Kabanata 8

2148 Words
Inabala ko ang sarili ko sa pag pupunas ng mga lamesa. Ayokong idala sa trabaho ang sinabing iyon ni Tita. Ngunit patuloy itong gumugulo sa isip ko. “Hinintay kita sa parking lot last night.” Si Marlon na nakahilig ang dalawang kamay sa bar counter. “S-sorry.. may inasikaso kase ako.” Pag sisinungaling ko. Inabala kong muli ang sarili ko sa pag aayos. “Nakita ko kayo sa parking lot.” Aniya. Di man nya kinompleto ay alam ko ang ibig niyang sabihin. “O-oo, yun nga ang inasikaso ko.” Ako na di makatingin. Napapikit ako ng mariin sa kasinungalingan na lumalabas sa aking bibig. “I’m just curious if Perseus, courting you... Yeah, he’s the governor’s son. Mukhang malayo nga.” Mapakla siyang natawa. “We’re friends. At malabo ang sinasabi mong nanliligaw siya.” Maikli kong sabi at umalis upang magtungo sa restroom. Naglagay lang ako ng konting liptint sa aking labi. Pakiramdam ko ay namula na iyon kanina dahil sa pag kagat ko. Nang lumabas ako ay nakita ko si Marlon na nilalagay ang order ng Scotch whisky sa aking tray. Kaagad namula ang pisngi ko ng maalala kong kay Perseus ang order na iyon. “VIP.” Maikling sabi ni Marlon. “Okay, thank you.” Ako. Nag tungo ako sa itaas. Walang masyadong tao duon ngayon. Ilan lang ang tao at malayo pa sa sofa ni inuupan ni Perseus ngayon. Tanaw ko siya. Mula rito sa malayo. He’s wearing a black polo long sleeve. And black slacks. Habang ang leather watch nito ay tinatanggal niya at inilapag iyon sa table. Hinawi niyang ang jet black hair clean cut niyang buhok. At kinuha ang cellphone nito, at inilagay niya sa kanyang tenga. Kaagad rin niyang ibinaba ang tawag ng makalapit ako sa kanya. Inilapag ko ang Scotch whisky na order niya. Nakakapanibagong wala siya kasama ngayon. Tulad ng lagi niyang ginagawa. “Have a sit Andra.” Aniya. Napakagat ako ng labi sa sinabi nya. Kita ko ang siwang ng ngisi sa namumula niyang labi ngunit di niya pinahalata iyon. “Wala ka yatang kasama?” Tanong ko ng maupo ako sa tabi niya. Hinila niya pa ako lalo upang palapit pa sa kanya. Halos kapusin ako ng hininga sa ginawa niyang iyon. Naramdaman ko ang braso niyang gumapang sa aking beywang. Habang ang babaa nito ay inihilig sa aking balikat. Ngayon ay tila nakayakap siya sa akin. Na tila mag asawa ang posisyon. “Gusto kitang masolo kaya’t hindi ko sila pinapunta.” Bulong niya sa aking tenga. “I missed you. “ “I miss your smile, I miss your smell, and god dammit I miss all of you, baby..” Bulong niya sa gilid ng tenga ko. Kumalabog ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Gusto kong tumakbo mula sa pagkakayakap niya. Ngunit mukang malayo kong magawa. Dahil ang dalawang braso na nito ay nakapulupot sa akin. “Kakikita pa lang natin kagabi.” Maikling sagot ko. Di ako makatingin sa kanya. Tingin ko ay nakikita niya ang pisngi kong kasing pula ng kamatis. “Yeah, you should stay in my condo... Para di ako mangulila ng ganito.” Paos na sabi niya. Hirap niya ako sa kanyang harapan. Halos mapigil ko ang aking pag hinga. Mabilis kong tinakpan ang aking mukha. Hinuli niya ang kamay kong tumakip sa aking namumulang pisngi. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa akin. Unti-unti niyang binaba ang dalawang kamay ko. Bumungad sa akin ang napakagandang niyang mata. Nakatingin siya sa akin na tila ako lang tao sa buong paligid. Kita ko ang pagbaba ng labi niya sa akin. Napakapit ako sa itim na polo sleeve. Niya, gusto kong abutin ang labi niya. Ngunit siya mismo ang bumitin sa halik na iyon. Halos mag dikit ang labi namin. Binitin niya ako na tila nanunukso. “Babe, tell me you miss me too.” Mahinang sabi niya. Habang sobrang lapit parin ng mukha namin. Napasinghap pa ako ng hawakan nito ang babaa ko. Kita ko ang pagtaas ng kurba ng labi niya. Tila natutuwa siya sa naging reaksyon ko. “Say it Babe.” “Please....” aniya. Sa nakikiusap na tono. “I missed you too... P-perseus....” Nanghihinang sabi