makatakas sa mga tingin niya sa akin. Ayokong makipag talo sa kanya. Walang silbe ang pakikipag agrumento sa mga taong kagaya niya. Pero bago pa man ako nakabaling ng talikod. Nahuli na niya kaagad ang aking palapulsuhan at ibinaling muli ako sa harap niya. “Ano bang problema mo? Nasasaktan mo na ako Persues!” Ani ko. Kasabay ng medyo kalakasan asik ko sa kanya. Biglang lumambot ang matigas niyang ekspresyon sa sa akin. “Sabihin mo sakin, kung saang parte kita nasaktan.” Hinila niya ang kamay ko upang mas lumapit pa sa kanya. “Tell me, babe with part did I hurt you?” He whispered. This is bad... Halos ilapit na niya ang mga labi naming dalawa. Pakiramdam ko ay nasa balon akong ng walang hanggan. Tila hindi natatakot mahulog. Kahit pa walang kasiguraduhan ang bagsak ko. Napalunok ako sa sarili kong laway. Habang ang nilalamon ako ng mga titig niya. Iniwas ko ang tingin ko. But he lifted my chin. Ngayon ay hanap niyang muli ang mga mata ko. Iniisip ko ang mga dahilan niya, kung bakit ginagawa niya sa akin ang bagay na ito. Ngunit wala akong makapang dahilan. Ilang beses lang kaming nag harap at nag usap ngunit ang tindi ng pananakop niya sa aking sistema. Pakiramdam ko ay na angkin na niya ang bawat espasyo sa akin. Nang ganun lang kabilis. Tulala ako sa mga nangyari ng gabi na iyon. Habang pinapanuod ko si Glenda na nag luluto ng ginisang pakbet niya. “Wala man lang sinabi sayo?” “Hinalikan kaba niya?” Mag kasunod na tanong nito habang hinahalo ang laman ng kawali. “Tingin ko ay hindi niya ako gusto. Gusto niya lang akong pahirapan. Baka trip lang niyang makitang miserable ang buhay ko.” Ako at tumayo upang tingnan ang niluluto niya. “Sabagay. Nakakapagtaka na bigla na lang siyang dumating sa buhay mo.” Napaisip na sabi ni Glenda. Yun rin ang naisip ko. Pero hindi ko mapigilan hindi umasa. Sa isa pang bagay, ngunit winaksi ko sa ibang bagay iyon. Dahil tingin ko ay napag kakatuwaan lang niya talaga ang gaya kong mahirap. Isa lang ito sa mga pangpalipas oras niya. Na sa oras na maboring siya. Hahanap muli siya ng bagong biktima. Biktima na mapapaibig niya muli. Katulad na lang ng ginagawa niya sa akin. At yuon ang katotohanan. Ang mahirap ay nababagay sa mahirap. Ang mayaman ay para lang rin sa isang mayaman. Umiling ako sa aking sarili. Pakiramdam ko pati ako ay na disappoint na rin sa akin sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD