Sinuot ko ang dress na nakita ko sa ilalim ng aparador ni Mama. Bago ako umalis, nagpaalam ako kay Tita Nida na may aasikasuhin ako ngayon araw. Hindi ko sinabi sa kanila na may date ako.
Oo, date.
Isang date. Kasama si Perseus.
Nilagyan ko ng kaunting contour ang aking bandang braso. Dahil sa kaninang pag hampas ni Mama, ng paulit ulit. Nagkapasa ito ng kaunti. Pinoniytail ko rin ang aking lagpas balikat na buhok.
Naglagay lang din ako ng face powder sa aking mukha, kaonting mascara naman para sa aking pilik mata. At kaunting make up sa aking labi at pisngi.
Nang matapos iyon ay sinuot ko ang doll shoes na pinahiram sa akin ni Glenda. Tiningnan mo sa malaking salamin ang aking itsura. Kasabay nun ang pag hagod ng tingin sa akin ni Mama.
"Ang ganda, ganda ng Andra ko!" Si Mama na pumapalakpak pa. Habang pinupunasan ito ni Tita Nida.
"Talaga po Ma?" Nakangiting tanong ko.
"Oo naman. Maganda ka, kasing ganda ko." Masayang sabi niya.
"Saan ba ang tungo mo Andra?" Si Tita.
"May kikitain lang po akong kaibigan." Ako. At pinasadahan ng kamay ang aking suot na dress. Nang makita ko ang maliit ng lukot sa parte ng tuhod ko.
"Sinong kaibigan?" Pag uusisa niya.
"S-sa.. trabaho po Tita. Uuwi rin ako pag patak ng alas singko. Ako. Na halos maibilaukan sa pagsisinungaling.
"Pwede naman siyang mag tungo rito. Bakit kailangan pang lumabas kayong dalawa?" Si Tita muli.
"G-gusto ko rin po makalibot kahit minsan." Ako.
"Salad ang kainin mo lang Anak ha?" Si Mama.
"Opo Ma," ako.
"Saan kaba sunduin?" Si Tita, na ayaw pang tumigil sa pagtatanong
"S-sa..." Di ko naituloy ng bigla iluwa si Glenda ng pinto namin. Kita ko ang paghinga nito ng malalim.
"Narito na ang boyfriend mo!" Si Glenda. Halos matakbo ko ang pagitan namin para takpan ang bibig nito.
"Boyfriend?" Si Tita. Tingin ko ay di narinig ni Mama ang sinabing iyon ni Glenda.
"Kaibigang lalaki po."
"Mauna na po ako uuwi po ako alas singko." Ako. At mabilis na umalis.
Nang makarating ang ako sa labas. Nagulat ako ng makita ko itong nakasandal sa range rover niya. Kulay black iyon at takaw pansin sa mga nag dadaan.
He's wearing a white v neck plain blouse casual slim fit. At black na slacks. Hulmang hulma ruon ang napakaganda niyang katawan. Pero katulad ng dati ay madalas ko itong makitang nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tenga. Pero mabilis rin tinatanggal kapag papalapit na ako sa kanya.
Halos mapatigil ang lahat ng nag dadaan dahil sa itsura niya. Kilalang kilala siya dahil minsan na siyang ipinakilala sa buong media ng kanyang ama ng mangampanya ito.
"Let's go?" Tanong nito ng lumapit sa akin. At kaagad akong pinatakan ng halik sa nuo.
Halos iluwa ko ang puso ko ng maramdaman ko ang labi niya. Kaagad akong napatingin sa pinto ng bahay namin. Nakita kong masama ang titig ni Tita Nida sa amin.
Kinuha ni Perseus ang beywang ko at inalalayan sa kanyang kotse. Naamoy ko ang pamilyar niyang bango. Halos napasinghap ako sa kanya.
"I know you like the smell of this perfume, kaya yan ang ginamit ko." Anya at tumingin sa akin.
"H-how did you know?" Nahihiyang sabi ko. Dahil totoong nanunuot sa aking sistema ang amoy niyang iyon. Tingin ko ay mamahalin rin ang pabango niya.
"Because I feel it." Aniya at minando ang sasakyan.
"Where do you want to eat?" Aniya. Habang ang mata'y balik-balik sa akin. Ilang segundo naman ay sa kalsada na.
"Do you know how to cook?" Tanong ko.
Kita ko ang pag kurba ng labi niya ng umangat ito ng kaunti. At pagtaas ng makapal nitong kilay. Tila sinusubukan ako.
"Yeah, of course. What do you want to eat?"
"Ipagluluto kita ng kahit anong gusto mo." Nanunubok ang boses niya.
Hindi ko mapigilan hindi maging masaya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Ang isang katulad niya. Oo ang isang katulad niya ay mag kakagusto sa akin. Kada mag tatama ang tingin namin ay naalala ko kung paano niya sinabi sa akin, na kung gaano siya kabaliw sa akin. Kung paano niya nilagyan ng teritoryo ang bawat piraso ko.
"Ano bang favourite mong kainin?" Tanong ko.
"Wagyu. Oh yeah, ipaluluto kita ng wagyu steak. You will definitely like that!" Aniya at ngumiti sa akin.
Sana'y hindi matapos ang araw na ito. Sanay ay tumigil muna ang oras para sa aming dalawa.
"I want you to eat everything you haven't eaten yet with me."
"Please... Andra.. stay with me no matter what happen." Aniya. At kinuha ang libre kong kamay.
He gave her a warm smile. Soft smile playing on his handsome features. Parang pinipiga ang puso. Nakangiti pa rin siya sa akin. Gusto kong maluha. Gusto kong makiusap sa maykapal, at sabihin itadhana kaming dalawa para sa isa't isa.
Inangat ko ang kanyang libreng kamay. Hinalikan ko iyon ng marahan. Napawi ang ngiti niya sa labi. I'm falling for him. Hard. pakiramdam ko ay isang malaking sugal ito ngayon na pilit kong ipapanalo.
Naramdaman ko ang mainit na labi ni Perseus sa aking pisngi. Yun ang nakapag pag gising sa akin sa mahaba kong tulog. Nakakahiya man ay talagang nakatulog ako sa biyahe dahil sa sobrang tagal nito.
“Where here..” he whispered. Inalalayan niya ako ng bumaba ako sa rover niya.
“N-nasaan tayo?” Tanong ko. Dahil hindi pamilyar ang lugar sa akin. Bumungad sa akin ang isang asul na dagat. Sa bandang kanan naman ay may isang white house. May mga puno ang gilid ng bahay na iyon at may maliit na gazebo. Ang buong paligid ay nababalot ng white sand beach.
Maganda ang buong paligid. Parang isang bahay bakasyunan na may modern style puno rin ng glass wall ang buong lugar. Pakiramdam ko ay napakasarap tumayo sa veranda ng bahay na iyon tuwing gabi.
“This is my mother’s country house.” He said. Pinag siklop niya ang kamay naming dalawa. At sabay kaming nag tungo papasok sa loob.
Pag pasok mo pa lang sa loob. Bubungad kaagad sayo ang magandang interior design ng bahay. At ang isa nakapalaking family picture na nakasabit sa malaking living room ng lugar.
Natanaw ko ruon si Gov. Zeus Calderon. At ang ngayon ko lang nakita ang asawa nito. Nakaupo si Gov. Habang ang asawang babae naman nito ay nakatayo sa gilid niya. Habang ang batang Calderon na si Persues ay buhat ng papa niya.
“Ang ganda ng Mommy mo.” Wala sa sariling sabi ko. Habang unti-unting inililibot ang mata sa mga batang picture ni Perseus kasama ang Mommy niya.
“Yes, she it.” Aniya. At naramdaman ko ang pag pulupot niya sa bewang ko ng dalawang braso niya.
“A-asan siya?” Tanong ko.
“She died when I was 3 years old.” Aniya. At ipinatong ang babaa niya sa aking balikat.
Kaagad nilukob ng lungkot ang aking sistema. Nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay di na dapat ako nag tanong sa mga personal na bagay tungkol sa kanya.
“I’m sorry...” Ako.
“No, it’s fine. I want you to ask about me... Or a personal matter... I want it Babe...”
“I want you to memorize every part of me.” Paos na sabi niya.
Nanatili kaming ganun ang posisyon. Tila mag asawa. Nakayakap siya sa aking likuran at pinagmasdan ang iba pang picture kasama ang Mommy. Karaniwang wala si Gov. Sa iba picture minsan naman ay kasama siya. Pero madalas ay wala.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang maputing braso. Nakatiklop hanggang sa siko ang kanyang sleeve na suot. Kaya’t kitang kita ang ugat sa kanyang kamay.
Ngunit takaw pansin ang isang malaking peklat na nakaguhit sa kanyang bisig. Hindi iyon kapansin pansin. Dahil maputi ang balat niya. Pero kung tititigan mong mabuti ay mapapansin mo iyon. May kahabaan ngunit tingin ko ay matagal ng nag hilom.
Hinaplos ko iyon. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya.
“That scar...”
“I got that when my Mom died.”
“I was riding in her car at that time... Ang akala ko ay ililibot niya lang ako ng oras na iyon. Masayang masaya ako dahil sa wakas ay may oras na siya sa akin. But all that happiness ended in great sorrow.”
“She wants to kill herself... and he wants me dead too.” Unti-unting humina ang boses niya.
“She said. “Your father has another woman.” While she cried.” Aniya.
Humarap ako sa kanya. Kaya’t medyo nagulat ito sa ginawa ko. Kita ko ang asul niyang mga mata. Puno iyon ng lungkot at galit. Gusto kong burahin ang lungkot at galit na iyon. Ngayon ko lang siya nakitang mahina. At masakit sakin sa akin iyon. Pakiramdam ko ay nanunuot rin ang sakit saking puso.
“I’m sorry...” Paghingi ko ng tawad. Hindi ko alam kung para saan iyon. Ngunit gusto kong manghingi ng tawad sa kanya.
Mapungay ang matang nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko ay rinig ko ang bawat pintig ng puso naming dalawa. Nang mag tama ang tingin namin.
Matangkad siya. Kaya’t tumingkayad ako upang maabot ang labi niya. Ngunit di iyon naging sapat. Kaya’t siya mismo ang yumuko upang mahalikan ako.
Hinalikan niya ako pabalik. Hinagod niya ang bawat sulok ng labi ko. Naramdaman ko ang kamay niyang nag lalaro sa aking pang upo. Mas diniin ko ang sarili ko sa kanya.
Habang ang halik niya ay papusok ng papusok.
Napapikit ito ng mariin ng halikan akong muli. Nang maihiga ako sa malambot na kama. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng dress ko.
Naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam na minsan na niyang ipinamalas sa akin. Unang haplos niya pa lang sa akin ay ipinamalas na niya kaagad sa aking ang langit.
Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang kapaguran. Nang ingat niya ang daliri niya muli sa aking suot na dress. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya na naman ito.
“You came so fast.” He whispered sexily, full of lust, desire and want.
Hinila niya pababa ang suot ko dress. Naramdaman ko ang kanyang halik na nag umpisa sa aking collar bone. Pababa hanggang tiyan. Hanggang sa makaabot sa aking puson.
Tila isang birhen o isang reyna niya akong sinamba.
I’ve always wanted to wait until i’m married to have s*x because doing it with just one person is important to me. I don’t regret being with him, kahit ang bagay na ito ay di ko pinagsisihan na ibinigay ko sa kanya.
Mahal ko Perseus. At sigurado na ako ruon. Hindi man ako sigurado kung mahal niya ba talaga ako.
”I love you.” Paos niyang sabi. Habang ang mga titig sa akin ay puno ng kagustuhan.
Pinagsaluhan namin ang gabi. Nagpadala ako sa agos ng pagmamahal ko sa kanya. Na tila hindi takot sumugal sa isang katulad niya.
Hindi ko na iintindihin ang iba niyang sinabi. Nang matapos naming pagsaluhan ang pagmamahal na iyon. Bumigat ang talukap ng aking mga mata. Naramdaman ko pang hinaplos niya ang aking pisngi at pagbalot niya sa akin ng puting comporter bago ako nakatulog.
Lamig ng aircon ang gumising sa akin. Pag tingin ko sa malaking glass wall ay madilim na. Nakita ko ang malapad at magandang likod ni Perseus sa labas. May inaayos ito sa lamesa.
Nang maramdaman niyang gising na ako ay kaagad itong pumasok.
“I cooked for you.” Aniya. At ninakawan ako ng halik sa labi.
“S-sorry nakatulog ako.” Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako.
“No, it’s fine. I know you are tired.” Aniya.
Itinaas niya ang aking baba. Upang mag lebel ang aming paningin. Nakita ko na naman ang maganda niya asul na mga mata.
“Nasaktan ka ba kanina? I’m sorry if I hurt you.” Aniya. At nag aalala.
Hindi niya ako nasaktan. Hindi ang physical ko ang masakit. Ang aking puso. Yuon ang masakit pakiramdam ko ay di ako nababagay sa mundo niya. Kahit iwasan kong hindi isipan ay walang tigil ang reyalidad sa pagsampal sa akin ng katotohanan.
“Hmm.. nagugutom ako.” Pagbabago ko ng usapan.” Kaagad tumaas ang kilay nito at bahagyang natawa.
“Damn girl..” aniya. at inalalayan akong makatayo.
Ibinalot ko ang comporter sa katawan ko at yun ang nagsilbing suot ko. Pakiramdam ko isa akong babaeng ikakasal ng mag lakad ako habang akay niya sa beywang.
Huminto kami sa parteng bintana. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Ang ilaw sa bintanang iyon ang nagsisilbing ilaw sa aming dalawa. Napatingala ako sa kanya. Habang ang mata nito ay puno ng emosyong nakatitig sa akin.
“I will marry you, Andra.” Aniya.
Hindi ko alam ang isusukli ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung seryoso siya. Ngunit halos mag bara ang lalamunan ko sa sinabi niya.
Ako papakasalan ng katulad niya?
Parang isang panaginip lang. Ang hirap paniwalaan.