ko. Gustong gusto ko siyang sugalan. Ngunit nakakatakot matalo sa kanya. Pakiramdam ko ay oras na matalo ako ay ako lang ang di makakaahon sa aming dalawa. Habang siya ay kaya pa rin niyang ibalik ang na durog na siya. Matapos ang magiging mapait na nakaraan namin. “Akin ka lang, Andra.” “No one has a right to own you but me.” “You are mine. No one can ever change that” he said and kissed me. Sinakop niya ang labi ko. Ramdam na ramdam ko bawat hagod na ginagawa niya. Hindi ko na inalala ang nasa paligid ko. Basta ang alam ko ay nilasing niya ako sa bawat halik niya. “Y-your... lips taste like whiskey...” Ako ng bigyan ng espasyo ang aking labi. Namumungay ang matang nakatingin sa akin. “Yeah...” “You’re getting more drunk...” “F*cking sh*t binabaliw mo ako.” Bulong niyang muli. Sumiksik ito sa aking leeg. Naramdaman ko na naman ang malamlam na halik niya ruon. “I want you to be my girlfriend, Andra.” Anya. Halos manigas ako sa sinabi niyang iyon. Hinagod niyang muli ng halik ang aking leeg. Pakiramdam ko ay nag iwan siya ng marka ruon. “Tell me Babe.. nasaktan ba kita last night, hmm?” “Oo pe—” pinutol niya iyon. “Yes, means boyfriend mo na ako?” Tanong niya ng tumigil ito sa ginagawa at itinuon ang pansin sa akin. “N—.” “Yeah, I’m your boyfriend now.” Anito. Natatawa na sabi nito. Nawala ang usapan namin ng ibinaba ni France ang milkshake sa aming harapan. “Here’s the order Sir.” Aniya. At yumuko. “For you.” Si Perseus. Naka nakatingin sa akin. Wala siyang maging pakialam. Kahit pa nasa harap namin si France. Napatingin ako kay France na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa amin, gamit ang mapanuring tingin. Ngunit kaagad ring tumalikod. Hindi pa ako nakakatikim ng milkshake. Nag aalangan rin akong kunin iyon. Dahil baka dumagdag ang timbang ko bigla. “H-hindi ako mahilig jan.” Pagsisinungaling ko. Tumaas ang kilay nito at kinuha iyon. Kinuha niya ang straw nun at itinapat sa labi ko. “Just taste it. It’s delicious.” Anya. “Kase...” “No one will know, that you tasted it.” Makahulugan sabi niya. Unti-unti ko iyon tinikman. Halos bumalot ang masarap na flavour sa aking bibig. Kinuha ko iyon kaagad sa kanya. At ako mismo ang nag hawak. Kita ko ang mahina niyang pag halakhak sa akin. “It’s good” ako na di makapaniwala dahil sobrang sarap ng Strawberry milkshake. “Yeah, because I also like strawberry milkshakes.” “So... I know you will like it too.” Aniya at pinagmasdan akong mabuti. “First time ko makatikim nito.” Ako. Habang ang straw ay nasa labi ko parin. “let’s date tomorrow, I will cook you food, that you have never eaten before.” Aniya ay hinaplos ang aking pisngi at pinatakan ng halik sa noo. “Talaga ba?!” Halos mangisay na tanong sa akin ni Glenda ng ikuwento ko sa kanya ang una at kung paano kami ni Persues na punta sa sitwasyon namin ngayon. “Oo, sabi niya ay mag date kami ngayon, sakto linggo wala akong trabaho.” Ako. Habang humahanap sa aking aparador ng dress na isusuot. “Galing ng tadhana no? Tila kayo ipinag buklod ng panahon. Parang sinadya ang lahat.” Kinikilig na sabi nito. Napangiti lang ako at napailing. Sabi nga nila ang pag ibig daw ang totoo nating tadhana. Eventually, everything connects. Pero binibigyan parin tayo ng tadhana ng pagpipilian. Maraming beses sa buhay nakukuha natin ang gusto natin, ngunit hindi ang kailangan natin. Nangangahulugan na ang gusto natin, at kung ano ang talagang kailangan natin, ay maaaring hindi pareho. “Nakakatakot parin umasa.” Ako. Pinag masdan ko ang isa sa mga damit ni Mama. Yun ang nais kong isuot sana, dahil hindi pa naman ito sira. Maganda pa at mapapakinabangan. Kinuha ko iyon mula sa isang magandang box. Christian Dior. Yun ang pangalan ng box. Nang inangat ko iyon at bumungad sa amin ni Glenda ang magandang tela nito. Silk women dress iyon. Na may internal logo, polo neck, short sleeves at front bottom fastening. “Wow..” wala sa sarili kong sabi. Hindi ako makapaniwalang may mga ganitong damit pang naitatago si Mama. Tingin ko ay regalo ito. “Mahirap talagang umasa lalo sa katulad natin. Pag nag ka gusto ang mas angat satin sa isang katulad natin. Pakiramdam natin binibiro tayo ng tadhana.” Si Glenda na pinag mamasdan rin ang magandang white dress. Ngumuso ako. Oo totoo nga iyon. Pakiramdam natin ay nag biro ang tadhana. Nakakatakot iyong sugalan. Pero minsan naman ay may nanalo rin sa ganun. Kaya lang ay kung sa isang tulad ko lang. Mukhang malabong mangyari ang lahat. “Kung matalo man ay bahala na.” Ako. Napatingin sa akin si Glenda, dala ang ngiting aso niya. “Oo nga naman! Minsan lang naman yan at kung sakaling manalo. Ibig sabihin ay para sayo nga ang tadhana!” Positibong sabi niya. Nang matapos kami ay naabutan ko si Mama. Nakaupo ito sa sofa at nag sasalita. Kaagad ko siyang nilapitan upang maibaling niya ang buong atensyon sa akin. “Malungkot si Mama mo, Andra.” Naka sibangot na sabi sa akin ni Mama. At saka niya binalibag ang suklay na hawak. “Bakit naman po Ma?” Tanong ko. Habang hinahaplos ang itim at magandang buhok niya. “Nakita ko ang halimaw. Nakita ko siya.” Si Mama. Kita ko sa mga mata niya ang takot. Hindi man ito nag wawala ngunit makikita mo sa kanya ang takot. “Ma, a-ano.. pong pangalan ng halimaw?” Sa tagal namin mag kasama ni Mama. Ngayon lang ako nag lakas ng loob tanungin sa kanya ang halimaw na lagi niyang sinasabi. “Parang isang kidlat ang pangalan niya. Makapangyarihan sa lahat. Kaya niyang kontrolin ang mga tao gamit ang kapangyarihan niya.” Si Mama. “Ano pong kapangyarihan?” Ako. “Ang pera ang kapangyarihan niya.” Nagigilid ang luha ko habang. Pilit kong pinapakinggan ang kuwento ni Mama. Kita ko sa kanya ang lungkot. “Ang halimaw na iyon ay umibig sa akin. Ngunit ang puso ko ay tumitibok na para sa iba.” Anito at natawa. “P-paanong umibig po Mama?” Ako. “That man is a rich politician.. nakatadhana para sa iba. Sa una ay iniibig ko siya ng buo. Ngunit habang ako’y handang ibigay ang lahat ng pag ibig ko para sa kanya. Nakalaan pala siya para sa iba.” Si Mama. Habang tumatawa na umiiyak ito. “Umibig akong muli ngunit hindi siya pumayag sa ginawa ko. He kidnapped me. Dinala niya ako sa isang madilim na lugar. Matagal niya akong inangkin sa isang madilim at magandang lugar. Madilim iyon dahil purong mapapait na alaala. Pero maganda dahil gitna iyon ng magandang isla.” “The monster wants to kill you, because he doesn’t want to accept you.” Si Mama. Kasabay ng pag patak ng luha ko. Ang pag punas niya sa pisngi ko. “B-bakit Ma, ayaw niya ba sa akin?” Nanginginig kong tanong. “Ayaw niya dahil may iba na siyang pamilya. Ayaw ko rin sa kanya. Ayaw ko sa halimaw na iyon. Gusto niya akong patayin!” “Ang sabi niya ay may anak siyang lalaki. Hahanapin ako at papatayin. Mapapahamak tayo Andra!” Sigaw ni mama sa pag mumuka ko. “Kung sana ay nabubuhay pa ang lalaking iyon. Sana’y mapoprotektahan niya tayo. Laban sa mga halimaw.” Si Mama na kumapit na sa akin at yumakap. “Pinagahasa niya ako sa maraming halimaw! Pinainom ako ng maraming gamot! Dahil galit siya sa akin. Dahil sayo Andra!” “Dahil sayo! Ang halimaw na iyon ay nagalit! Dahil sayo ang lahat ng ito!” Kumalas siya sa yakap at hinampas ang aking balikat. Hindi ko si Mama pinigil. Hinayaan ko lang siya sa matapos at humupa ang galit niya. Patuloy ang pag patak ng luha ko. Kung sakaling hindi ba ako nabuhay na mundong ito. Hindi niya ba maranasan ang lahat ng iyon? Paulit-ulit kong isinisi sa sarili ko. Ang lahat ng nangyari kay Mama ay kasalanan ko. Kung sana’y hindi na lang ako nabuhay. Sana ay hindi mararansan ang malupit na sinapit niya sa lalaking tinatawag niyang halimaw. Sana’y maayos ang buhay niya. At di siya nakakulong sa mapait na nakaraang ito. Pinunasan ko ang walang kapaguran kong luha. Habang pinagmamasdan ko ang umiiyak na si Mama sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD