kabanata 10

2026 Words
"Nagbibiro ka lang." Sagot ko. At pinahiran ang luhang walang hiyang bumuhos sa aking pisngi. Nagbibiro siya at hindi iyon magandang biro. Kung patuloy niyang sasabihin ang mga salitang iyon. Hindi ako magdadalawang isip na paniwalaan iyon. Kung pareho kami ng estado ay baka paniwalaan ko kaagad ang sinabi niya. Ngunit hindi. Hindi. "I can't read your mind.. hindi kita maintindihan.." hinaplos niya ang pisngi ko. Halos mapapikit ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang palad. "Mahal mo ako. Ngunit natatakot kang sumugal." Aniya. Pinagmasdan ko siya. Tinatamaan ng kaunting sinag ng buwan ang kulay asul niyang mga mata. Kasing ganda ng isang asul na dagat. Tumango ako ay pumikit. Hindi man ako nag salita ay alam na niya ang sagot. Buwan pa lang nang mag kakilala kami sa hindi magandang simula. Ngunit pakiramdam ko ngayon ay tila kilalang kilala niya ako. Bawat kilos ko ay alam niya. Bawat paghinga ko ay nababasa niya. Bawat pag pikit ko ay alam niya ang ibig kong sabihin. "I know Babe, you're just f*****g scared to fall... trust me." "Hinding hindi mo pagsisihan ang pag sugal sa akin." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Pakiramdam ko ay sobrang safe ko sa mga bisig niya. Ninamnam ko ang bawat oras at minutong lumilipas. Hindi pinansin ang oras at hinayaan lang mag pati anod sa pag ibig niya. Nanghihina ako sa tuwing nararamdaman ako ang hawak at haplos niya. Ang mga titig niya sa akin ang mas lalong nakakapag pabaliw ng husto sa puso. I want him so bad. At hindi ko maikakaila ang kagustuhan na iyon. "I love you." Aniya muli. Binanggit na naman niya ang salitang iyon. Natatakot akong tugunan iyon. "P-perseus..." Pag tawag ko. Ngunit ang yakap niya ay mas idiniin pa niya. "You don't have to answer that word... Hindi kita pipilitin," "I will wait... Kahit pa matagal." Aniya. Nag tungo kami sa veranda. Bumungad sa akin ang lahat ng niluto niyang pag kain. Kasama na ruon ang wagyu steak na sinasabi niya. Ang iba naman ay puro salad na. Ngunit tingin ko ay hindi ko pa iyon natitikman. Dahil pangkaraniwan lang ang lagi naming kinakain ni Mama. "Let's eat." Aniya at sinalinan ang baso ko ng orange juice. "Mukang masarap lahat.. hindi ko alam kung anong uunahin ko." Ako na namamangha sa lahat ng niluto niya. "Try the main dish first, Babe." Aniya at inilapag ang magandang plato sa aking harapan na mayroong grilled wagyu steak at asparagus may grilled potato rin ito. Kinuha ko kaagad ang knife and fork. At marahang hiniwa ang wagyu. Pinanood niya ako sa ginagawa ko. Hindi ko pinansin ang hiya dahil talagang nagugutom na rin ako. Nang mahiwa ko ay sinubo ko iyon kaagad. Kaonting nguya pa lang ang ginawa ko ay nadurog na kaagad ang wagyu sa aking bibig. Sobrang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong pagkain. At isang Perseus Riley Calderon pag ang nag luto para sa akin. "It's good! Really good! Ang sarap nito." Masayang sabi ko at pumalakpak pa. Dahil sobrang sarap. Bahagyang natawa ito sa naging reaksyon ko. "I'm glad you enjoyed it. Ako ang nag luto kaya't alam kong masarap." Puno ng kumpiyansang sabi nito. Nag tawanan kaming dalawa at masayang pinagsaluhan ang mga niluto niya. Hindi ko pinansin ang takot na dumagdag ang aking timbang. Ang alam ko lang ay masaya kong kasama siya. At masaya akong pinagluto niya ako. Inubos ko ang cesar salad na gawa niya. Nang matapos iyon ay bigla itong tumayo sa kinauupuan niya at pumasok sa loob. Inabala ko ang sarili ko sa pag inom ng orange juice. Habang hinihintay siyang bumalik. Nang bumalik ito ay may hawak na itong kulay pulang box. "I have a gift for you." Aniya. Sa aking likod at hinalikan ang balikat ko. "Hindi naman kailangan, wala naman okasyon." Ako. Bahagya itong natawa. At umikot sa akin upang mag harap kaming dalawa. Inilapag niya ang pulang Box na may pangalan na Cartier. "Open