Pinag masdan ang natutulog si Mama sa maliit na sofa, habang nakabukas ang T.V itu-turn off ko na sana ang maliit naming TV ng makita kong muli si Gov. Calderon, mula sa screen at ang anak nitong si Persues.
Kasama siya ng kanyang ama sa mga lugar na nililigawan nito ng boto.
Nakasuot ito ng itim na tuxedo na katulad ng kay Zeus Calderon. Tulad ng ama niya malaki talaga ang pagkakahawig nilang dalawa.
Mula sa tangkad at tindig. Talaga hindi maipag kakaila na anak ni Gov. Si Persues. Ang kulay lang yata ang pinag kaiba nila. Si Persues ay talagang maputi ang kulay. Si Gov naman ay hindi kaputian.
Siguro'y sa Mommy niya ito kumuha ng kulay. Nag focus ang camera sa mukha ni Persues. Halos matigil ko ang pag hingan ko ng tumitig ito sa camera tila nakatingin sa akin.
Bumungad sa akin ang makapal niyang kilay at asul na pares ng mga mata. Sa bandang adams apple nito ay takaw pansin ang maliit na mole sa parteng leeg.
Mas lalong nag dedepina ang kagandahan lalaki niya dahil ruon. Ngumiti ito ng kaonti at kumaway sa lahat. Halos kabahan ako sa ngiti noyang iyon. Pakiramdam ko ay ako ang binigyan niya ng matamis na ngiti niya.
Napahawak ako sa aking dibdib. Kinabog ko iyon ng aking kamay. Tila ba pinipigil ko ang mga paru-parong nais kumawa sa aking puso upang mag tungo sa aking tiyan.
Naduon mag bigay ng tila isang kakaibang pakiramdam.
Halos umalingawngaw ang malakas na sigawan mula sa TV.
Nawala ang pag kabog ng dibdib ko ng mapunta kay Mara ang camera. Pakiramdam ko ay may mapait na kumalat sa aking kalamnan. Kita ko ang kamay nilang mag kasiklop ng ibaba iyon ng camera.
Unti-unting nawala ang lumilipad na paro-paro sa aking puso pa tungo sa aking tiyan. Tingin ko ay pinatay iyon ng asidong walang habas na kumalat sa sistema ko.
Hindi ko matagalan ang nakikita ko kaya't pinatay ko na rin ang TV.
Ilang linggo na rin matapos ang di namin pag kakaunawaan. Di na rin siya nag pupunta sa club na madalas niyang ginagawa. Ang nakikita ko lang ruon ay si Khairro at Aiden. Kung minsan ay ang mag kapatid na Vicentious.
O ang kaibigan niyang nag bigay sa akin ng Tip si Allen. Pero madalas nga ay wala siya. Siguro'y abala siya sa pangangampanya ng Daddy niya at sa company nila.
Siguro....
Ipinilig ko ang aking ulo ng lumalalim ang pag iisip ko. Kung bakit di siya nag papakita sa akin. Ayokong problemahin pa ang di niya pag papakita.
Kung ayaw niya ay huwag. Sana nga ay di na siya mag punta. Dahil mula ng makilala ko siya pinagulo lang niya ang isip ko. Ang puso ko naman ay tinatraydor ako. Kaya't kung di na siya mag pupunta ay baka mapanatag na ako.
Sabay kaming kumain ni Mama, nang pumatak ang gabi. Kasabay nun ay ang pag tulog niya ng maaga.
Madalas kaming di makapag usap ni Mama, lalo ngayon ay abala ako sa trabaho. Pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanya ngayon.
Madalas nga ay tahimik ito.
"Johnnie walker and Scotch whisky. Order of VIP table Aiden Hauxwell!" Si Marlon na sagad ang ngiti sa akin matapos ilagay sa tray ko ang dalawang whiskey at tatlong shot glass.
"Okay, thank you." Ako.
"Andra..." Tawag sa akin ni Marlon bago pa man ako makatalikod.
"Ayos lang bang mag kita tayo mamaya, pag katapos ng trabaho?" Tanong niya.
"B-bakit? Para saan?" Mag kasunod na tanong ko.
"I just want to tell you something." Aniya at napakamot sa batok nito. Kita ko ang pa mumula ng pisngi niya. Kahit pa di masyadong maliwanag ang mga ilaw.
"Sige, pag katapos trabaho." Ako at pumihit ng ng talikod.
Nang makarating ako sa taas ay nakita ko ruon si Aiden na may kabulungan na babae. At si Khairro, na abala sa pag haplos ng dalawang magagadang hita sa kanyang mag kabilang upuan.
Wala parin si Persues....
"Hey Andra!" Tawag sa akin ni Allen na nakaupo sa madalas na parte kung saan si Persues.
Kaagad ako lumapit sa lamesa nila upang ilatag lahat ng order.
"Here's the order Sir!" Habang nilalapag ko ang alak sa table.
"Maupo ka muna Andra." Si Allen na nakangiti sa akin.
"Sir, if you want. I will call an entertainer for you?" Ako. Pero ipinilig nito ang ulo at ngumiting muli sa akin.
"Ikaw ang gusto ko Andra. I'll pay for your whole night." Aniya.
"But Si—." He cut me off.
"No buts. I swear... Wala akong gagawin na ayaw mo. I just want to talk to you." Aniya.
"Take a sit Andra." Si Khairro na pinag mamasdan kami.
Wala akong nagawa at naupo. Kaagad kinuha ni Allen ang buo kong atensyon. Tingin ko naman ay mabait siyang tao. Friendly at masiyahin kaya't naging komportable akong katabi siya.
"Do you drink?" Tanong niya. Habang sinasalin ang bote ng alak sa tabi ko.
"Kaonti lang Sir." Ako.
"Hey, don't call me Sir. Just call me Allen, I want you to be my friend. Hindi mo na kaylangan pang maging pormal." Aniya. At inilagay ang whiskey sa aking harapan.
Kaagad kong nilagok ang alak na ibinigay niya. Naramdaman ko ang mainit na alak na gumihit sa aking lalamunan. Gusto ko iluwa iyon. Ngunit masayang nakatingin sa akin si Allen, tila na mamangha.
Ilang shots ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na hilo. Pakiramdam ko umaalon ang paningin ko ng ibaling ko sa paligid ang mga mata ko.
Nakita ko si Aiden na itinapat sa akin ang cellphone niya at mabilis na iniwas ito.
"Do you know... how hot you are tonight?" Allen whispered sexily. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa akin leeg.
"Take another. last shot and that's enough." Aniya.
Nilagok kong muli iyon. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na humahaplos sa aking hita. Hindi ko iyon pinansin. Dala siguro ng kalasingan.
"Mauna na kami ni Andra." Pag papaalam ni Allen sa lahat at mabilis niya akong inalalayan sa upuan at itinayo.
Nang marating kami sa kotse niya ay kaagad niya ako inihilig sa shotgun seat. Hindi niya kaagad isinarado ang pinto. Naramdaman ko muli ang kamay niyang na pilit na ipinapasok sa skirt kong suot.
Hinawakan ko ang kamay niya upang mapigil siya.
"Oh c'mon..." Aniya at hinawi ang dalawang kamay ko upang di siya mapigil sa gusto niyang gawin.
“P-please....” Nag mamakaawang sabi ko nang maramdaman ko ng nakapaloob na ang kamay nito sa akin.
“It’s just a moment Andra, saglit lang ito.” Allen said. Hinawakan ko siya muli. Ngunit mabilis niya akong itinulak sa loob. Hanggang sa mapahiga ako sa loob ng kotse niya.
Tingnanggal niya ang kamay niya sa akin skirt. At malamlam na tumingin sa akin. Unti-unti niyang tinggal ang bawat bottones ng kanyang suot.
“P-paki.. usap!” Umiiyak na pag mamakaawa ko.
“I can’t wait to get to the hotel.” Aniya.
Umamba ito sasakay. Habang ang suot na damit ay nahubad na.
Pero bago pa man ito makaamba sa kotse ay napatigil ito. Ang nguso ng baril sa sindido niya ang nakapag pawala ng lasing ko.
Kita ko ang pamumutla ni Allen, habang ang baril ay nakatutok parin sa sintido niya.
“Having a good time here, Andra?” He said coldly and enrage. Hinagkan ako ng takot. Dahil sa kalmado niyang boses ang bumungad sa akin.
“P-persues...” Sambit ko.
“W-what the hell Persues!”
“Binayaran ko siya!” Si Allen. Na hanggang ngayon ay nakatutok parin ang baril sa sintido nito.
“You paid her and she came with you?”
“Y-yes!” Si Allen na sagad parin ang takot.
“Pero kapag sa akin ayaw mo?” Si Persues.
Hindi ko alam kung tanong niya iyon sa akin o pang iinsulto niya.
“H-hindi ako bayaran.” Nanghihinang sabi ko at unti-unting na umupo at ibinaba ang medyo tumaas na skirt na suot ko.
Pinag masdan niya ang ginawa ko. Kita ko ang pag galaw ng panga niya at pag pikit ng mariin. Tila ba pinipigil nitong sumabog ng sobra.
“Hindi ka bayaran?”
“Sinasabi mo bang libre ang serbisyo mo?” Puno ng panghuhusga na tanong niya.
Pumatak ang luha ko at hindi umimik. Habang si Allen ay nakatayo parin sa harap ko. Habang ang baril ay nakatutok parin.
“Run.” Kalmadong sabi ni Persues. Ngunit puno iyon ng babala.
“P-persues..” halos mabulunan na si Allen.
Binalingan ito ni Persues ng matalas na tingin. “Just f*****g run or will f*****g kill you here!?” Anito. Tila pigtas na ang pasensya niya.
Di kaagad iyon nakuha ni Allen kaya’t umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Halos giliran ng bala ng baril ang mukha ni Allen sa ginawa ni Persues.
Tumakbong hubad si Allen. Habang si Persues ay walang emosyon akong pinag mamasdan. Umangat ang kurba ng labi nito ng hagurin ako pababa ng tingin.
“You’re drunk.” Malamig na sabi niya.
Napalunok ako sa sarili kong laway. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng salitang tutugma sa tanong niya.
“H-hindi...—.” bago ko pa sundan ang pag sisinungaling. Kaagad niyang hinila ng kuwelyo ng aking suot ng white sleeve.
“You f*****g liar like your Mothe—.” Di niya kinompleto ang huling sinabi niya. Hindi ako nag abalang pansinin iyon dahil sa mga tingin niyang puno ng galit.
“B-bitawan mo ako uuwi na ako.” Pag pasag ko dahil nasasakal ako sa ginawa niya.
“We’re not yet done talking!” Puno ng pustrasyong sabi nito.
“Ano ba Persues! Di mo pa ako tapos maliitin at husgahan?!” Nanginginig na tanong ko. Gusto kong abutin ang mukha niya at sampalin.
Mas diniin niya nag titig sa akin. Kita ko ruon ang galit niyang mga mata na puno ng iritasyon.
“Gusto mo ang lalaking iyon, kung ganun?” He said.
“You tell me. How many boys do you have, huh?” Aniya.
“Ano ang tingin mo sa akin, mabanang uri ng babae?!”
“Yan ba talaga ang tingin mo sa akin?” Naiiyak na tanong ko habang nilalabanan ang titig niya.
“Just f*****g tell. And will kill them all!” Puno ng pang gagalaiting niyang sabi.
Hindi ko inaasahan ang mala hayop niyang galit. At hindi ko rin alam kung saan parte siya nagagalit sa akin, gayong dapat at wala naman siya pakealam sa akin. Pero sakabila ng lahat ng panghuhusga niya sa akin. Sa kabilang banda ay nag papasalamat parin ako sakanya.
“I’m sorry. Uuwi na ako.” Mahina kong sabi. Bumaba ako sa kotse na iniwan ni Allen.
“I said we’re not yet done talking Andra!” Bulyaw niya sa akin at ipinako ako sa dingding ng sasakyan muli.
“Pwes, tapos na tayong mag usap ngayon!” Madiin ko sabi.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” Aniya. At hinila ako patungo sa sasakyan niya.
Nag patangay lang ako sa kanya, dala ng hilo. Madarag niya ako idinala sa white mustang niya.
“Fasten your seat belt.” Utos niya ng makapasok siya sa kabilang side.
Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Kaya’t siya mismo ang nag seat belt sa akin. Halos napigil ko ang aking pag hinga ng dumampi ang pisngi niya sa labi ko. Mabilis lang iyon. Segundo lang.
Nag katingin kaming dalawa. Malalim ang mga mata niyang nakatitig saakin. Hinabol ko kaagad ang aking paghinga. Hindi ko malaman ang aking pakiramdam. Simpleng titig niya at panunuri ng timbang. Kakaiba na kaagad ang dating sa akin.
Nakarating kami sa penthouse niya. Tumambad kaagad sa akin ang napakalaking building. Isa ito sa mga tirahan ng mayayamang katulad niya. Kinamanghaan ko ang laki ng building kung saan siya nakatira.
Iginaya niya ako sa loob. Kaagad siyang binati ng naman taong mag tatarabaho ruon. Sa babaa pa lang ay mapanuring tingin na ang naramdaman ko.
Pero dala nga ng kalasingan ay di ko na iyon inabalang pansinin pa. Hawak niya ako sa beywang. Bawat pag taas baba ng adams apple nito ay kitang kita ko.
Matapos kaming sumakay ng evelevator ay naging tahimik siya. Di rin ako kumibo, tumunog muli ang elevator. Senyales na nasa tamang palapag na kami. Iginaya niya ako palabas at nag lakad pa ng kaonti. Nang makarating kami sa isang magandang pintuan na may smart lock system. Kaagad niyang inilabas ang card. Pag kaswipe niya ruon. Ay ang pag bukas ng pinto at lag tambad ng magandang tirahan niya.