it." Aniya. Unti-unti ko iyong binuksan. Tumambad sa akin ang isang rose gold na bangle bracelet, sa tabi nun ay isang rose gold na screw rin. "Sobrang ganda...." Mahinang sabi ko. “Really, you like it?” magkasunod na tanong niya. Kinuha niya ang aking pulso. At inilagay ang magandang bracelet. Inikot niya ang screw nun upang mag bukas. Ipinasok niya iyon sa aking pulso ng lumuwag iyon ng kaunti. Nang maipasok muli ay kinuha niya muli ang screw at hinigpitan ang kabit. "I will secure the screw." Aniya at nginitian ako. "This is too much. Hindi naman kailangan ng ganito." Ako. "This bangle bracelet is a symbol of love and commitment. Promise me with all your heart, you will never let us fall apart." "I promise to be committed to you and only you. I promise to be loyal and love you how you wish to be loved." "Pangako iyan, Andra." Aniya. Tumango ako habang ang luha ko ay walang tigil sa pag patak. Ayaw kong umasa. Ayokong isipin na hanggang dulo ito. Kahit pa sobrang komplikado ng lahat. Purong kapaitan ang naiisip ko sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako. Gusto kong mag laho na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Ngunit tingin ko ay malabo ko iyong magawa. Dahil sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Na kahit ilang tanggi ang gawin ko o panloloko sa aking sarili. Sa kabilang banda, umaasa parin ako. Na ang katulad niya ay sana ay totoong nagmamahal rin sa isang katulad ko. Halos isang araw yata akong nawala. Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang ipapaliwanag ko kay Tita Nida. Matapos ito. Pinagmasdan ko ang bangle bracelet na ibinigay ni Perseus sa akin. "You like it?" Tanong niya. Habang minamando ang sasakyan. "Oo, sobrang ganda nito." Ako at pinagmasdan ko muli. Lumulubog na ang araw ng umalis kaming muli sa bahay ng Mommy niya. Sabi ni Perseus ay mas masarap ang night drive. Kaya't pumayag ako sa gusto niya. Pero bago pa man sakupin ng dilim ang buong paligid. Napahinto na ang kotse namin. Sa gitna ng tulay patungo sa bayan. Maraming mga kalalakihan na naka tuxedo ang nasa labas ng bawat kotse nila. Pero takaw pansin ang pinakahuling huling kotse sa hulihan. "Stay here, Andra." Si Perseus na seryoso ang mukha ng ihinto nito ang kotse, at lumabas sa loob. Nang makalabas siya. Nag labasan rin ang iba pang tingin ko ay mga guards. Hindi ito basta basta mga guards, dahil puno ito ng mga baril. Kaagad akong nilukob ng takot. Dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Halos mapigil ko ang aking hininga. Nang ang mga lalaking iyong ay pumalibot kay Perseus. Ngunit si Persues ay walang naging reaksyon o takot sa ginawa ng halos sampung tao na pumapaligid sa kanya. Napahawak ako sa pinto ng kotse. Gustong gusto kong buksan iyon. Pero pinanghahawakan ko ang sinabi ni Perseus. Na manatili lang ako sa loob. Sa pinakahuling kotse ay namataan ko ang isang guard, na binuksan ang pinaka magandang kotse na katulad ng kay Perseus. Lumabas ruon ang matandang Calderon. Ngunit pag labas nito ay kaagad nitong tinutukan ng baril si Perseus. Halos manlaki ang mata ko sa nangyayari. Galit na galit ang titig ni Zeus Calderon sa sariling anak. Bawat bukas ng bibig niya ay tingin ko puno iyon ng galit. Kaagad nitong sinuntok ang anak niya. Natutop ko ang bibig ko sa takot. Pero bago pa man maisahan muli si Perseus ng Ama niya. Kaagad nitong inilabas ang baril na naka lagay sa kanyang beywang. Hindi ko man lang napansin iyon kanina. Nagkagulo ang buong mga kautahan ni Gov. Kagaad nilang itinutok ang rifle na hawak ni kay Perseus. Kaagad akong lumabas. Ayaw man ni Perseus, ayaw kong manatili sa loob na ganun ang nakikita ko. “P-perseus!” Natatakot kong sambit. Nang makatakbo ako sa kanya. Napayakap ako sa kanya. Kaagad niya akong ikinulong sa kanyang bisig. Habang ang kaliwang kamay ay nakatutok pa rin ang baril sa ama. “Hindi mo ako sinundan rito, para sa iisang rason lang.” Madiing sabi ni Perseus. Puno iyon ng galit. Nanlalaki ang mata ni Gov. Calderon nang makita niya ako. Ngunit nawala rin ang gulat at napalitan iyon ng ibang emosyon. “Sinundan kita rito para itigil ang kabaliwan mo!” Ang tatay niya na ngayon. Ay ibinaba ang baril na hawak nito. Nagkatinginan kami ni Perseus, nang sabihin iyon ng Ama niya. Kita ko ang takot sa kanyang mata ng tumitig ito sa akin. Mas lalo niya ako idiniin sa dibdib niya at niyakap. Narinig ko ang pag tiim ni Gov. Sa nakita niya. “Just f*cking leave. I told you stop following me here!” Puno ng babala na sabi ni Perseus. Puno ng disappoint na nag balik ng tingin si Gov. Sa kanyang anak. Pakiramdam ko ay ako ang nasasaktan sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam. Wala akong idea sa kung anong pinag tatalunan nila. Pero sa tingin ko ay mukhang malalim iyon. Nagawa pang sundan ni Gov ang kanyang anak kahit pa labas na ito ng bayan. Para lang pigilan ito. “I told you before, huwag mo nang hanapin ang kapatid mong na iyan!” Sigaw ni Gov. Sa aming dalawa. Nanlamig ang sikmura ko sa narinig ko mula sa bibig ni Gov. Pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko dahil sa binitawan niyang salita. Napa atras ako sa mga bisig ni Perseus. “Andra..” puno ng pag iingat niyang sabi. Sinubukan niya muli hawakan ang braso ko upang ikulong sa kanya. Ngunit marahas ko iyong tinabig. Lahat ng aalala sa akin ay biglang nag rewind na tila isang palabas. Ang pag hihirap ni Mama. At kung paano siya umiyak ng walang dahilan. Rinig narinig ko iyon sa aking utak. Ang pag hikbi niya sa gabi. Ang pag tawa niya ang pag wawala niya. “Andra Mira Alvarez?” Si Gov. Halos kainin ako ng galit at puot ng banggitan niya ang buo kong pangalan. “Let me explain Andra, please Babe..” si Perseus na nilapitan akong muli. Napa atras ako sa ginawa niya. Kita ko ang takot niya ng gawin ko iyon. “I told you stop this f*****g revenge! Kapatid mo ang batang iyan at...” Halos napailing si Gov. Nang tingnan ko siya. Nanginginig ang labi ko. Kahit ako’y di ko iyon maramdaman. Bumaling ako kay Perseus. Ngayon ay unti-unting namumutla. Ngayon ko lang nakita ang takot niyang iyon. Para saan? Bakit? “Ipapaliwanag ko sayo lahat Andra... Please...” Halos mag makaawa na ang boses niya. Tinitigan ko lang siya. Pilit ko ipinapasok sa kokote ko ang lahat ng ito. Ngunit isa lang ang malinaw. Ang lalaking ito. Ang ama niya ang gumahasa kay Mama. Ang lalaking kaharap ko ngayon na minahal ko ay kapatid ko pala. Hindi ko na kailangan ng paliwanag. Dahil lahat ng iyon ay nasagot na ng di ako nag tatanong. Kaya ba walang tumatanggap na trabaho sa akin ay dahil planado ni Perseus ang lahat ng ito? Gusto niyang itapon ako sa Club na iyon? Kaya pala kahit anong gawin kong pagsusumikap, ay pilit sa aking inilalayo ng tadhana iyon. Siya pala ang dahilan ng lahat. At bakit siya mag hihiganti sa akin? Bakit niya iyon gagawin? Ang kasalanan namin sa kanila. Kami ang biktima rito. Kung mayroon ang dapat mag higanti ay kami yuon. Paghihiganti na dapat makulong ang ama niya dahil isa itong rapist. Napagtanto ko na.... Na kaya pala laging natatakot si Mama sa tuwing nakikita niya lalaking ito. Siya pala ang nakaraan ni Mama. Siya pala ang lalaking halimaw na sinasabi ni Mama. Siya ang lalaking labis na kinamumuhian at kinatatakutan ni Mama. Siya ang lalaking dahilan kung bakit na baliw ang Mama ko. Araw at gabi. Walang araw na hindi si Mama nag dudusa. Walang araw na hindi ito umiiyak dahil sa marumi niyang nakaraan. Ngayon ay kaharap ko ang lalaking sumira sa pagkatao ni Mama. Pakiramdam ko ay kinakain ako ng matinding pagkamuhi. Na kahit anong gawin paghingi ng tawad ay hinding hindi iyon maglalaho. Pakiramdam ko ay kung ano ang naging dulot, dapat ay ganun rin ang kabayaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD